Chapter 63 - Nico 1

3K 115 37
                                    

Nico.

Gabi na, at pauwi na rin kami. Kasabay ko si Ken, Japoy, Crystal at tsaka si Naomi. Ako ang nagdadrive at katabi ko naman si Japoy. At yung tatlo ay doon sa backseat.

Tahimik lang kami, ihahatid din kasi namin si Crystal. Napatingin ako sa rear mirror, natutulog siya. Ang sarap niya tignan habang natutulog. Nakatulog siguro siya kakaiyak kanina. She's so pretty, I can't deny it anymore. I can't.

"Nico!!!" sigaw sakin ni Japoy. Napatingin ako sa harap, nagdadrive nga pala ko.

"Sorry,"

"Tch." sagot ni Japoy, muli akong tumingin sa rear mirror and again I saw her beautiful face. Napangiti ako sa kawalan habang nagda-drive.

Nakarating kami sa bahay nila Crystal. At duon naabutan namin si Dominique na naghihintay. Bumaba na si Crystal at nagwave na siya samin.

"Thank you sa paghatid kay Crystal." sabi ni Dominique. Ngumiti lang kami.

"Salamat, ba-bye. Nams, bukas ah. Galingan mo, ichi-cheer kita." sabi ni Crystal. Bukas na nga pala ang fashion show, naurong ito ng isang araw sa hindi ko malamang dahilan ni ps. Pati na rin ang botohan sa student council.

Nagwave na kami kay Crystal at nagsimula na ulit akong magdrive.

"Phoebe, nakakalakad ka na ba ng may heels?" tanong ni Ken kay Naomi.

"Yes Kuya, marunong nako." sagot nito. Samantalang si Japoy, eto at tahimik. Alam ko kasing nalulungkot siya sa nangyari kay Darwin.

"Good,"

Hininto ko ang sasakyan dahil naka-red ang light. Napasulyap muli ako sa rear mirror. Hindi ko inaasahan ang nakikita ko ngayon, at nadurog ako dun. Nakatitig siya kay Japoy, hindi lang tingin. Titig na. At makikita mo sa mga mata niya na may pagmamahal ang mga titig na yon.

"Nico, green na!" sigaw nanaman ni Japoy sakin. Kailan kaya siya magbabago sa pagsigaw niya sakin?

Nagdrive na lang ulit ako at hindi nako nag-salita, ayoko naman kasi na may pag-awayan pa kami ni Japoy. Sa tana ng buhay ko, isang beses lang kami nag-away. At dahil yon sa laruan, akin naman talaga yun kaso inaagaw niya. Then ayun pinagbati kami ni Grani, tapos sabi ni Grani. Magbati na daw kami, dahil pagdating daw ng araw tiyak na babae naman ang pagaagawan namin.

Naalala ko pa yon, napatingin ako kay Japoy. Binalik ko ang atensyon ko sa daan at muli akong natingin sa rear mirror.

'Magiging kaagaw ko ba si Japoy sayo, Naomi?'

"Ah Nico natapos mo na ba yung computations?" tanong ni Naomi kaya napabalik ang atensyon ko sa daan. At pakiramdam ko nakita niyang nakatitig ako sa kanya.

"H-ha? Ah oo, mamaya bibigay ko sayo. Puntahan na lang kita sa inyo." sagot ko sa kanya, napangiti naman siya.

"Kukunin ko na lang sa inyo, pupuntahan ko din si Phoebe mamaya." singit ni Japoy. Napatingin ako sa kanya.

"No, ako na. Kaya ko naman eh." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Bahala ka nga, isasabay ko na nga eh." sagot niya sakin. Halatang iritable siya, napailing na lang ako.

"Para walang away, ako na lang kukuha sa inyo Nico!" sabi ni Naomi.

"No Phoebe, magpapagod ka lang!" sagot ni Japoy.

"Pero ilang bahay lang naman ang pagitan"

"KAHIT NA! PHOEBE, SUMUNOD KA NA LANG OKAY?" nagulat ako sa sigaw ni Japoy. Napatingin ako sa rear mirror, at nakita kong nagulat din si Naomi. "Sorry, nadala lang ako ng emotions ko dahil sa mga nangyayari."

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon