Chapter 96 - Ace

2K 79 9
                                    

Ace.

"Baby?" pagtawag ko sa kanya. Kanina pa kasi siya tahimik eh, magmula nung umalis kami sa venue.

Napatingin siya sakin. "Yes?" tanong niya sakin. Inaantok na yata siya.

"Bat ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala, naisip ko lang yung nangyari kay Crystal at kay Ken kanina." sabi niya. Napaisip din ako, bakit kaya umayaw si Crystal kay Ken? Kita naman namin na mahal niya si Ken pero bakit siya tumakbo at iniwan si Ken.

"Baka may mabigat na dahilan si Crystal kung bakit siya umayaw." sabi ko, napasandal naman siya sa balikat ko.

"Baby, kung hindi kaya kita sinagot nung araw na nagprupose ka sakin. Ano kayang mangyayari satin?" sabi niya, napatingin naman ako sa kanya.

"Kung nangyari yon, baka nasa sementeryo nako ngayon." sabi ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa, "Bakit baby, wala ka ba talaga balak na sagutin ako non?"

"Syempre meron, mahal kaya kita. Mahal na mahal kita." sabi niya, napangiti naman ako at napatingin sa kalsada. Pinisil naman niya ang pisngi ko. "Kinilig ka nanaman diyan," sabi niya.

"Hindi ako kinikilig," sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ko sa mata, nanlalambot nanaman yung puso ko.

"Sure ka?" nakangising sabi niya. Ibinaling ko ulit ang ayensyon ko sa daan.

"Oo na kinikilig nako." sabi ko, tsaka siya kinindatan. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa pisngi ko.

"I love you, baby." sabi niya sakin, tinignan ko naman siya at hinalikan ko siya sa mga labi niya. Sa lahat ng nahalikan kong babae, masasabi kong ang mga labi niya ang pinakamasarap na halikan ko sa lahat.

"I love you most, Hailey ko." sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya, at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

NAKARATING kami sa tapat ng bahay nila. Bumaba ako at pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Bumaba na rin siya at huminto sa harap ko.

"Ang ganda ganda mo talaga!!! Kagigil ka." sabi ko sa kanya, napangisi naman siya ng bahagya.

"Asus, gumaganyan ka pa. Ilang babae na ba ang nasabihan mo ng ganyan ha Ace De los Reyes Aldama?" sabi niya, kahit kailan hindi ko nasabihan ng ganyan ang mga naging babae ko. Maliban na lang kay Leigh.

"Baby, ikaw lang ang sinabihan ko ng ganyan." sabi ko sa kanya. Pinalupot niya ang dakawang kamay niya sa leeg ko.

I Fell Inlove With My Best Friend (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon