1

19 1 0
                                    

Masakit. Oo. Masakit. Masakit na naman ang ulo ko. Hay... Ano ba yan? Lagi na lang ba akong nahuhulog sa kama sa bawat paggising ko? Haay... Makabihis na nga para makakain at makapasok sa school. First day of school pa naman ngayon. Ang pangit naman siguro na late ako sa unang araw ng klase?

So ayun nga, naligo at kumain ako tapos go to school na!!! Ay? Hindi naman siguro ako ganoon ka-excited diba? Ah, well, never mind. Makaabang na lang ng masasakyan papuntang school.

Ay grabe, halos talumpong minuto na akong nakatayo rito sa labas ng boarding house namin at hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakasakay. Ay grabe na to, ha? O, siya, sige. Maglalakad na lang ako. Kahit medyo malayo-layo siya, sige na lang. Titiisin ko, para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa. Hay naku! Paniguradong amoy araw ako nito mamaya. Di bale na nga lang, ang priority ko ang makapunta sa school. At nagpapasalamat ako sapagkat sanay akong maglakad dahil sa miyembro ako ng Drum and Lyre Band sa dati kong school.

📩 From: Lucia
Hoy Ella! Asan ka na? Kanina pa kita hinihintay dito sa gate? Nagmumukha na akong tanga rito. Bahala ka diyan, papasok na ako sa loob. Ikaw pa naman itong nag-yayayang sabay tayo pumasok at agahan ko ang pagpunta rito.

Ay grabe naman itong si Lucia. Papunta naman ako ah. Hindi talaga makapaghintay? Wala pa naman akong load. Ihh... Sige na nga binilisan ko na lang ang paglalakad.

----------------

"Hoy Lucy!!!! Kanina ka pa dyan? Pasensiya na. Late ako. Wala naman kasi akong masakyan sa amin."

"Oh? So you think I believe you?" At nakataas pa ang kilay niya nang sinabi niya yan. What? Is this really my friend? Parang hindi naman siya ganito dati ah? Baka may dalaw lang kaya I just gave her a confusing look. "Haha.... Your face is so priceless. Halika na. At baka malate pa tayo. Hahanapin pa kaya natin ang magnificent room."

"Eh? Ewan ko sa'yo Cia! Pinagloloko mo ako. O siya, tara na at baka terror pala yung teacher natin. O edi, lagot tayo."

"Haha.... Tara na nga." Sabi niya sabay hablot sa kamay ko at tumakbo. Wala din naman akong magawa kundi magpahatak lang.

Ilang saglit lang...

"Cia!! Wait lang!!" Sabi ko sa kanya habang hatak-hatak niya pa rin ako.

"Oh? Bakit?"

"Hihi... Yung sintas ng sapatos ko. Mukhang natatanggal na eh." Sabi ko sabay tingin sa sintas ng sapatos ko.

"Ay? Haha... Sorry..." Sabi niya sabay peace sign at ngiti. Tinanguan ko lang siya at luluhod na sana  para italing muli ang sintas nang may naalala ako.

"Ay? Haha... Cia?" Tawag ko sa kanya dahil nakatingin na siya sa phone niya nang tingnan ko at agad naman siyang tumango. "Puwedeng pakihawak muna? Sandali lang." Sabi ko sabay ngiti sa kanya at inabot ng hawak kong pocketbook.

"Hay... Kahit kailan. Bookworm. Try mo kayang magbasa sa eBook?" Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagtatali ng sintas. Hay.. Bakit ba kasi lagi na lang 'to natatanggal?

"Cia? Anong oras na?" Tanong ko sa kanya dahil alam kong nagbabasa naman siya ng eBook sa phone niya kaya't paniguradong makikita niya kung anong oras na.

"7:30." Bigla naman tumigil ang mundo ko ng marinig ko yun. Ano raw? 7:30 na?

"Wait! What?! 7:30 na?!" Sabi ko sa kanya kung saan agad akong napatayo since tapos naman din ang pagsisintas ko.

"Oo. Bakit?" Clueless niyang sagot sa akin. Nang walang ano ano'y hinatak ko siya papunta sa Valencia Building kung saan naroon sa second floor ang room namin.

Ay? Oo  nga pala. Kanina pa ako nagsasalita pero hindi niyo pa nga pala ako kilala. Ako nga pala si Anna Gabriella Loren. Panganay na anak nina Irene Lagos-Loren at John Loren. Tatlo lang kaming magkakapatid. Crisan Loren ang pangalan ng ate ko at Joren Loren naman ang bunso namin. Nakatira lang kami sa simpleng baranggay, ang Barangay Nirvania. Actually 10 minutes ang travel papunta dito sa city kung sasakay ka ng sasakyan. At itong babaeng hinahatak ko ngayon ay si Lucia Britannia. Anak siya ni Mr. Rodrigo Britannia at Mrs. Rudelyn Britnnia, ang may-ari ng Academia Britannia, ang dati naming school.

Umalis ako doon dahil sa ugali ng students dun. Alam niyo ba kung bakit? Napakaharsh kasi ng mga ugali nila. Walang guro ang nagtatagal doon maliban na lang kung strict ka. Kaya ang ginawa ko ay nagpakalayo-layo sa kanila. Nagpaka-loner to be exact. 

Naalala ko pa nga nung nagpapaka-loner ako, nakahanap ako ng friends sa ibang sections. Nasa star section kasi ako nun. At ang hinding-hindi ko makalimutan ay nung nasa field ako nang may lumapit sa akin. Dalawang babae na sa tingin ko ay ka-batch ko lang. Nagpakilala sila. Sila raw ay sina Georgia Velasco at ang anak ng may ari ng school na Lucia Britannia. After nun, naging close kami at nalaman ko rin na ganun din pala ang nangyari sa kanila nung nasa star section sila nung nasa grade school pa lang kami. I'm very thankful na dumating sila sa life ko.  Nung nasa Grade 10 na kami, nag-decide kami na lumipat ng school dahil sa mga ugali ng classmates ko. Kami ni Cia ay lumipat kami sa Dominica Academe na katabi lang ng school namin at ang school kung saan sina Georgia pala ang may-ari but her parents chooses her to study abroad para magpaka-independent na siya. Kaya ayun. Dalawa na lang kami ni Cia ang naiwan.

Back to reality na tayo. Pareho kaming hinihingal nang makarating kami sa classroom. Saktong kakaunti pa lamang ang mga estudyante at wala pang teacher.

Forever DestinyWhere stories live. Discover now