"A-ano..." Nag-aalangan na sabit niya.
Beep! Beep!
"Nandyan na ata Papa mo." Sabi niya sabay turo dun sa likod ko. "Sa susunod na lang. Ingat." Sabi niya sabay lakad papunta sa Internet Cafe.
Wala na lang rin akong nagawa kaya sumakay na ako sa sasakyan namin.
Wala pa ni ilang minuto na naka-alis na kami ay may nag-text. Kinuha ko ang phone ko and nalaman ko kung sino ang nag-text.
'Hi, Ann. Ingat. Drink Medicines. :D'
'Yan ang nabasa kong text mula kay Cielo. Hindi ko napigilang ngumiti.
'Thank you. Ikaw rin. Uwi ka ng maaga. Huwag kang umuwi ng 3am. Bad 'yan. Haha... Baka mapapagalitan ka ni Mama mo.' Reply ko.
'Haha... She don't even bother. Pero uuwi pa rin ako ng maaga. Assignments.' Reply niya sa akin.
Tamang-tama nang maka-uwi na ako, I did my routine then ginawa ko na ang assignments ko saka natulog. At siyempre uminom rin ng gamot. Mahirap na. Ayaw ko Ma-ospital uli. Baka maalala ko lang.
"Good night. Pupunta na ako sa Dreamland." Sabi ko sa kama ko at nahiga na.
Papikit na sana ang mga mata ko nang may tumawag.
"Aish! Nandun na eh! Malapit na." Reklamo ko pero wala na akong magawa kaya sinagot ko na lang ang tumawag nang hindi tinitingnan kung sino ito.
"Hello?" Sagot ko dun sa reciever.
"Hello, Baby, Anak." Sabi nung reciever.
"Mom? Nasa bahay po ako ngayon, Mom. If they found out na you're calling me, this would be the end of our world. Nasa court pa po diba 'yung issue ng custody ko."
"Nak, naman. Of course I know. Gusto ko lang marinig ang boses ng little princess ko. Sige, Nak. Tulog ka na. Balita ko may sakit ka. Did you drink your medicines na ba?"
"Yes, Mom. Pero, Mommy? Kanino niyo po nalaman na may sakit ako?" Takang tanong ko.
"Kay Tristan. Sige, Anak. I'm hanging up na. I still have business to do pa. Matulog ka na, ha? Bawal muna Facebook, Instagram, at kung ano-ano pa. Sleep. Go to rest. Sige na, Ellie. Good night. Sweet dreams." Sabi ni Mommy bago niya hi-nung ang phone.
How I really missed her. The way she talks, parang kilala niya talaga ako. Kaya pala iba minsan ang pakikitungo nina Mama at Papa sa akin. Adopted pala ako at ngayong school year ko lang nalaman. I never told everyone about this. Ayaw ko magkagulo. Si Tristan Moreno nga pala. Ang mother niya ay malapit na kaibigan ni Mommy. In short, mag-best friends sila since middle school.
Dahil ayaw kong mapagalitan ni Mommy, natulog na lang ako.
"Dad?" Hanap ko kay Daddy. "Mom? Where's Daddy? Is he coming back?" Tanong ko kay Mommy na umiiyak.
"Mom? Are you crying? No Mom. Please don't cry." Sabi ko sa kanya habang yakap-yakap ko siya.
"Michelle. Tama na. Mom's not crying. Right, Mom? You need to sleep na. So, go to Yaya Elisa." Sabi sa akin ng kakambal ko.
"But Kuya Michael. Si Mom..." Pagpupumilit ko.
"Ella, listen to your kuya. Now go." Sabi ni Mommy. What's wrong ba talaga? Is there something wrong? Sa ayaw at sa gusto ko, sinunod ko sila.
YOU ARE READING
Forever Destiny
General FictionForever? Naniniwala ka ba dun? Eh, ang destiny? Naniniwala ka rin ba? Eh paano kaya kung mangyayari na ang inaakala mong nakatandhana para sa iyo na nangako ng forever, ang siya palang mananakit sa iyo? Or worse, ang iiwan sa'yo at...