16

10 0 0
                                    

  "Excuse me."  Sabi ng tinig kaya natigilan kami sa aming ginagawa. "I'm sorry to cut your moment. But I need to talk to you, Mr. and Mrs. Loren."

"Yes po, Judge." Kahit medyo maluha-luha pa si Papa, sinubukan niyang ibalik ang composture niya. 

"Okay then. This way." Sabi ni Judge Romualdez sabay guide papunta sa office niya.

"I'm sorry, Nak. Pero kailangan na naming umalis. Mag-iingat ka ha?" Sabi ni Mama sa akin na maluha-luha bago sila tuluyang umalis at naiwan akong umiiyak sa entrance ng Korte habang naka-luhod at nakatingin kina Mama at Papa na naglalakad palayo.

"Tara na, Elle. You need to rest. May sakit ka. Let's go home na?" Sabi ni Tristan sa akin habang inaalalayan niya akong tumayo mula sa pagkakaluhod at pinapatahan na rin.

"Pero..." Tanging lumabas sa bunganga ko habang nakatingin sa kanya na para bang nagmamakaawa.

"Huwag nang matigas ang ulo, Elle. I'm sure your mama and your papa would not like if their daughter is not feeling well. As well as your mommy and daddy." Pagpapaliwanag niya. Wala na rin akong magawa kaya sumama na lang ako kay Tristan upang dalhin sa kung saan man.

Pagdating namin sa isang magarang bahay, agad na akong sinalubong ng isang matandang babae.

Pagdating namin sa isang magarang bahay, agad na akong sinalubong ng isang matandang babae

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Magandang umaga po, Sir Tristan." Sabi nung matandang babae kay Tristan. "Sino po ang kasama niyo? Alam po ba ni Ma'am Alex na darating kayo?" Hindi ko alam kung bakit nabanggit niya ang pangalan ni Mommy.

"Haha... Opo. Alam ni Tita Alex." Huminto muna siya sa pagsasalita upang harapin ako dahil nasa likod niya lang ako. "At Manang, hindi niyo po ba namumukhaan ang kasama ko?"

Tiningnan muna ako ng matandang babae nang maigi at matapos niyang gawin 'yun, bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya na mas lalo pang nagpagulo sa isip ko. Kaninong bahay ba ito?

"Miss Michelle?!" Nagulat naman ako nang binanggit ng babae ang totoong panglan ko. Hindi pa ako nakakarecover nang banggitin niya ang pangalan akop nang niyakap niya ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga nangyari ngayong araw na ito. "Miss Michelle, sorry po. Dahil po sa akin nawala kayo ng almost 12 years. Sorry po talaga Miss Michelle." Sabi nung matanda habang yakap ako at umiiyak. I look at Tristan to help me what to do. But instead, he just smirked. Seriously?

"I'm sorry po, Manang?" Pagsisimula ko sabay bitaw sa yakap niya. "Sino po kayo? At bakit po kayo humihingi ng tawad sa akin?" Sabi ko sa kanya habang tinitingnan siyang lumuluha. Halaaa... Anong gagawin ko?

"Hindi niyo po ako maalala, Miss Ellie?" Huminto siya para sa tugon ko at umiling ako. Tiningnan niya muna ako bago niya pinahiran ang mga luha niya. "Ako po yung yaya niyo ni Sir Michael noon."

"Ah? Ano pong pangalan niyo? Hindi ko po kasi matandaan." Tanong ko.

"Ha? Ah-eh, ako po si Yaya Elisa po." Nagtatakang sambit niya. "Sorry po, Miss. Ako po ang may kasalanan kung ba't kayo nawala." Pagmamakaawa niya.

Forever DestinyWhere stories live. Discover now