Papikit na sana ako ng mata nang may tumapik sa akin. Yung totoo? Ano trip ng buhay? Kagabi pa 'yan ah. Minulat ko na lang ang mga mata ko at tiningnan siya.
"Yes, Axel? How would I help you?" Tanong ko.
"Tara sa likod. Mag-isa ka diyan, oh." Sabi niya sabay turo sa row ko. Tama nga siya. Ako lang mag-isa. Absent 'yung apat. Hays.. Tumayo na lang ako at sumama sa kanya sa likuran.
"Oh, ano gagawin ko dito?" Tanong ko dun sa tatlong lalaki.
"Umupo." Sabi ni Aries. So umupo ako sa gitna niya at ni Cielo.
"Oh tapos?"
"Mag plano." Sabi ni Axel.
"Magplano saan?" Tanong ko at napakamot na sa batok si Axel. "Haha... Joke. Alam ko. Pero tayo lang? 'Yung iba pala?"
"Tayo-tayo na lang muna. Mahirap kasi kapag marami. Hindi organized." Sabi ni Aries.
"Aba-aba. May pa-oraganized pa tayong nalalaman diyan ah." Komento ko na lang na binigyan niya ako ng annoyed-look kaya nag-peace sign na lang ako.
Nagtinginan lang kaming apat ng ilang segundo nang may bumasag nito.
"So, ano? Magtitinginan lang tayo?" Tanong ni Axel.
"Hindi. Pero gutom na ako. Sa canteen na lang tayo mag-meeting?" Suhestiyon ni Aries.
"Sige." Payag ni Axel. "Ikaw, Ciel?" Tanong niya kay Cielo.
"Oo. Sandali." Sabi ni Cielo. Nakalabas na silang tatlo sa room na wala man lang yumaya sa akin? Aba ang daya naman nito ah... Sa halip na magmaktol, mas minabuti ko na lang na bumalik na lang sa upuan ko para matulog kasi kailangan ko talaga eh. Ngunit, hindi pa man ako nakatayo, tinawag ako ni Cielo.
"Ann!" Nilingon ko siya. "Tara." Yaya niya. Mabuti pa siya. Kaya sumunod ako sa kanila lumabas ng room.
Pagkarating namin sa canteen ay agad na silang nagsi-order ng kani-kanilang pagkain samantalang ako naman ay nakatayo lang at hindi alam kung ano ang bibilhin.
"Hindi ka bibili, Ann?" Tanong ni Cielo sa akin.
"No. Not yet. Hindi ko alam kung ano ang bibilhin." Sabi ko na lang. Seryoso. Sumama lang ako pero hindi ko alam kung bibili ba ako o hindi, o may plano ba akong bumili. Hay...
"Oh, Ann, hindi ka bibili?" Tanong ni Axel habang may hawak-hawak na na burger at saka umupo sa table na malapit sa kinatatayuan ko.
"Mamaya na. Hindi pa naman ako gutom." Sabi ko na lang. Uupo na sana ako nang makita ko si Aries na may hawak-hawak na na isang plato ng Bihon, burger, at pinaypay na saging. "Ar, kaya mong ubosin lahat?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"Oo. Hindi kasi ako nakapag-breakfast." Insosenteng sagot niya.
"Ay wow. Kaya naman pala." Sabi ko. "O siya, parang nahiya naman ako kay Mr. Gaston. Bibili na lang rin ako." Sabi ko sabay alis sa table at pumunta sa counter.
"Ate, isang pinaypay sa saging po." Sabi ko sabay abot sa tindera ng limang daan piso.
"Ay, hija, wala kaming sukli. Walang ka bang barya? Singko pesos lang naman ito siya." Paliwanag ng tindera.
"Saglit lang po. Babalik po ako." Sabi ko sabay balik sa table. "Guys, sinong may singko pesos sa inyo? Pwede pahiram muna saglit? Wala raw kasi silang change sa limang daan."
"Wow. 500 pesos, Ann? Libre mo na lang kami." Biro ni Axel.
"Baliw! 300 lang akin dito. Ibabalik ko pa ang sukli kay Papa mamaya." Pangangatwiran ko.
"Eto naman... Hindi mabiro." Tiningnan ko lang siya. "Wala, Ann. Wala rin akong sukli. 100 ang pera ko rito. Wala rin sila sukli. nakihiram lang ako kay Ar."
"Sorry, Ann. Naubos sukli ko kanina." Sabi ni Aries. "Baka ikaw, Ciel? Mayroon ka diyan?"
"Sandali. Titingnan ko." Sabi niya sabay halungkat sa wallet niya. "Sampung piso lang. Okay lang?" Sabi niya sa akin sabay bigay ng sampung piso.
"Oo. OKay na yan. May sukli naman sila siguro niyan." Sabi ko na lang. "Thanks, Ciel! Promise. Ibabalik ko mamaya." SAbi ko sabay lakad uli sa counter.
"Ate?" Tawag ko 'dun sa tindera. "Ito na po." Sabi ko sabay bigay ng sampung piso.
Binigay na niya ang order ko at yung sukli na rin. "Mga manliligaw mo ba 'yun?" Tanong ni Ate sabay nguso dun sa tatlo kong kasama.
"Naku po, Ate. Hindi po." Sabi ko na parang natatawa. Eh, hindi naman talaga eh.
"Haha... Pasensiya naman. Pero alam mo, hija, bagay kayo nung lalaking pinakamatangkad sa kanila." Komento niya.
"H-ha?" Ang tanging nasabi ko. Kahit may sakit ako, napanganga ako sa sinabi niya. Ang pinakamatangkad kasi sa mga ksama ko ay si Cielo.
"Wala, hija. Sige na." Sabi na lang ni Ate.
"Ah, o sige po." Sabay ko sabay balik sa table. "O." Sabi ko kay Ciel sabay abot ng sukli.
"Ah. Salamat." Sabi niya. Uupo na sana ako nang may napansin ako.
"Seryoso kayo, guys?"
"Ano?" Sabay na tanong nila sa akin.
"Dito talaga kayo umupo? May ibang tables naman ah. Bakit dito talaga?"
"Bakit? Anong problema?" Inosenteng tanong ni Axel.
"Seryoso nga." Sabi ko ng pabulong. "Kayo lang ata kasi ang makakaupo diyan." Sabi ko at tiningnan nila ang table. "Napakalaki ko naman po ata para umupo diyan. Tingnan niyo oh. For tall people lang 'yan. Eh, short ako. Maawa naman kayo sa akin." Pagmamakaawa ko.
"Hahaha..." Aba... Tinawanan lang ako nina Aries at Axel. Mabuti pa kaunti si Cielo, chuckle lang yung sa kanya.
Naka-frown pa rin akong nakatingin sa kanila nang biglang nagsalita si Cielo. "Lipat na lang tayo, guys?" Yaya niya doon sa dalawa kaya napatigil sila.
"Papayag na sana ako kaya lang wala nang space." Sabi ni Axel sabay tingin sa palibot.
Tiningnan rin namin at mukhang wala na talaga akong choice. "Break na yata ng college." Komento ni Aries.
"Wala na yata akong choice, guys." Sabi ko.
"Uupo ka?" Tanong ni Cielo.
"Tatayo. Mas nakakahiya kaya kapag uupo ako. At isa pa, pag nakatayo ako, magka-level lang tayo. Tatayo na lang ako." Sabi ko ng nakangiti sa kanya. Nag-isip na lang ako ng magandang alibi at thought para hindi ako mainis sa fact na hindi ako makakaupo.
"Ha? Hindi ka uupo? Diba nilalagnat ka?"
YOU ARE READING
Forever Destiny
Algemene fictieForever? Naniniwala ka ba dun? Eh, ang destiny? Naniniwala ka rin ba? Eh paano kaya kung mangyayari na ang inaakala mong nakatandhana para sa iyo na nangako ng forever, ang siya palang mananakit sa iyo? Or worse, ang iiwan sa'yo at...