"Ha?" Takang tanong ko. Hindi ko gets eh.
"Ganyan kasi ang ginawa mo dati dun sa crush ko nung mga bata pa lamang tayo. Kaya nung umalis ka, nag-alala talaga ko. Mamimiss ko kasi yan sa'yo." Paliwanag niya.
"Hindi ka galit?" Paglilinaw ko.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" Sabi niya with matching sincere smile.
Guminhawa naman ako nang maluwang at lumabas na kami sa pinagtaguan namin. "So I guess, we need to pretend now na tayo?"
"What do you expect?" Tanong niya sa akin pabalik na tinawanan namin.
Sabay kaming nag-lakad papunta sa faculty at guminhawa kami nang makita naming wala na doon si Stacey at pati na rin ang ibang students na nakikiusyoso kanina. Pagkarating namin sa faculty, agad kaming nilapitan ng Prefect of Discipline na Tita pala ni Trsitan. Kaya naman pala sabi niya kanina na siya raw ang bahala. Dahil rin dun, mabilis kaming nakalabas ng school at hindi ko na nagamit ang excuse letter ko.
Pagdatinng namin sa korte, hinihintay na kami ni Mommy sa lobby. Or sould I say na ako lang? Hindi naman niya alam na sasamahan ako ni Tristan. Well, in fact, na-curious pa nga siya kung ba't kami magkasama.
"Hi, Anak!" Masiglang tawag sa akin ni Mommy nang makita niya akong papasok sa korte. Pero nang makalapit ako, biglang napalitan ng kuryusidad ang exitement niya dahil pabalik-balik ang tingin nya mula sa akin at kay Tristan.
"Oh, Tristan. What are you doing here?" Tanong ni Mommy sa kanya.
"Nothing, Tita. Sinamahan ko lang po si Ellie. She's sick. Kailangan niya ng help ko." Sabi niya kay Mommy sabay tingin sa akin at nakangiti. 'What is he up to?'
"Oh. Haha... Its nice to have you here, Tan." Sabi ni Mommy sa kanya sabay ngiti ng matamis. Seriously? "Well, by the way, Anak, nandiyan na sina Mama at Papa mo sa loob ng conference room kasama si Judge Romualdez at ang daddy mo. let's go?"
"Yes, Mom." Tanging sagot ko na lamang at nauna na siyang maglakad.
Nang medyo nakakalayo na si Mommy, mag-uumpisa na sanang maglakad si Tristan pero hinila ko siya at binigyan nya ako ng confusing look.
"What are you up to? Bakit ginawa mo 'yun kay Mommy?" Seryoso kong tanong sa kanya.
"What? Why? You're my girlfriend right?" Seryoso niya pa ring sagot.
"Ugh ! Seriously?! Ba't kailangan mo pang idamay si Mommy sa pagpapanggap natin?"
"Para kapanipaniwala." Pagkasabi nya 'nun, tiningnan ko siya na para bang hindi ako makapaniwala. "Look, kapag sa school lang natin 'to gagawin, do you think may maniniwala sa atin? Seriously, they'll get confused and ask many questions at ang masmalala pa is ipagkakalat nila na you are just using me."
"What?! Are yous serious? Why would i even do that? Ugh! Using people is not in my vocabulary." komento ko.
"I know. But based on our status right now, ako ang mayaman at may kaya ka lang." Hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa sinabi niya o hindi. Gusto ko sana siyang awayin pero mas pinili ko pa ring makinig. "At huwag mo ring kalimutan na hindi nila alam na anak ka ng isang business tycoon. Ang alam lang nila is anak ka ng isang engineer." Seryoso niyang sambit at natauhan ako dun. "So tara na? Don't let them wait for you. Sa labas na lang ako ng conference room maghihintay since hindi ako part ng discussion niyo sa loob." Sabi niya sabay hila ng kamay ko at naglakad papunta sa conference room.
Pagdating namin sa pinto ng conference room, nakita ko si Mommy na nakatayo sa tapat nito. "Mom!" Tawag ko sa kanya.
"Why took you so long?" tanong agad niya pero tinignan niya ang mga kamay namin ni Tristan na magkahawak at ngumiti ng pagkalawak. Sasagot na sana ako pero nagsalita na ulit siya. "You don't need to explain. Tara na sa loob?" Sabi sa akin ni Mommy at tanging tango lang ang nasagot ko. "Hiramin ko muna anak ko, Tan ha? Ibabaik ko naman siya sa'yo mamaya. Is that okay with you?" Tanong ni Mommy kay Tristan.
"Yes po, Tita I'll wait here outside na lang po. Hindi naman siguro maaano diyan sa loob ang love of my life." Pagksabi ni Tristan ng 'love of my life' ay tingingnan niya ako nang nakangiti. Dahil 'dun natawa naman si Mommy at parang kinikilig pa. Nako.. Mommy kung alam mo lang na hindi ito totoo lahat. I hate lying but, we're just pretending.
Kanina pa ako tinitingnan ng judge at kanina pa rin akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Bakit ba kasi ako tinitingnan ng judge? Nakaka-kaba tuloy. Idagdag mo pa ang masama kong pakiramdam.
"Anna, what's your age again?" Tanong sa akin ni Judge Romualdez.
"Sixteen po." Mahina kong sagot. Nasa tapat ko lang naman siya at sobrang tahimik ng room. Kaya okay lang na mahina ang boses ko.
"Okay then. So I guess, I already made my decision." Sabi ni Judge Romualdez habang tinitingnan kami isa-isa. "But before that, I would ask you questions." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya na 'you' dahil marami kami na 'you' dito. "Mr. and Mrs. Loren," Tawag niya kina Mama at Papa. "How would you feel if I decided that Anna would be under the custody of Mr. and Mrs. Ardiente?"
Noong una hindi, makasagot sina Mama at Papa pero matapos ng ilang minuto ay sumagot naman sila. "Okay lang po, Judge. Kahit masakit para sa amin na mawalay kay Anna, okay lang po. Totoong pamilya naman po niya sila. Alam rin naman po namin na mapapabuti siya doon. Kaya okay lang." Sabi ni Mama.
"I see." Sabi ni Judge Romualdez. "What about you Mr. and Mrs. Ardiente?" Tanong naman niya ulit kina Mommy at Daddy.
"Kung saan po masaya ang anak namin. Doon na rin po kami." Nakangiting sagot ni Mommy.
"Okay. I guess your answers coincide my decision." Huminto muna siya saglit bago nagsalita ulit. "Last week, me and Anna talked about the custody and everything related to it. And during our talk, I realised that this family is really worthy of her custody."
YOU ARE READING
Forever Destiny
General FictionForever? Naniniwala ka ba dun? Eh, ang destiny? Naniniwala ka rin ba? Eh paano kaya kung mangyayari na ang inaakala mong nakatandhana para sa iyo na nangako ng forever, ang siya palang mananakit sa iyo? Or worse, ang iiwan sa'yo at...