Chapter 1: The healer witch

549 15 0
                                    

NOTE: Siya si Sung Jong :)

SHIN POV

Alam kong may mali, alam kong kakaiba ko sa kanila, ayaw ko man maging iba at isipin man sumpa ito pero kaylangan kong tanggapin....na isa akong mangkukulam.

Ako nga pala si Shin Villamonte, 16 y/o at isa kong ampon ng mabait na mag asawang Villamonte, di kasi sila biniyayaan ng supling kaya pinili nilang mag ampon.

Namatay ang aking ina nung 10 y/o ako dahil sa paglaban niya sa isang witch hunter buti nalang talaga dahil nakaligtas ako at ngayon ako nalamang ang nagiisang healer witch sa mundo. Kagaya ng ibang witch, kaya ko ang gumamit ng spell at gumawa ng potion, bata palang kasi ako ay tinuturuan na ko ni inay na witchcraft. Ang natatangi kong kapangyarihan ay ang auto healing, para naring immortality dahil di ako tinatablan ng iba pang mahika o kulam, kaya ko din gumamot ng iba pero marami pa kong kaylangan alamin gaya ng pag control sa tubig, natural na sa mga healer witch na magcontrol ng tubig dahil yun ang master element ng mga kagaya ko. 

...

"Oyy baklang weirdo! tumayo ka dyan!!! pakita mo tapang mo!!!"

nawalan ng malay si Shin dahil binubully nanaman siya sa likod ng school nila...kada nalang uwian napaglalaruan siya ng mga bully sa school.

Suntok dito, Tadyak doon di na halos makatayo si Shin at di din niya magamit ang healing powers niya dahil ayaw niyang mabuko ng mga ito ang kanyang sikreto. Halos mawalan na siya ng ulirat ng biglang...

"Tigilan niyo yan mga walang kwentang nilalang" sabi ng binatang naka itim at hala mo sa kanyang may kaya siya. 

"At sinu ka namang malakas ang loob pigilan kami, humanda ka!!!!!" 

susugudin ng mga nambubully kay Shin ang binata ng biglang...

tumigil ang oras at laking kinagulat ni Shin sa nakita niya

dalawa na ngayong ang binatang na sa harap niya at pareho silang nakaitim...

lumapit ang mga ito kay Shin at inalalayan siyang tumayo...

"Okay ka na, andito na kami..." sabi nung isang nakaitim, siya yung naka hippie/preppy look at mukhang siya ang nagpatigil ng oras.

"maari mo ng gamitin ang mahika mo....Healer Witch!" sabi naman nung isa na mukha talagang sosyal.

"Ha?!" 

Bakit nila alam na witch ako, panu nila nalaman na may kakayahan akong gamutin ang sarili ko...sinu ba sila????

NOTE:

Ayan na simulan ko na ang BitchCraft sana magustuhan niyo!!!! :)) 

BITCHCRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon