Roniello's POV
Yes! nagawa ko ng maayos yung act ko kanina para sa audition, alam kong napawow ko ang member ng club pati narin si cutiiee Lyle ko.
Bakit cutieee tawag ko? sabihin nalang natin na nagustuhan ko na talaga sya, unang araw palang na nakita ko siya, naagaw na agad nya ang attention ko.
Ako pa naman yung taong walang paligoyligoy, at kung tanung nyo man bakit kay Lyle ako nagkagusto, hehehe Im not straight at alam kong ganun din si Piero, kasi meron akong alam tungkol sa gusto nya,secret nalang muna ngayon yun....
Hinihintay ko matapos ang audition kasi gusto ko makasabay umuwi si cutiee para makapag first mini date kami,yiieee kilig ako. Alam ko din naman the feeling is mutual e, di sa pagiging presko pero ramdam ko na pareho kami ng nararamdaman.
Tapos na ata ang audition, kasi nakita ko na silang naglabasan...
"Ahm, Excuse me, asan na yung president nyo?" tanong ko dun sa isang nakita ko na kasali sa theater club.
"Pumunta na po siya sa may org. room namin, ipost niya na kasi yung kasali sa call back, sige una na kami" sabi niya
"Ah ganun ba, sige salamat!"
Naglakad na ko papunta sa org room nila nang matigilan ako, nakita ko kasi si cutiee ko nakausal yung isang lalaki na kasabay ko kanina sa pila...
Naasar na ko, may umaagaw sa cutiee baby ko!!! di pwede to, tas eto naman si cutie parang nagugustuhan pa ata, lalapit na sana ako pero biglang niyakap ni asungot si cutiee at kiniss sa noo!!!!
(¤.¤) yan ang itsura ko na, gusto patamaan ng liwanag ang buong katawan ni asungot!!!! halikan ba naman ang baby cutiee ko!! wahhhhh
Ang sama ng tingin ko sa kanya ng tignan ko naman si baby cutiee nakatingin na pala sakin, sinimangutan ko nga! hmpppp ang insensitive naman niya...
Wala na ko sa wisyo, mababaw na kung mababaw pero ganto talaga ko, seloso kaya napatakbo na ko sa sobrang inis dahil ba kung anu pa ang magawa ko.
Gusto ko sana mag time travel e, para si mangyari yung nakita ko, para ako yung nakahug sa kanya kaso alam kong maraming mangyayari pag ginawa ko yun, kaya mabuti nalang na tumakbo na ko...
"R-Rooon!"
Narinig kong sumigaw si Lyle pero di na ko lumingon sa kanya basta takbo na ko kung saan.
Alam ko din naman na di nya pwedwng gamitin ang kakayahan niyang patigilin ang oras, dahil kung ganun man kanina pa nya ko nasundan...
Takbo ko ng takbo....
hanggang sa andito na ko sa rooftop, malamig dito, lakas kasi ng ihip ng hangin..... hangin...
"Shit, nakalimutan ko... hangin nga pala ang kapangyarihan niya, malamang mahahanap niya ko dito, bahala na...."
Nakatayo lang ako dito, pinagmamasdan ang mga kaeskwela na nagmamadali na ring umuwi...
Iba na talaga ngayon, dati puro kami training para maging magaling na mahikero, naalala ko pa nung sabay sabay namin nalaman ang mga kakayahan namin apat.
Si Piero, kakayahan niya ang pag gamit ng yelo at bukod dun, infinite strength siya, meaning mabilis niyang mairegenerate ang lakas nya na sya mismo e kayang ishare yun sa iba.
Si Vic, kaya niyang kontrolin ang kidlat, para bang si Zeus lang bukod dito naalala ko yung nagawa niya dun sa nakalaban namin noon, nabigyan niya ng sugat na halos di na gumaling hanggang sa tuluyang mamatay na ito. Astig lang...
At si Henry, pinaka isip bata samin pero counterpart ko sya, kung ako liwanag, sya ang dilim. Kaya nyang gamitin ang husto ang kadiliman, magpalabas ng kung ano anong nilalang mula sa dilim, bangungot pati na rin mula sa mga shadow eh kaya nyang lumabas pero ang astig lang na kaya nyang magvoid ng powers, pero di lahat kagaya nung elemental powers ng mga witches....
Lalong lumamig ha....
"Ang lalim naman ng iniisip mo...."
Sabi na e, nasundan niya na ko kaya pala ang lakas ng hangin....
"Bakit ka andito? dun kana sa kayakapan mo kanina!"
"Ayaw!" sigaw niya
"Wag ka ng makulit dun kana!" sigaw ko na din
"ayaw!" pagkasigaw niya, pinipilit niya kong lingunin siya gamit ang powers nya, di naman ako papatalo, para san pat naging kasama ko sa 4 great warlocks...
Pero di ko inaasahan yung ginawa niya, ginamit niya ulit yung pagnakaw ng hangin mula sakin, di na ko makahinga....
"I surren-deerrr, tama na, lilingon na! bati na tayo!" sigaw ko sa kanya kahit hirap na kong huminga.
Tumigil na nga sya, binalik niya sa ayos lahat...
"Yun nakita mo kanina, di ko ginusto yun,bigla nalang niya ginawa yun kaya wag ka nang magtampo" sabi ni cutiee
"Pero nagustuhan mo naman? sino ba yung asungot na yun?"tanong ko
"Siya si Tristan, classmate ko sa dati kong school...kilala sya ni Ice"
"Tapos? ex crush mo ba sya o ex lover?"
"Ex fling kaso....mali lahat yun, ayoko na maalala, ang mahalaga sakin e yun ngayon"
Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun....sabi ko na e,the feeling is mutual
"O bakit ngingiti ka dyan?"
"Kasi dahil sayo...."
Bigla ko syang pinalapit sakin tsaka ko siya kiniss sa cheeks...
"Sorry po kung naginarte ko ng ganun...."
"Okay lang...."
"So tayo na ba?"
"Huh?!!! walang ganun! bilis mo naman palos!"
"Ah ayaw mo?! gusto mo yung isang yun?!"
"Ayan ka nanaman eh, may kondisyon kasi ako..."
"Anu naman yun?"
"Kilalanin lalo natin isat isa, tapos,,,,...,hmmm tapos"
"Tapos?!"
Binulong niya sakin yun gusto niyang mangyari
"Yun lang pala e, gagawin ko lahat ng gusto mo cutiee ko,ikaw pa!"
Nagsmile lang siya sakin at talagang blush kung blush ang cheeks niya...
"Tara na?"
"Sige, hinahanap na din nila tayo..."
Nagteleport na nga dalawa upang makauwi ng maaga para di na sila hanapin pa ng nga kaibigan...
Di nila alam may nakakita pala sa landian nilang yun...
"Tignan ko lang kung maging masaya pa ang mga susunod niyong araw....humanda kayo sakin!!!"
ITUTULOY