Chapter 12: Lesson Learned

184 7 1
                                    

ICE'S POV

Madilim ang paligid, di ko marinig man lang ang alon, o kahit huni ng mga ibon dito sa isla. Talaga yatang malakas ang mga lalaking to, masyado ko ata silang minaliit....

"Shin! Lyle! Ram!! Asan kayo?!"

Walang sumagot, ako lang ata talaga ang nasa loob ng ilusyon na to.

Lakad lang ako ng lakad, di ko na alam san ako papunta, kakaibang kakayahan nga ito, di ko maramdaman ang presence ng ibang witches, wala kong naramramdaman init mula sa araw.

Habang naglalakad sa kawalan si Ice...

Matindi na ang labanan sa pagitan ni Shin at Vic, kahit bagong tuto palang si Shin sa pagcontrol ng tubig e halos pantayan nya na sa galing si Vic. Kapag tinamaan siya ng mga kidlat e agad naman syang gumagaling. Kapwa pagod na ang dalawa pero patuloy lang sila, long range attack pareho ang ginagawa nila marahil tinatantya nila pareho anu pa ang kaya nilang gawin.

"Madaya! ang bilis mo makarecover! arghh!!" sigaw ni Vic

"Anung kinadaya nun?!! Sugod na ng malapitan!!!" pag aangas ni Shin

"Be careful what you wish for!!" sabi ni Vic

Pinataas ni Shin ang alon at patungo ito kay Victor ngunit bago pa man tumama ito naglaho si Vic sa pwesto niya!

Laking gulat nalang ni Shin na nasa harapan nya na ito at sakal sakal siya!

"Told you! di ka pa ganun kalakas!"

Lalong humigpit ang sakal ni Vic at bukod dito ginamit niya na ang kakayahan niya, ito ang magbigay ng matinding sugat na di humihilom, kaya mapaclose battle o long range man e lamang si Vic sa mga nakakalaban niya.

Unti unti nang nagsusugat ang leeg ni Shin, kahit may kakayahan siyang maghilom ng mabilis e hindi uubra dahil tanging si Vic din mismo ang kayang magbigay lunas.

Binitiwan na ni Vic si Shin, naiwan si Shin na tila ba kinakapos na nang hininga, gumagawa sya ng paraan para humilom ang sugat ngunit ulit lang ng ulit at lalong lumalala ang sugat! walang awa sa mata ni Vic dahil kasama ito sa misyon nila...

Samantala si Lyle at Ron naman ang patuloy din ang laban, kita din na lamang si Ron dahil sa ere nakalutang mismo ang mumunting bolang liwanag na kahit konting kilos ni Lyle e sasabog. Puro sugat na rin si Lyle sa kanyang makinis na binti at punit na din ang kanyang damit.

"Cutie, sumuko ka na, ayaw ko talagang labanan ka kaso kasama to sa misyon namin" sabi ni Lyle

"Di ako susuko! Ahhh!!!" sigaw ni Lyle

Gumawa siya ng ipo ipo upang mawala ang mga liwanag at itapon ito papalayo. Nagawa naman niya ang gusto niya, gamit ang kakayahan patigilin ang oras, umatake na sya kay Ron!

Bumalik na muli ang pag galaw ng oras kitang kita naman ang naging pinsala niya kay Ron ngunit

"Alam kong gagamitin mo ang kakayahan mo sa pagpapatigil ng oras" sabi ni Ron pagkadura nya ng dugo dahil sa matinding attake ni Lyle

"Ngunit alam mo din naman ang kakayahan ko di ba" sabi niya

Kinumpas lang ni Ron ang kanyang kamay at walang kisap mata bumalik ang mga bolang liwanag na nakapaloob sa buhawing gawa ni Lyle, hinigop ng buhawi si Lyle at sabay sabay sumabog ang mga liwanag na nagdulot ng matinding pinsala kay Lyle kaya mula sa paglutang nya sa ere e nalaglag na siya sa lupa...

"Sorry cutie ko..." sabi ni Ron pagkalapit palang kay Lyle na nakahandusay na ang katawan sa buhanginan.

"Lyle! Shin!!!" sigaw ni Ram habang nakikipaglaban sa mga halimaw na ginawa ni Henry!

"Sumuko ka na rin Ram! wala kayong kakaubrahan!" pangaasar ni Henry sa kanya

"Hindi! asa ka!! Humanda ka!"

Binuhay ni Ram ang mga puno upang ito ang lumaban sa mga aninong halimaw ni Henry at siya naman eh umatake na at lalaban ng close fight!

Mas gusto ni Ram ang close battle dahil sigurado siya na mapupuruhan niya ito dahil ang nasa isip niya e pang long range lang si Henry.

Habang nag suntukan sila e sabay din niyang ginagamit ang mga bato sa paligid, pinapatama niya to kay Henry at talaga naman nasasaktan ang kalaban.

"Palaban! hmmm!." sabi ni Henry

Tumayo lang si Henry kahit aatake na si Ram. Tinignan lamang niya ito dahil ang atakeng gagawin niya ay talagang makakaapekto kay Ram

Pinasok ni Henry ang utak ni Ram! vinoid niya ang kakayahan magisip ng clairvoyant, naiwang tulala si Ram na tila bang naparalyze.

"Whooo! muntik na ko dun ah!" napasabi ni Henry dahil aminado siya na di sya magaling sa close battle lalo na na di niya kayang ivoid ang mismong elemental power ni Ram kaya utak na mismo nito ang inatake niya.

Si Piero, tinitigan lang si Ice. Tuwanv tuwa siya sa nakikita niya na ang kababata niyang ubod ng taray e ngayon e halos walang magawa at lakad lang ng lakad na parang baliw.

Gumawa ng dome ng yelo si Piero at dun niya kinulong si Ice.

Samantala sa ilusyon kung san andun si Ice...

"Grabe na ang lamig!!!"

" Kaya mo pa ba?"

" ha?! buti naman at lumabas kana"

"Di ako natatakot sayo Ice, alam mo wag puro lakas ng loob at katarayan"

"Tse!!!"

Pinagliyab ni Ice ang kanyang mga kamay at atake lang ng atake sa ilusyon na Piero

Nakulong si Ice sa ilusyon ni Henry at sa isip niya si Piero ang pinakakinakatakutan niya, bakit nga ba? bakit sa ilusyon na to si Piero ang lumabas at di kung anung halimaw

Paano na si Shin? makakabawi ba siya kay Vic?

Si Lyle at Ram na pawang nakahandusay na sa buhanginan...

Makakabawi pa ba ang mga witches sa mga warlock na to.

Anung kaylangan nilang gawin para manalo sa laban...

ITUTULOY

BITCHCRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon