Si Victor yung nasa MultiMedia :))
ICE's POV
Since weekend na ngayon, napagdesisyonan namin ni Piero na magstart na sa training, para ngayon palang marami na kaming matutunan lalo na kapag usapang labanan at bukod dun, kaylangan nang malaking tulong ni Shin at Ram sa pag gamit ng elemental power nila.
Papunta kami ngayon sa Anawangin since gusto din ng boys na magswimming sa dagat at tama na rin to dahil andun halos lahat ng kaylangan namin, ang dagat para sa training ni Shin, Kagubatan para kay Ram...
"Ice, anung iterinary natin, start na ba agad ng training o pwede parang picnic picnic muna?" tanong ni Ram
"Para di nyo naman sabihin na kj ako, sige gawin nyo gusto niyo at bahala na ang partners nyo sa sched nyo ng training"
"A-aanuu kasi, ahm..." alinlangan ni Shin
"May problema ba, Shin?"
"Shin, kung nag aalala ka about sakin, dont you worry, okay na and sorry talaga sa mga inasal ko nung mga unang araw" sabat ni Victor
"Sorry Accepted" sagot ni Shin
Natahimik na ang lahat, napansin ko na medyo sweet sweetan si Lyle at Ron, to think na nabalitaan kong na yung transferee eh yung ungas na nagpaasa dyan sa bestfriend ko, sana kung anu man meron sa kanila ngayon ni Ron e di maka apekto sa training namin.
Katabi ko pala ngayon tong si Piero, ang tahimik niya talaga kahit kailan at ngayon naman tulog sya.. you heard it right, magkakilala na kami dati pa, bago ko pa makilala si Lyle.
Kababata ko siya at alam namin sa isat isa na opposite kami, tahimik sya, loud ako tapos mabait sya tas ako ubod ng taray...
"Wag mo nga kong tignan ng ganyan baka matunaw ako" biglang sabi niya
"Tulog-tulugan pa, kapal mo no! di ka ganun kagwapo! blehhhh!!!"
Natahimik nanaman siya, haiiii Piero hanggang kelan ba tayo ganito! hmmmmmmm
Napapikit nalang din ako....
SHIN'S POV
Buti naman nakipag ayos na tong si Victor sakin, sobrang hirap kasi nya iapproach parang lagi kapa niyang papatayin kahit sa titig lang...
Andito na kami ngayon sa Anawangin, walang kahit ano basta ayan ang karagatan at ilan ilang kubo, survival at adventure talaga to....
Pagbaba ko palang ng van, nagulat ako ng si Victor na ang nagbuhat ng gamit ko....
"Takbo na sa tubig, simulan na natin ang training mo"
Kinatuwa ko naman ang sinabi niya, tumakbo nga ako agad at nagtampisaw na...
Nung bata ako, alam ko nang may kakaiba pa sakin bukod sa kaya kong manggamot e kaya ko din kontrolin ang tubig.
Nalaman ko to noon nung pinayagan ako ni Inay na maligo sa ulan. Habang naglalaro ko sa ulan, sa bawat ikot ng mga daliri ko e parang sumusunod yung daloy ng tubig.... pero habang tumatanda ako, para bang nawala sa isip ko na totoo pala na kaya kong kontrolin ang tubig.... nafocus ako sa pang gagamot dahil yun yung madalas ituro ni Inay.
Namiss ko bigla Nanay ko, alam ko okay na sya kung asan man sya ngayon....
"Simulan mo na"
Nagulat ako kung sino nagsalita, pagkalingon ko nakita ko si Victor na naka boardshorts na yellow... may abs na sya at firm muscles kahit bata pa kami...
"Laway mo baka tumulo, focus Shin!" sigaw niya
"Sorry..."
"Wag ka palaging magsorry, gawin mo lang ang tama, so start na tayo ha.... watch me!"
Tinaas ni Vic ang kamay niya, biglang nagdilim ang langit! Kulog at kidlat ang lumabas at umuulan na rin...
Biglang kumidlat patama sa kanya....
"Vic!!!!!"
Akala ko tinamaan siya, yun pala....
"Wag ka na matakot, okay ako! pinapakita ko lang sayo ang kakayahan ko, kaya kong kontrolin ang kidlat o kuryente"
"Gusto ko na magfocus ka, disregard mo lahat ng mga walang kwentang bagay na iniisip mo, ikulong mo ang sarili mo sa kapangyarihan mo, makipag isa ka sa tubig Shin!"
Ginawa ko ang sinabi niya....
Pumikit ako, dinama ko na walang tao sa paligid tanging ako at ang dagat lang ang magkasama. Nang maramdaman ko ang katahimikan, para bang naiipon ang lakas ko sakin mga kamay...
Nang masigurado ko na ang kapangyarihan ko na nga ang dumadaloy sa buong katawan ko, kinumpas ko ang aking mga kamay...
Naramdaman ko na para bang naka angat ako sa tubig, parang gusto kong mag figure skating...
Kumilos na ko, para ngang isang bihasang figure skater, ikot dito! tumbling doon!
Narinig ko ang hiyawan nila Ice kaya napadilat ako.... Nakita ko ang sarili ko na nakatuntong sa tubig na naka angat sa dagat mataas ito kumpara sa kaninang posisyon ko, tinapat ko ang kamay ko sa dagat, umangat ito na para bang fountain, sinubukan ko naman gumawa ng alon, nagawa ko din....
Manghang mangha ako sa kakayahan ko, ang galing ni Victor, sa tulong niya nabuksan ko na ang kakayahan ko sa pagkontrol ng tubig...
Bumaba na ako sa posisyon ko at ngayon magkatapat kami ni Victor...
"Victor! Thank you!"
"No prob. Vic nalang pwede?"
Nagsmile nalang ako sa kanya bilang tugon.
"Ngayon naman, gusto kong malaman ang kakayahan mo sa pakikipaglaban"
"Wag mong sabihin na...."
"Tama ka, simulan na natin Shin, doon tayo sa buhanginan tutal di sa lahat ng pagkakataon e nasa tubig ang lugar ng paglalabanan mo"
" Gusto kong gamitin mo against sakin ang tubig, pang atake, panalag lahat ng pwede, okay ba?"
"Okay"
"Lets start!"
Dumilim na ang paligid sinyales na magpapakawala na sya ng kidlat, kaylangan kong maging attentive para di ako matusta nang di oras...
Nakita kong dumilat sya, kagaya ng kidlat e nailaw din ang mata ni Vic!!!
"Humanda ka na Shin! Arrghhhh!!!!!"
Binato na nga ni Vic ang kidlat na para bang sibat... natatakot na ko pero kaylangan kong maging matapang, kaylangan kong tanggapin na isa ko sa mga tinadhanang maging susunod na supreme....
Pinikit ko muna ang mga mata ko....
Pinakiramdaman ang kilos ng kidlat....
Malapit nang tumama...
Sabay kong dinilat ang mata ko at tinaas ang aking kamay...
ITUTULOY....