LYLE'S POV
Magkakaharap kami ngayong apat dito sa rooftop, lahat kami kinakabahan at takot kung sino ba ang nangtritrip samin, kasi naman tong si Ice inaasar pa lalo pa tuloy napahamak kaming apat.
"Okay guys, anung plano natin?" tanong ni Ram
"Until now ba Ram you cant use your powers?" tanong ko
"Hindi pa din eh, para bang tinutok talaga sakin nung voider lahat ng attention niya." sabi ni Ram
"Arrr! nakakaasar talaga!" galit na sabi ni Ice habang nagliliyab ang kanyang kamay
"Oh gosh! Ice!!!! anu ba yan!" kabadong sabi ni Shin
"Tama na yan Ice, mamaya may makakita sayo, mukhang may naisip na ko..."sabi ko
"At anu naman yun...." sabay nilang sabing tatlo
"Nabasa ko to sa mga lumang libro na meron sa library natin sa bahay, tinanong ko din kay Ms. Cordelia kung pwede nga ba yun... naalala mo pa ba yun Ice?"
"ohh! wait parang alam ko na yang binabalak mo Lyle, last time na ginawa mo yan muntik mo na kong mapatay!" sabi ni Ice
"Bahala na, mukhang kaya ko na siyang kontrolin kumpara noon training natin."
"Bahala ka...may tiwala naman kami sayo eh, ikaw pa ba, right gurls?!" sabi ni Ice
"Oo naman! sa ating apat ikaw naman ang mukhang pinakamatalino...may tiwala kami sayo" sabi ni Shin
Tumayo ako sa aking inuupuan, lumayo sa kanilang tatlo... huminga ko ng malalim at kinumpas ang aking mga kamay sa ere na para bang tinatawag ko ang hangin. Sa bawat pagkumpas ko, lalong lumalakas ang ihip ng hangin at unti unting naiipon sa aking kamay.
Nang maipon ko na ang sapat na hangin na kakaylanganin ko, ginawa ko itong korting bilog...
"Kaibigang hangin, alam kong masama itong gagawin ko pero gusto ko lang talagang turuan ng leksyon ang gumawa nun samin, di namin alam kalaban na pala sila...kaya inuutusan kitang hanapin ang mga nilalang na iyon at agawin ng bahagya ang hanging kanilang kaylangan, pahirapan mo silang huminga hanggang sa ibalik na nila ang kakayahan ni Ram. Wag mo silang papatayin ha, turuan lamang ng leksyon."
Pagkatapos kong kausapin ang hangin, lumipad ito sa ere at tuluyan ng umihip. Lumapit na ko sa kanila at niyaya nang maglunch, nanghina kasi ako sa ginawa kong mahika.
Natapos na kaming maglunch, di na masyadong iniisip ang nangyari kanina at basta handa na kami sa sasabihin ni Ms. Cordelia mamaya, alam kong naramdaman niyang gumamit kami ng powers.
"Girls, wala ata yung spice boys! nagcutting agad?!" sabi ni Ice
"Oo nga no...ang aga naman ata, sabi na eh di talaga sila mabait!." sabi ni Ram
"Pero pansin ko lang ha, biglaan din silang lumipat dito sa school to think na graduating na tayo. anu kayang pakay nila." sabi ni Shin
"May point ka dyan Shin." sabi ni Ice
Iba na namin ang topic at nagkwentuhan na lamang tungkol sa kung anu anung bagay at pati sa nalalapit namin training sa weekend.
"Classmate!!!! nag ka emergency meeting ang mga teacher natin so class dismiss na, maaga daw taong pwedeng makakauwi." sabi ng president namin
"Yayy! akala ko malas na tong araw na to! miss ko na ang kama ko!!!" makulit na sabi ni Ram
"Oo nga, makakapagpahinga tayo lalo na ko, madaming energy din na gamit ko kanina"
Bago umuwi, tinour muna namin si Shin at Ram sa iba't ibang luagr sa school gaya ng gymnasium, garden, mga comfort rooms, library, clinic at respective houses ng mga club.