Chapter 6: The Four Warlocks

262 9 8
                                    

RONIELLO'S POV

Alam na naming apat kung saan mahahanap ang witches na sinasabi sa prophecy, kaylangan namin silang makilala ng lubos dahil sa yun ang huling kahilingan ng master namin. Kung bakit kasi nakumpleto na ang mga witches na yun siya namang pagkawala ni Master Rondell...tsss! kaasar!.

"Bro, sure na ba talaga kayong silang apat na malalamyang yun ang sinasabi sa prophecy, para kasing hindi eh...." sabi ni Victor

"Vic, walang duda sila yun... yung isa kanila ang may kakahayan magpatigil ng oras, di ba sabi ni Master isa yun sa natatanging kakayahan ng isa sa apat na witches."

"Pero, grabe di ko expect na lahat sila ay....beki! panu sila lalaban niyan!" sabi ni Victor

"Kaya nga pinahanap satin sila di ba, upang maging mentor at support nila sa darating na laban" sabi ni Piero

"Tsk! kaasar!" tanging sagot ni Victor

"Vic! paglaruan natin sila! tignan natin kung hanggang saan ang kaya ng apat na witches" pilyong sabi ni Henry

"Hmmm! gusto ko yan bro!!!" sabi ni Vic

"Oyy! wag, tumigil kayo! Vic! henry!" saway ni Piero

Huli na ang lahat, naicast na ni Henry ang voiding powers niya. Oo! Si Henry ay may kakayahang ivoid ang powers ng kung sino man naisin niya.

"Nakafocus dun sa mukhang makulit ang powers ko, hawa hawa na yan...pero ang alam ko may kakaiba sa kanilang mga witches, naalala niyo ba yung sabi sa prophecy..." sabi ni Henry

"Sus! wag kang matakot! lalamya ng mga yan" sabi ni Vic

Sa kakalakad niya papunta sa unahan, di inaasahang nabunggo niya yung mahinhin sa apat... nang makalagpas na kami..

"Bro, di ka man lang nagsorry.."sabi ni Piero

"Piero! can you not!" sabi ni Vic

Tumungo na kaming apat sa classroom namin, di namin masyadong kabisado ang pasikot sikot kasi transferee nga kami. Tanong dito, tanong dyan at mukhang kakatanong namin nagustuhan na kami ng mga kakababaihan dito at mukha naman naaangasan ang mga lalaki.

Pumasok na kami sa classroom, puno ng ngiti mula sa mga classmate naming babae. Iba talaga ang dating naming apat, kahit saan kami dalhin, ayan naiinlove ang girls.

Nakapili na kamin ng pwesto, habang hinihintay ang simula ng klase...pumasok ang apat na witches! ohh! classmate namin sila! interesting. napatingin ako dun sa isa, kanina pa niya nakuha attention ko eh. Mukhang siya ang 2nd leader sa group nila kasi yung mukhang mataray ang laging nasa unahan, ang tahimik naman niya at parang bawat galaw niya may iniisip...shhh! matalino sya.

Napansin kong nagbubulungan ang apat, alam kong naapektuhan din sila ng kagwapuhan namin pero mukhang di lang nila pinapakita at mas napansin nila ang pagkawala ng kanilang kakayahan.

"Hoy Ron! anu nanaman yang iniisip mo!" sabi ni Vic gamit ang telekinesis niya

"Wala! mukhang naramdaman na ng witches ang ginawa ni Henry! balik niyo na kaya" sagot ko gamit ang isip

"Tsk! di pa nagsisimula eh! tignan natin ang galing ng apat na yan." sabi ni Vic

Dumating na ang Teacher namin, at ayun inutusan kaming magpakilala...sus! ang boring

Unang nagpakilala ang dalawa sa mga witches, Shin pala pangalan nung mahinhin at Ram naman yung makulit. Ang aamo ng mukha nila...androgynous sila eh.. napatingin naman ako kay Vic, di sya makatingin ng diretso dun sa Shin..weird! Si Henry naman nakafocus lang dun sa Ram palibahasa ginagamitan niya ng powers niya, ginawa niyang laruan eh.

BITCHCRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon