NOTE: Siya si Lyle Tantoco
Andito na ngayon sila Ice, Shin at Lyle sa bakuran ng kanilang academy. Halata sa mukha ni Shin ang pagkamangha sa itsura ng lugar dahil parang naiwan na ito ng panahon, makaluma ang disenyo ng bahay at tanging kulay puti lamang ang kulay nito. Habang ang bakuran naman ay pinalilibutan ng mga halaman, bulaklak at mga puno na parang niluma na din ng panahon.
"Bakit parang napagiwanan naman ng panahon ang lugar na ito?" sabi ni Shin
"Ito pa kasi ang lumang paaralan simula nuong bata pa si Ms. Cordelia, lumipas man ang panahon di man lang nasira o nadumihan ang bahay na ito." sabi ni Lyle
"At higit sa lahat, binabalot ng mahika ang bahay kaya kahit lumipas man ang panahon, magkabago mang usong disenyo at dumaan man ang mga sakuna; di man lamang nasira ang kahit anung parte ng bahay na ito." sabi ni Ice
Naglalakad na sila patungo sa mismong harapan ng kanilang bahay nang biglang may binatang lumabas sa kung saan mula sa kanilang likuran. Kagaya nila Lyle at Ice, naka all black siya at kitang kita mo ang pagkasopistikado niya.
"Hello Lyle, Ice at Shin..." sabi ng binata
"sino naman kaya siya?...." tanung ni shin gamit ang kanyang isipan
"Ako nga pala si Ram Montinolla, ako yung dapat na hahanapin niyo sa susunod niyong misyon"
"And so??" sa isip isip ni Ice
"Ang taray mo naman Ice, please maging mabait kayo sakin, please?" sabi ni Ram
"Holy Cow!!! clairvoyant ka?!!!" gulat na tanong ni Ice
"Yup! di lang clairvoyant ang special capability ko, kaya ko din mabasa ang future kaya bago pa man maibigay ni Ms. Cordelia ang next mission niyo, ako na mismo ang pumunta dito upang maging bagong member ng coven niyo." magiliw na sagot ni Ram
Namangha si Lyle at Shin kaya't agad nilang nilapitan si Ram at binigyan ng mainit na pagtanggap.
"Welcome na welcome ka Ram dito sa coven! masaya kami at mukhang kumpleto na tayo" sabi ni Lyle
Nakatulala lang si Ice...
"Ehem!" pagpaparinig ni Lyle
"Oo na! eksena mo din eh no! Tsk!" mataray na sabi ni Ice
Nilapitan na ni Ice at kanyang binigyan ito ng yakap.
"Sorry nga pala kanina pero dapat masanay ka na ha! ganun talaga ko...and by the way, I love your outfit! mukhang magkakasundo tayo dyan." sabi ni Ice
Napuno nang tawanan ang bakuran ng academy...
"Mga Sir, pinapatwag na po kayo ni Ms. Cordelia, nakahanda na po ang hapunan" sabi ng babae
"Sige po Tita Matilde, siya nga po pala may mga bago na po tayong makakasama; Si Shin at Si Ram po" sabi ni Lyle
"Hello! Welcome na welcome kayo dito sa academy, Ako nga pala si Tita Matilde niyo, ako ang mayordoma dito; ituring niyo na kong parang inyong tunay na Ina ha, wag kayo mahihiya humingi ng tulong." sabi ni Tita Matilde
"OPO!" magiliw na sagot nila Shin at Ram
Nang makapasok na sila sa bahay, agad muna nilang tinungo ang kanilang mga kwarto.
"Ahm Shin, I think you need to clean yourself first, you badly need it!' matary na sabi ni Ice
"Ahm, sige...pero wala akong mga damit..."
"Wag ka nang mag-alala, meron akong mga damit dyan at mukhang magkakasize lang naman tayo eh, next time na muna tayo magshopping." sabi ni Ice
Naligo at inayos na nga ni Shin ang kanyang sarili, gamit ang tulong ni Ice, Lyle at Ram, naging sopistikado at bagay na bagay kay Shin ang naging bago niyang ayos.