NOTE: Si Ice Zalderiaga yung nasa Multimedia :)
SHIN POV
Nakatigil pa din ang oras, di pa din gumagalaw ang mga nangbubully sakin kanina at mukhang tama nga ako ng hinala na witch ang dalawang ito.
Gaya ng sinabi nung isa, di na ko nahiyang ipakita sa kanila ang kakayahan ko...kasalukuyan ko ngayong ginagamot ang sarili ko.
"Siya na nga ang matagal ng pinapahanap satin ni Ms. Cordelia, siya na nga ang huling healer witch dito at mukhang di pa niya alam gamitin ang iba pa niyang kakayahan" sabi ni hippie
"Tama ka diyan, atleast may nahanap na tayong makakasama natin at siya nalang naman ang sinasabi sa prophecy na kiniwento satin ni Ms. Cordelia" sabi ni sosyal.
Malapiy na kong matapos gamutin ang sarili ko nang biglang...
"Ahm, Shin...matagal ka pa dyan, kasi naiinip na ko at ayun ang pinaka ayoko sa lahat..." sabi ni sosyal at mukhang mataray nga siya. Teka, pano niya nalaman ang pangalan ko...
"Anu ka ba naman Ice, wag ka muna magtaray pwede at kaya ko pa naman kontrolin ang oras." sabi ni hippie, mukhang mabait naman siya.
"Okay na ko, pwede mo nang pagalawin ang oras" sabi ko
Gumalaw na ulit ang oras ngunit kasabay nito naglaho kami upang di kami makita ng mga nangbully sakin.
Mula sa likod ng school, andito na kami ngayon sa harap ng isang old style na coffee shop; ang galing nila kaya na nilang gawin ang transmutation.
Transmutation ang kakayahan ng isang witch na makapag travel sa ibang lugar na nais nilang puntahan.
Pumasok na kami sa coffee shop at naghanap na nang mauupuan.
"Ako na ang oorder para satin, simulan mo nang magkwento Lyle" sabi ni Ice
Napatingin nalang ako kay Lyle, nakangiti siya sakin at pakiramdam ko sobrang bait niya; ang gaan ng loob ko sa kanya.
"Hi Shin, wag ka nang magtaka kung panu namin nalaman name mo, ako nga pla si Lyle Tantoco at isa din akong witch kagaya mo. Matagal ka nanamin hinahanap ni Ice dahil parte yung ng misyon namin."
"Misyon??"
"Oo, misyon namin ni Ice na mahanap ang mga natatanging witch na pinapahanp ni Ms. Cordelia. Yung mga witch na sinasabi sa prophecy ng dating Supreme."
"Anung Supreme?" tanung ko muli kay Lyle.
"Si Ms. Cordelia na magsasabi sayo pagbalik natin sa academy"
Dumating na si Ice kasama ang waiter na bitbit ang mga inorder niya.
"Hi Shin, I'm Ice Zalderiaga, magka age lang tayo at lahat tayo magkakaharap dito ay mga witch pero iba ibang kakayahan at higit sa lahat mataas ang taste natin sa fashion...at mukhang kaylangan mong matutunan yun sakin, you're such a walking mess Shin."
"Pasensya ka na kay Ice, ganyan talaga siya...napaka strong ng personality niya pero matuto ka talaga sa kanya lalo na sa aspeto ng pagpili ng susuotin." sabi ni Lyle
"At...lahat tayong nasa lamesang ito ay pare-parehong pusong babae kaya wag ka nang mailang samin ni Ice kung magkakacrush ka man dahil simula ngayon tayo na ang pamilya, tayo na ang magkakasama hanggang sa huli" sabi ni Ice. tumango lamang si Lyle.
Ang saya naman ng pakiramdam ng ganito pero panu nalang ang parents ko baka nag aalala na sila sakin. Panu ko sasabihin sa kanila na aalis na ko at nahanap ko na kung saan ako nararapat.
"Wag kang mag alala sa kanila Lyle, okay na; nagawan na ng paraan ni Lyle ang tungkol sa parents mo." sabi ni Ice
"Ha?!! Panu mo nalaman ang iniisip ko Ice?!!"