Julianne Victoria
"HINDI NA AKO IINOM!!!" E's booming voice startled and woke me up like a deer caught in the headlights.
Oh god, hangovers are the worst. I had to cover my eyes for I was almost blinded by the light that greeted me.
"Narining ko na 'yan." I croaked. I wanted to wail when I felt prickling in my eyes as I started adjusting it towards my surroundings and then it hit me. "Oh shit, nakalimutan kong tanggalin yung contacts ko..." I whispered to myself trying to get up from where I fell asleep which was our couch.
"Ganoon ba tayo kalasing kagabi? Dito na tayo nakatulog sa sala." Leslie echoed my thoughts as I heard her came near me at narinig pa siyang tumawa. Pinapakiramdaman ko pa rin ang mga mata ko dahil medyo mahapdi. Naramdaman ko ring umupo na si Leslie sa tabi ko.
"Pasalamat nga kayong dalawa dahil nakaabot pa kayo sa couch. Ako dito palang sa pinto nawalan na ng wisyo. Shit, ang sakit ng likod ko. Ang sakit ng ulo ko. Para na akong mamamatay sa sakit. Hindi na talaga ako iinom!" Madrama ang tono ni E, at halatang exaggerated kaya napa eye roll na lang ako.
Alam naman kasi niyang low ang tolerance niya sa alak pero ayaw magpaawat kagabi, nag beer pa na parang wala ng bukas.
"Tapos mamaya mag-aaya ka ng two bottles. Plasktikada ka talaga. Tigilan mo nga ako, Eduardo." Walang sabor na sabi ni Leslie na ngayon ay tumayo na at naglakad patungong kusina.
Oh, thank god she's going to cook.
"Palibhasa sunog baga ka Leila Presley Elizade! Grabe siya Jules." I chuckled at the whole name at binalingan na si E. "Leche 'yun ni hindi ko pa talaga yan nakikitang lasing bago ako! Shit gusto ko ng bulalo o kahit anong mainit na sabaw!"
"Sunog baga will be shookt, E. Siya na talaga ang walang hangover." I looked at the kitchen's direction before speaking loudly. "Leslie luto ka ng bulalo, please!" Sinubukan ko ng tumayo para sana kulitin si Leslie pero nahilo ako.
"Hala Jules, ang pula na ng mata mo, tanggalin mo na muna yung contacts mamaya niyan mabulag ka. Tandaan mo, we have a meeting later with the Señor Gutiérrez." Puna ni E na kahit sa tingin ko ay nahihilo pa rin ay inalalayan na ako para maupo ulit.
"Oh, crap. Oo nga." I carefully mustered all the strength to slowly get up, sinuportahan ko rin ang magkabilang gilid ng ulo para hindi maalog. "Shit, aray." Paulit-ulit kong daing habang unti-unting naglakad na papuntang comfort room.
Tiniis ko ang sakit ng ulo at hapdi ng mga mata habang tinatanggal ang contacts. I paused when I saw myself in the mirror. I look like hell at pakiramdam ko ay masusuka ako sa mga alaala ng ininom kagabi.
Hindi na ako iinom! Feeling ko ay parang mahuhulog ang utak ko tuwing yuyuko pero kailangan kong maghilamos, mag toothbrush, anything para maginhawahan, so yuko, I did.
Feeling a bit better, I checked my eyes on the mirror, mapulang mapula pa, wala ako nitong choice mamaya kundi magsalamin. Lalabas na sana ako nang muntik ng maduwal sa sunod na nakita.
"Yuck! Eduardo!" Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang pagsirit ng migrane kasabay ng pagsigaw ko or the gross looking shirt that I was wearing. "Sinukahan mo nanaman akoooo! Ano ba 'yan lagi na lang Eduardo!" Inis akong bumalik sa sala at hinubad ang suot na tshirt at itinapon sa kanya.
"Sorry na naman..." Sinubukan niyang tumayo pero inabot niya na lang yung kamay niya sakin, para yata magpahila. Magso-sorry pa yata siya nang bigla niya akong tinitigan ng masama, at tumaas ang kanyang kilay. Nandidiri niyang tinabig ang kamay ko bago magsalita. "Punyeta ka Jules, ipinangangalandakan mo na naman yang dede mong pang pornhub, isa pa talaga. Leslieeee! Tignan mo si Jules pinapamukha na naman satin yung boobs niyang may cleavage kahit di mag bra! Lapastangan 'tong babaeng ito, umagang umaga nambubwisit!"
BINABASA MO ANG
Trigger
RomanceR-18 They often said that Señor Vincent Alexander Gutiérrez screamed power, callousness and money. Well I say, bullshit. I personally think that he was just the typical entitled Neanderthal asshole. Pero aminado ako, sa unang pagtatagpo pa lang nami...