「Chapter XIX: Lo Siento」
「Tamara Quinn」
"Aray!"hiyaw ni Zachary nang idampi ko sakanyang labi ang cotton ball na nilagyan ko nang ointment. Kanina kaseng matapos nilang mag sapakan ni Bryle ay agad ko itong inakay pabalik sakanilang dorm room at agad na ginamot ang kanyang sapak. Grabe kase sobra siyang namamaga at dumudugo pa, mukha talagang malakas 'yong sapak ni Bryle sakanya.
"Ang brutal niyo kase, bakit ba kase sinapak mo siya? dapat hindi ka na lang pumatol."sermon ko rito sabay diin ko nang bulak kaya halos mapaungol siya sa sakit.
"I just thought he's harassing you, I just don't like the way he treat you nakita mo naman kanina he even shouted."Zachary said making me almost blush but I instantly look away, damn bakit ganon?
"He's not harassing me okay? galit lang talaga siya ka---"he quickly put his index fingers on my lips making me stop.
"Tama na okay? let's not talk about him."giit nito saka dahan dahang ibinaba ang daliri mula sa aking daliri, nang matapos ko itong gamutin ay inayos ko na ang mga gamit saka hinarap ito.
"Mauuna na ako baka kase nakabalik na si Xia sa aming room at baka hinahanap na ako non,"paalam ko rito saka tumayo, mabilis namang hinawakan ni Zachary ang aking braso at tumayo rin.
"Ihahatid na kita."sabi nito bago inayos ang kanyang uniform.
"Huwag na, kaya ko na ang sarili ko. Salamat na lang, just stay here." I said pero ngumiwi siya, kulit din neto ano?
"Nope, no more buts okay? tara na."he said dragging me out of their room, sakto namang pag labas namin ay ang pag bungad din nina Bryle at nina Edison sa hallway. Para akong natulos saaking kinatatayuan nang mag tama ang mga mata namin ni Bryle, his eyes yells anger staring at me and Zachary. Tila ba galit na galit pa rin ito hanggang ngayon, ni halos nga hindi ako makahinga nang mag simula siyang mag lakad. Akala ko ay lalapit siya saamin pero linampasan lang niya kami.
"Let's go."nabalik ako sa wisyo nang mag salita si Zachary at muli akong hinatak papunta saaming dorm.
「Jarex Rickross」
Matapos ang meeting regarding sa darating na event ay mabilis akong nag lakad patungo saaming dorm, ihinatid ko pa kase ang mga files sa may head master's office kanina kaya natagalan ako isama mo pa 'yong oath taking as a president. Grabe, ang akala ko talaga hindi matrabaho ang posisyon na 'to but I guess I was wrong. Buti na lang at may assistant ako which is Shanel. Pag pasok ko saaming room ay agad na bumungad saakin si Zachary na naka upo sa may living room nanonood nang movie.
Wala naman akong imik na nag tungo sa fridge saka kumuha nang canned soda at nag tungo sa kabilang couch sa harapan ni Zachary, akmang iinumin ko na ang soda na nasa aking kamay nang may mapansin ako sa mukha ni Zach.
"Anong nangyari diyan sa labi mo?"tanong ko saka inilapag ang soda saaking tabi at linuwagan ang aking necktie.
"Nag sapakan kami ni Bryle."walang emosyon naman na sagot nang kasama ko, napatango na lang ako dahil don. Sapakan lang pala, normal lang 'yon.
"Ah, sapakan lang pala kay---SINO?!"I shouted when reality hits me, did he just said na nakipag sapakan siya kay Bryle? as in Gitsune?!
"Stop shouting, nanoood ako."naiirita nitong saad kaya mas lalo akong na curious, bakit naman sila mag susuntokan 'eh kahapon lang okay sila?
BINABASA MO ANG
Helvete Mafia University
Acción𝐒𝐞𝐚𝐬𝐨𝐧 𝟐: 𝐇𝐞𝐥𝐯𝐞𝐭𝐞 𝐌𝐚𝐟𝐢𝐚 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 Helvete - A Norwegian word means 'Hell'. Experience hell, ultimately deadly live action and frightening kills once you enter Helvete University. It's name perfectly describe what Helve...
