Chapter 9

643 37 1
                                    


Joshua's POV

Miss me? Well, it's my point of view again. This is my story anyway. Hahahahaha!

Nandito ako ngayon sa room, habang nakatingin sa may pintuan. Inaantay ko kasi si Abby, baka absent na naman yun, ah? Bakit kaya hindi sya pumasok kahapon? Ano kayang problema't bigla na lang syang napasugod dun sa bahay nila. Para nga syang nakakita ng multo nung tumingin sya sa phone nyo nun, en.

Maya-maya dumating na si Mrs. Agoncillo, kaya napatayo kaming lahat. Sya lang yung teacher na nakilala ko na mataray, laging nakasigaw, kapag may ginawa kang kasalanan, paparusahan ka nya. Yung iba ipapalinis yung buong ground, gym, faculty room, o kaya naman mga C.R.

Pinak-ayaw nya sa lahat ay may nale-late sa klase nya. At higit sa lahat, dito lang sa subject na ito mahilig magsipag-hugot ang mga ka klase ko. Mga mukang sawi sa pag-ibig, eh. Hahahaha. Buti pa ako, stick to one kay Abby.

"Goodmorning, class!" Pasigaw na bati nya sa amin.

"GOODMORNING MRS. AGONCILLO!!" Pasigaw rin naming bati sa kanya. Aba, Hindi kami magpapatalo, no. Sinigawan nya kami, edi ganon din ang igaganti namin sa kanya.

"Okay class, be seated." sabi ni Ma'am Agoncillo, kaya umupo na din kami.

Pinaupo na kami ni Ma'am, pero nakatayo pa rin ako, habang nakatingin  sa may pintuan. Baka sakaling dumating pa si Abby.

"Why are you still standing Mr. De Guzman? Is there anything a problem?" Nabalik ako sa huwisyo ko ng bigla akong tanungin ni Ma'am.

"Nothing, Ma'am." Sagot ko Sabay upo.

Baka Hindi na dumating si Abby. Anong oras na kase eh. Late na sya.

"Okay class, after we discussed our new topic we will have a surprise quiz in the following day," si Ma'am Agoncillo.

Tumayo bigla yung isa naming kaklase na si Dave Celerio. Isa 'to sa mahihilig humugot sa klase ni Ma'am. Ewan ko ba at ganyan ang mga kaklase ko, hugot ng hugot. Napatingin kami sa kanya.

"Surpriae, Ma'am? Pati ba naman kayo isu-surprise ako? Nasorpresa na nga ya ako, eh! Nasorpresa ako ng nalaman ko, na may mahal na syang iba!" awwks, ang sakit naman non. Sana naman wag mangyari sakin ang ganya.

Hahahaha! Mr. Hugot #1, Dave Celerio. Mga nag-react ang mga kaklase ko, may tumatawa at may nalungkot dahil siguro naramdaman nila yung hugot ni Dave. Nagulat na lang kami ng bigla syang lumabas. Di man lang nag excuse kay Ma'am?

"Tsk, tsk, tsk, tsk, ohh? May gusto pa bang sumunod sa kanya?" naiiling na tanong ni Ma'am.

Bigla namang tumayo yung kaklase ko na si Karyll Vista. Isa pa 'tong babae na 'to, eh.

"Sumunod, Ma'am? Hindi na po kailangan, Ma'am! Pinagtabuyanna nga nya na ako, eh! Bakit pa ako susunod? Para mag mukang desperada sa harap nya!?"

Ms. Hugot #2, Karyll Vista. Yung iba nagpipigil sa tawa dahil sa itsura ni ma'am. Hahaha! Nagpipigil na ng galit si Ma'am Agoncillo. Sa halip kasi na start na ng lesson, eh, mga nagsisi-hugot pa ang mga 'to.

"Mga kabataan nga naman! Wala na ba kayong alam kundi ang humugot?!"

Biglang tumayo si Mhiggo Grantoza. May itsura yan si Mhiggo, pinagkakaguluhan din ng mga babae. Pero, syempre, walang tatalo sakin.

"Alam, Ma'am? Ang alam ko lang naman, ay mahal na mahal ko sya! Pero anong ginawa nya? Ipinagpalit nya pa rin ako sa ex nya! Sa ex nya na walang alam kundi ang paiyakin at saktan sya!" Mr. Hugot #3, Mhiggo Grantoza.

"Magsitigil kayo!" sigaw na samin ni Ma'am.

Takte! Galit na si Ma'am. Baka kung ano parusa nya samin kapag tuluyan 'tong nagalit.

Biglang tumayo si Charisse Gesmundo. Maganda sya, pero may kaartehang taglay sa katawan.b

"Tumigil, Ma'am? Tagal ko nang ginawa yan Ma'am! Pero ayaw pa rin tumigil, dahil hanggang ngayon nandito pa rin yung sakit. Ayaw tumigil!" Ms. Hugot #4, Charisse Gesmunod.

"Get Out!!!" Ayan na nga ang sinasabi ko eh! Pinapalabas na tuloy sya. Tsk, tsk.

"Ma'am naman, sorry!" sabay sabay naming paghingi ng pasensya kay Ma'am. Teka--hindi naman ako kasali tapos nagso-sorry ako? What the?

"Sorry? Matatanggal ba nyan ang sakit na idinulot nyo? Sabihin nyo nga, na kapag narinig ko yang salitang yan, ay babalik ba ako sa pagiging masaya?? Ha!? Sabihin--!"

Napatigil si Ma'am sa pag hugot ng biglang bumukas yung pinto. Tumingin kaming lahat sa kung sino man yung dumating. Si Abby! Tumingin ako kay Ma'am Agoncillo. Hindi ko na lalo maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nya.

"Ms. Perez! Why are you late? Do you know what the time is it now!?" Galit na sabi ni Ma'am kay Abby.

"Yes, Ma'am. It's 8:45." sabi ni Abby habang nakayuko.

"So, you're 45 minutes late. And because you are late, go to the Guidance Office! Now! Wait for me there!"

Hindi na sumagot pa si Abby. Pumanhik na sya sa Guidance Office. Ano na naman kaya ang iuutos ni Ma'am kay Abby?

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon