Chapter 34

20 1 0
                                    


Abby's POV

"Mabuti naman at hindi ka na dumidikit dikit kay Joshua?" maarteng sabi nya sa akin.

"Kasi hindi naman talaga ako kunalapit sa kanya, sya ang lumalapit sa akin." mayabang ngunit malumanay na sagot ko.

Tumawa naman sya ng pagka-arte-arte . Tumingin pa sya sa mga kaibigan nya sa likod at paligi namin.

"So parang sinasabi mong, naghahabol sya sayo? Hahahaha! C'mon, nerd.. your just a pathetic person to our life. You're just a trash of all the trash, and a ugly nerd."

Nakarinig pa ako ng mga naghiyawan sa paligid namin. Palihim akong sumulyap sa mga nakapaligid samin, mga tuwang tuwa sa nasasaksihan nila ngayon.

Tumingin ulit ako kay Trishamae, nakangiti pa din sya sa akin na nag aantay ng sagot.

"Yes, I'm a nerd. Hindi ko itinatanggi yon, dahil kahit ako sa sarili ko.. ay aminado akong nerd ako." pinagdiinan ko pa ang salitang nerd.

"Ohh, that's good for you.. you're not a liar in your self, huh?" aniya at hinaplos ang pisingi ko. Nakakaasar lang dahil hindi man tumama ang english nya. "You know what.. parang nag iba ka ngayon? Sumasagot sagot ka na sakin, at parang.. hindi ka na natatakot sakin ngayon?"

"Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay katatakutan ka ng lahat, Trishamae."

Natigilan sya at tinitigan ako. Hindi naman ako nagpatalo kaya nilabanan ko din ang tingin nya.

"Wow.. Ibang iba ka na ngang talaga, Abby. What happened to you? Parang bigla kang pinaliguan kaya nawala ang pagkaduwag mo? Hahaha!"

"Wala ka na don." usal ko at tinalikuran na sya.

Hindi na naman sya humabol pa at  hinayaan na nya akong lagpas-lagpasan sya.

Tama sya, ibang iba na nga talaga ako ngayon. Sumasagot na ako sa mga bullies ko pero hindi ko naman sila sinasaktan gaya ng ginagawa nila sa akin. Dinedepensahan ko lang yung mga masasakit na salitang naririnig ko sa kanila.

Sa pagdaan ng buwan ay ipinakita ko sa kanila na iba na ako. Hindi ako lumalaban sa kanila, pero hindi na rin naman ako nagpapa-api. Kapag sinasaktan nila ako ay hindi ko na lang iyon pinapansin at nilalamapsan na lang sila na parang walang nangyari. Kapag naman sa salita, kapag hindi ako nasaktan sa salita nila ay hindi na din sila pinapansin. Pero kapag dumadating yung point na sobra na sila, hindi ko na mapigilan ang sarili kong sagutin sila.

Pagpasok ko sa classroom ay agad namang sumalubong sa akin si Zhack. Sya ang lagi kong kasama this past few months. Hindi sya nawawala sa tabi ko. Minsan pa nga ay kahit nasa CR ako ay nandun sya sa labas at inaantay ako. Hindi ko na rin naman sya mapigilan dahil kukulitin nya lang ako.

Dahil sa pagbuntot-buntot nya sa akin, hindi na din amo nalalapitan pa ni DG. Minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sa akin tapos ay ngingiti sya sakin, wala naman akong nakikitang masama kaya gumaganti na rin ako ng ngiti sa kanya.

"Ohh, ngumiti ka naman dyan! Para ka na namang pinagbagsakan ng langit at lupa, eh.." salubong sa akin ni Zhack.

"Hindi nila ako nagbagsakan, dahil nasalo ko sila.. hahahaha!"

Natigilan naman sya sa inasal ko. May nakakagulat ba don? Natawa naman ako ng palihim.

"Abaaaa, tingnan mo nga naman ang panahon, ohh. Bigla atang nag iba ang ihip ng hangin?" natatawang sabi nya.

Umupo na ako sa upuan ko at tumabi naman sya. Mabuti wala pang teacher kaya madadaldal pa nya ako, hahaha.

"Nakukuha mo ng magbiro ngayon, ah?" sambit nya at siniko pa ako.

Natawa naman ako. "Bakit naman? Hindi ba ako nagbibiro?"

"Nagbibiro naman.. kagaya ngayon, nagbiro ka, hahaha!"

"Yun naman pala, eh, hahaha!"

"Woooahhh!"

"Ano na naman?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Nakakatawa ka na ngayon, ah?"

"Tsh. Bakit? Hindi ba ako tumatawa, ha? Tumatawa din kaya ako! Lalo na kapag mag isa lang ako."

Natigilan naman sya.

"H-Ha?? T-Tumatawa ka din pag.. m-mag isa ka lang?" utal utal natanong nya sakin kaya natawa ako.

Inisiip siguro nito na nababaliw ako. Hahaha!

"Oo. Tapos may kinakausap ako na hindi nakikita ng ibang tao," seryosong sambit ko at nanlaki naman ang nga mata nya.

"T-Talaga??" tanong nya at tumango naman ako.

"Hmm, nakakakita ako ng mga espirito." pigil ang tawang usal ko sa kanya.

Lalo namang nanlaki ang mata nya habang ngumanganga pa. Lalo naman akong natawa sa isip ko.

"M-May n-nakikita k-ka ba ngayon d-dito?" tanong nya na inilibot pa ang paningin sa buong room namin.

"Oo,"

"Ha?? Saan? N-Nasan?" sambit nya tapos ay inilapit pa ang sarili sa akin.

Hahahahahahaha! Takot na takot! Ngayon ko lang nalaman na takot pala sa multo ang isang Zhackary Lucas Han. Hahahaha!

"Hahahahahaha!" tawa ko na tumuturo pa sa kanya.

"A-Anong nakakatawa? Bakit ka tumatawa? N-Nasan na yung nakikita mo?"

"Hahahah! Joke lang! Eto naman, hindi mabiro! Hahahaha!" at saka ulit ako tumawa ng tumawa.

Nakatingin lang sya sa akin ng seryoso at parang dismayado. Napatigil naman ako sa pagtawa at pilit kong pinipigilan ang sarili kong matawa ulit.

"Para kang sira dyan,"

"Eto naman.. joke lang yun, oy!"

"Tch!"

"Peace na tayoooo?" usal ko na nag paawa effect pa sa kanya, ngumiti naman sya sakin.

"Wag mo ng uulitin yun ha? Para kang sira, eh.. bilis mong maloko, hahahahaha!" sya naman ang tumawa ng tumawa! "Anong akala mo sakin? Takot sa multo? Hahahha! Baka silapa ang matakot sa kagwapuhan ko, noh!"

Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Ha-ha-ha, nakakatawa yon?"

"Joke lang, hahaha!"

"Bahala ka nga dyan!" sigaw ko tapos ay tinalikuran sya.

"Wow, nakukuha ng mag-pabebe.. hahahaha!"

"Pabebe mo muka mo.. wag kang gagaya sakin pag may quiz tayo!" sigaw ko, natigilan sya.

"Joke nga lang yon! Bati na tayo ha? Joke lang yon, hahaha!"

Hindi na ako sumagot pa dahil dumating naman na ang teacher namin. Nakinig naman kaminsa kanya at hindi na ako kinulit pa ni Zhack.

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon