Chapter 26

583 23 2
                                    


AUTHOR'S NOTE: Hehe hello po! Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update!

Abby's POV

Ouch! Sakit non ha! Unang bumagsak ung pwetan ko. Naku! Sino ba un!Tumingala ako para tingnan kung sino ung nakabunggo sa akin.

"Sorry Miss.. Okay ka lang?" Tanong nya sa akin. O_O Bes! Ang pogi! Wahhh! Ang POGI nya. Ang cute nya pate! Ang ganda ng mga mata nya, ang mahaba nyang pilikmata, ang mapupula nyang mga la--Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? Ugh!

"O-Okay lang ako." sabi ko at nakita ko inilapit nya sa akin ang kamay nya?

"Tulungan na kita Miss." Sabi nya. At inabot ko naman ang kamay nya. Aish!Ewan ko ba! Bat ko inabot? Dapat galit ako sa kanya!

Pinagpagan ko ang pwetan ko pagkatapos kong makatayo. Sinimot naman nya ung mga gamit ko na nahulog. Tapos iniabot na rin sa akin.

"Sorry Miss ha? Di ko sinasadya." Sabi nitong lalake.

"He-he okay lang!" Sabi ko naman. Baka naman kase hindi nya talaga sinasadya.

"Ahm.. by the way, I'm Zhackary Lucas Han, and nice meeting you Ms?" Pagpapakilala nya at Tinanong na rin nya ang name ko. Sasabihin ko ba?

"Abby Perez." sagot ko. Tapos ngumiti naman sya sa akin. Cute! What?!

"Ahmm, magtatanong lang sana ako. Saan ba dito yung room ni Mrs. Agoncillo?" Tanong nya sa akin. Bakit di nya alam? Aha! Baka naman transferee sya.

"Ahh Kay Ma'am Agoncillo ba? Dito yun oh!" Turo ko dito sa room namin. Napangiti naman sya.

"Ahh haha dito pala yun. Thanks Abby. Ahm.. So classmate tayo! Friends na tayo ha!" aniya at iniabot ulit sa akin ang kamay nya. Inabot ko naman ito bilang pagtanggap sa kanya bilang kaibigan.

"He-he okay." sabi ko at naglakad na palayo. Pero hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko na sumusunod sya sa akin. Tsk! Lumingon ako sa kanya.

"Diba naituro ko na sayo kung saan ang ang room ni Mrs. Agoncillo? Bat mo pa ako sinusundan?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

Eh totoo naman eh! Naituro ko na sa kanya! Ano pa bang kailangan nya?

"Ah hehe, pwede muna ba akong sumama sayo? Bago kase ako dito. Eh hindi ko naman saulado itong school. Ang laki kasi eh. Pwede ba?" Mahabang pagpapaliwanag nya.

Hmmmm.. Okay lang naman sa inyo diba guys? Tutal break time na naman eh. Pero pupunta kase ako ng library eh! Tsk! Wag na nga lang muna!Tumingin ako sa kanya.

"Okay." Sabi ko at nagsimula na ulit na maglakad. Naramdaman ko naman na sumusunod na sya sa akin.

Nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. Wait! San ba ako pupunta?Kanina pa kami lakad ng lakad! Narinig ko naman syang nagsalita.

"San ba talaga tayo pupunta Abby?Kanina pa tayo lakad ng lakad ah.." Biglang angal nitong nasa likod ko.

"Shhhh! Sumunod ka na kang!" Sabi ko. Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa garden.

Paborito kong spot dito sa school ay itong garden. Ang ganda kase dito, tapos ang gaganda pa ng mga bulaklak. Refreshing din dito! Hmmmm.. Sarap ng sariwang hangin!

"Wow! *O* Ang ganda naman dito! Lagi ka bang nandito tuwing break time?" Tanong sa akin ni Zhack. Yeah! Zhack na ang tawag ko sa kanya! Bakit?? Wala lang! Pag kase Zhackary pa, masyado namang mahaba. Kaya Zhack na lang! Hihihi!

"Hindi naman lagi, minsan lang. Minsan kase sa library na ako dumidiretso." Sabi ko at umupo doon sa isang bench.

Tatlo talaga ang bench dito. Meron din ditong duyan at siso. Meron ding Tree House. Nasa gitna ang puno. Tapos nasa taas non ang Tree House! Tapos sa baba naman sa kaliwa nandun ung mga siso at duyan.

Sa palibot  naman nandun ung nga masisigla at magagandang bulaklak. Basta un! Imagine nyo na lang sinabi ko ha!



Zhackary's POV

Hello po! Hehe! My Name is Zhackary Lucas Han! 17 years old! Cute. Handsome and smart! Hehe!

Nandito kami ngayun ni Abby sa garden. Nakaupo lang. Hindi sya umiimik. Nakaka boring tuloy! Tsk!Lumapit naman ako sa kanya.

"Abby, hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin.

Umiling naman sya. Ha? Ayaw nya? Bat ayaw niya? Edi magugutom sya!Libre ko na nga lang sya sa Canteen.

"Abby! Tara sa Canteen kakain! My Treat!" Masiglang sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo nya. May sinabi ba akong masama?

"Ayoko." Yan lang ang lumabas sa bibig nya. Ayaw nya talaga? Tsk!

"Tara na Abby! Libre ko naman eh!" Sabi ko habang kunyaring nagdadabog.

"A-YO-KO" sabi nya. Huh! Ayaw nya talaga huh? Tsk! Pagsisisihan nya kung bakit hindi sya Pumayag! Hahaha! Yari ka sa aken Abby!







AUTHOR'S NOTE: Zhackary Lucas Han on the side!

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon