Chapter 36

21 1 0
                                    


Abby's POV

Kinabuksan, inagahan ko agad ang gising para makapagluto na agad ulam para ngayong umaga hanggang mamayang tanghali. Matapos non ay agad na akong nagbihis para makapasok na ako sa school.

Binilisan ko ang lakad ko para makaating agad sa classroom ng biglang..

"Arayyy!" sigaw ng babae ng mabunggo ko sya. Tinulungan ko naman syang makatayo.

"Hala, sorry.. nagmamadali kasi ako eh, sorry.." sabi ko at tumingin naman sya sakin.

"It's okay," nakangiting aniya.

"Sige ha? Mauna na ako, baka kasi ma-late ako eh.. pasensya na ulit.. bye!" at saka ako tumakbo papunta ng room.

Pagkapasok ko pa lang sa classroom namin ay naroon na naman si Zhack na sumalubong sa akin.

"Abbyyyy!" sigaw nya astang yayakap sa akin pero umilag ako.

"Ayyy! KJ naman ne'to, yayakap lang, eh.."

"Ang aga-aga, Zhack, ha? Mangungulit ka na naman."

"Luh? Ang taray naman.. meron ka ngayon, no?"

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. Nakatingin naman sya sa akin habang nakangiti pa.

"Anong meron?"

"Meron, yung mens, regla.. meron ka siguro, no? Kaya ganyan ka ngayon sakin.."

"Dati naman na akong ganito,"

"Hindi ka kaya ganyan!"

"Hay nako, ewan ko ba sayo! Bat kasi kinakausap pa kita." singhal ko, natawa naman sya.

"Sabay tayong kumain sa canteen mamaya, ha?"

"Kaya kong kumain mag isa.."

"Oo nga.. wala naman akong sinabi na hindi mo kaya,"

"Okay." tanging sagot ko.

"Sige ha? Sabi mo yan, sabay tayo.."

Ang kulit! Ano pa nga bang magagawa ko?? Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag. Dahil kung tatanggi ako sa alok nya, baka pasanin na naman ako ne'to sa balikat nya parang sako ng bigas!

Maya maya pa ay dumating na yung teacher namin.

"Okay class, magkakaroon tayo report muli.. by two's ulit tayo. Pero, hindi lahat kayo ay magre-report about sa topic na ito. Pipili lamang ako ng 20 students, and then the other 20.. ay ibang topic ang ibibigay ko. Dito ko na lang ibabase sa report ninyo ang magiging grade nyo for this 3rd Grading.."

Agad naman nagbulungan ang mga kaklase ko, mga nagsasabi na sana ay makapartner nila ang kaibigan nila, o kaya naman ay sila Joshua, Mark, Alex o Zhack.

"Ano pong report, Ma'am?"

"The topc for the 10 pair is about bullying. Isusulat ko sa blackboard ang iba't ibang klase ng bullies." usal nya at saka nagsulat na sa blackboard.

Matapos non ay humarap na syang muli sa amin.

"Kayo na ang bahala kung ano ang magiging technique nyo sa inyong report. Ang deadline nito ay sa December 15.. okay na naman siguro sa inyo ang two weeks for preparation, hindi ba?" tanong nya at sumang-ayon naman kami.

"And now, I'm going to announce your partner." sabi nya at saka tiningnan ang attendance namin. "Charisse and Mhiggo, Karyll and Dave.. etc.. And last, Abby and Joshua."

Bumis ang tibok ng dibdib ko ng marinig ko kung sino ang magiging partner ko. Si Joshua na naman? Hays! Nilalayuan ko na nga sya para hindi na ko mapaaway kahit kanino, eh. Tapos ngayon, partner ko na naman sya.

"Ma'am?" nagulat ako sa pagtaas ng kamay ni Zhack habang nakatingin kay Ma'am.

"Mr. Han,"

"What about me po? Ako po yung pang 41 na students, so it means wala po akong magiging partner."

Oo nga, no? Hindi ko narinig ang pangalan ni Zhack kanina.

"Ganon--"

Napatigil si Ma'am sa kanyang sasabihin dahil may kumatok sa pintuan namin sa classroom. Napatingin naman kaming lahat doon.

"Excuse me, Ma'am.." usal ni Mrs. Orina.

Lumapit naman sa pintuan si Ma'am.

"Yes, Mrs. Orina?" nakangiting sabi ni Ma'am sa kanya. Lumabas naman sila ng kaunti tapos may sinabi si Mrs. Orina nya Ma'am.

Maya maya ay pumasok na ulit si Ma'am. Nanatili namang nasa pintuan si Mrs. Orina.

"Class, listen.." pagpapatahimik nya sa amin, nakinig naman kami. "Mrs. Orina said, that there's another transferee from other school, and base on her grades.. dito sya sa section natin pumasok." nakangiting aniya.

Nagbulungan naman ang mga kaklase ko kung sino yung transferee. Kung babae daw ba ito o lalake? Kung maganda ba o pangit, gwapo ba o hindi.

"Gusto kong maging friendly kayo sa kanya, okay? Pakitaan nyo ng kabutihan, nagkakaintindihan ba tayo, class?"

"Yes, Ma'am!"

Lumingon sya pintuan. "Hija, come in."

Ilang saglit pa, may pumasok na babae. Matangkad, maputi, at mahaba ang buhok. Tinitigan naman namin sya hanggang makapasok sya papunta sa unahan. Bigla syang nag angat ng tingin sa amin. Teka.. parang kilala ko sya?

Ay, tama! Sya yung babae na nabangga ko kaninang umaga!

Ngumiti sya sa amin. Nanatiing nakatingin naman ang mga kaklase ko sa kanya. Malapit kami sa unahan ni Zhack kaya natititigan talaga namin sya.

"Hello, I'm Cristina Velardes. I hope we've been friends soon." iyon lang ang nasabi nya at saka tumungo.

Nagsimula namang mag bulungan ang mga kaklase ko.

"Ang ganda, tol."

"Oo nga, pre.. makinis! Hahahaha!"

"Hmp! Maganda ba yan? Parang mas maganda pa ako."

"Gusto ko syang maging kaibigan,"

"Mayaman kaya sya?"

Ilan lang yan sa mga narinig ko. Napalingon naman ako sa tabi ko, kay Zhack.

Nagtaka naman ako ng nakatitig lang sya dun sa Cristina at mukang nagulat pa. Kunuhit ko sya sa may braso nya, pero hindi naman nya ako tinitingnan.

'May gusto ba sya dyan?'

Tumingin ulit ako kay Cristina at nagulat ako dahil nakatingin sya kay Zhack. Tiningnan ko ulit si Zhack at nakakunot na yung noo nya.

"T-Tina?" napalingon ako kay Zhack ng sabihin nya iyon.

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon