Chapter 39

20 1 0
                                    


Joshua's POV

Tumingala sa akin si Mommy ng makamulat ako. Yung itsura nya ay parang humihingi ng pasensya. Nag iwas ako ng tingin.

"Joshua.. Matagal na naming plano sayo ito ng Daddy mo. Ngayon lang namin nasabi sayo dahil.."

Tumingin ako sa kanya. "Dahil ano, Mom? Para wala na akong magawa, kundi ang sumunod sa gusto nya?" tukoy ko sa matandang hukluban. "Sa gusto 'nyo'?"

Hinawakan nyang muli ang kamay ko. "Joshua, para 'to sa ikabubuti mo.."

"Mommy.. paanong para yon sa ikabubuti ko?" hindi sya sumagot. "Makakabutu ba sa akin yung gusto nyo? Gusto nyo akong magkaroon ng fiancé na hindi ko mahal, at magpakasal ng hindi ako sang ayon?Makabubuti ba yon para sakin, Mom?"

"Matututunan mo ring mahalin si Kurthney," usal nung matandang hukluban kaya lumingon ako sa kanya.

"Ayokong matutunan mahalin ang isang babae." sagot ko. "Gusto kong mag 'kusa' yung pagmamahal ko." may diing dugsong ko pa.

Nag tiim bagang sya.

"Gaya ng ginawa nyo, 'Dad'.. Nakabuti ba para sakin yung pagse-set up nyo sa amin ni Phobie?"

Hindi sya sumagot at sumama ang kanyang tingin sakin. Hindi ko naman iyon pinansin, at matalim na tumitig sa kanya.

"Nakabuti ba?" tanong ko muli. "Hindi, diba? Kase anong nangyari sakin? Eto.. nawala yung taong mahal ko na halos kalahati na din ng buhay ko." may lungkot ang boses ko pero hindi nawawala doon ang diin ko.

"Nang dahil sa ginawa nyo, pati tayo ay nagka-ganito. Hindi naging maganda ang mga actions at salita ko sa inyo. Wala akong ginawa sa buong buhay ko, kundi ang sumunod ng sumunod sa mga ginagawa at sinasabi nyo dahil hindi naman iyon labag sa kalooban ko. Pero, yung kaisa-isang taong mahal ko.. ay nawala sa akin ng dahil sayo."

"Hindi mo alam ang mga sinasabi mo,"

"Alam ko! Sa tingin ninyo ay magagalit ako sa inyo kung hindi ko alam ang mga sinasabi ko!?"

"Sinasabi mo iyan, dahil hindi mo alam ang dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon!" sigaw nya at dinuro pa ako.

"Kung ganon, sabihin nyo sakin ang 'dahilan' ninyo kung bakit.. bakit nyo nagawa yon samin ni Phobie." hamon ko sa kanya at natigilan naman sya.

"Joshua, please. Just listen to us," napalingon ako kay Mommy dahil sa sinabi nya.

"Listen, Mom? Nung ako ba ay nakiusap sa inyong respetuhin ang relasyon namin ni Phobie, nakinig ba kayo sakin?" hindi sya nakasagot. "Hindi, diba? Tapos ngayon ay nakikiusap kayo sakin na makinig ako sa inyo?"

Natawa akong tumingin sa kawalan! Pakiramdam ko ay heto na naman kami sa bagay na pinag awayan namin noon kaya nangyari ang lahat ng 'to.

"Wala ka ng magagawa. Our decision is final." sambit ng matandang hukluban.

Tumayo ako at galit na tiningnan sya! Pakiramdam ko ay bumabalik na naman yung galit na naramdaman ko sa kanya noon! Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sa galit. Seryoso syang nakatingin sa akin at ako naman ay matalim ang pagkakatingin sa kanya!

"Hindi ako magkakaroon ng fiance na hindi ko gusto, at hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman mahal!" sigaw ko nakapagpa-tahimik sa kanila ni Mom. Parang pati ang mga tunog ng mga malilit na hayop sa paligid ay tumahik.

"Hindi nyo na ako mako-control sa bagay na iyon! Magpapakasal lang ako sa babaeng mahal ko!"

"Then, let me know the woman you love! If you we're introduced to me before your birthday next month, I would stop my plans for you!" sigaw nya at natigilan naman ako. "Kung may maihaharap ka sa akin na babaeng 'gusto' at 'mahal' mo.. then papayag ako sa gusto mo! But if you haven't introduce me the woman you love, then I will continue the plan!" iyon lang at tinalikuran na nya kami.

"I can't believe this," mahinang sambit ko.

'Gusto nyang iharap ko sa kanya ang taong mahal ko? Paano kung wala akong mahanap!? Sila pa din ang masusunod!?'

"Before you birthday next month at wala ka pang naihaharap sa akin, desisyon namin ang masusunod!" huling sinabi nya at tinalikuran na kami.

Namuo ang galit at sakit sa loob ko. Ayan na naman sya sa mga desisyon nyang hindi nya alam ang kalalabasan para sa akin. Tanging sarili lang nya ang iniisip nya pati na rin ang mga negosyo nila.

'Nababaliwala ako ng dahil sa pagiging makasarili nila.'

Naramdaman kong muli ang paghawak ni Mommy sa kamay ko. Inilagay nya iyon sa kanyang pisngi at nagmamakawang tumingin sa akin.

"Joshua, I'm really sorry.. hindi ko agad nasabi sayo,"

Yumuko ako. "You know this, and you didn't even bother to tell me? That's unfair, Mom."

Naramdaman kong naramdaman na naman ang galit sa puso ko, na halos hindi ako makahinga. Hanggang sa napansin kong lumabo na ang mata ko, at unti unting namasa ito. Bago pa tuluyang pumatak ang namuong luha sa mata ko, inalis ko na ang pagkakahawak sa akin ni Mommy at tinalikuran sya. Narinig ko pa ang pagtawag nya sa pangalan ko pero hindi ko na iyon pinansin pa.

Dumeretso ako sa kotse ko at duon na nagsimulang pumatak ang luha na pinipigilan ko kanina. Parakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Galit lang ang nararamdaman ko ngayon. Tanging galit lang.

Yumuko ako sa manibela ng sasakyan ko at duon patuloy na lumuha. Patuloy na lumabas mga mga kuha ko sa mata ko, at hindi ko iyon pinipigilan.

'Bakit kelangan ko pang maranasan ito?'

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon