Chapter 37

20 1 0
                                    


Joshua's POV

Naging masaya ako ngayon dahilsi Abby ulit ang magiging partner ko sa report na gagawin namin. May inis man ako kanina dahil dun sa Zhackary na yon, ay biglang nawala dahil kay Abby.

'Makakasama ko na ulit sya.'

Napangiti ako sa sinabi ko sa isip ko. Magkakaroon na naman ako ng pagkakataon na makasama si Abby.

Sa totoo lang ay hindi na ako makapag hintay sa report na gagawin namin. Dahilan kasi iyon na gusto ko na syang makasama. Ang tagal na rin kasi ng lumipas na araw ng huli ko syang makasama. Kaya heto at hindi ako mapalagay na masimulan na ang report na yon.

"Ahmm, Ms. Velardes.. Tutal wala naman daw ka-partner si Mr. Han, maaari bang ikaw na lang ang kayang partner sa report na gagawin ninyo?"

"O-Okay lang po," sagot ni Cristina.

"Okay, class.. Ibibigay ko na sa inyo ang natitirang oras ko, para mapag-isipan na ninyo ang inyong gagawin. Go to your partner and discuss your report.." sabi ni Ma'am.

Kumilos naman ang mga kaklase namin. Napangiti akong muli ng makita ko'ng tumayo si Abby at tumingin sa akin. Ngumiti din naman sya sa akin at naglakad na papalapit rito.

"Okay, so.. maiwan ko na kayo. Inaasahan ko na magiging tahimik kayo sa pag uusap ninyonpara sa report nyo, okay? Ayoko ng maingay, dahil baka mai-report tayo sa guidance.." tapos umalis na sya.

"DG," napalingon ako kay Abby ng magsalita sya. "P-Pwede ba akong umupo sa t-tabi mo?"

Ngumiti ako. "Oo naman, sige, upo ka." sagot ko.

Umupo naman sya at naglabas ng notebook. Tinitigan ko naman sya sa ginagawa nya.

Natural na natural ang mga kilos nya. Hindi sya mahinhin, ngunit hini rin naman dagasa kung kumilos. Laging marahan ang mga kilos nya. Hindi mo rin makikita sa katawan nya ang kaartehan. Hindi gaya ng ibang babae dyan. Iba si Abby sa lahat ng babaeng nakilala at nakasalamuha ko. Hindi sya yung tipo ng mga babae, na kapag nakakita ng gwapo, ay mabibighani.

Sya lang din ang nakilala kong babae na hindi nadadala o natutulala sa charm ko. That's why, I like her. She's the only one who got my attention.

"DG?" nagulat ako sa kanyang pagtawag.

"B-Bakit?"

Natawa sya. "Kanina pa kita tinatanong kung anong magandang introduction?" aniya.

"Ahhh.. sorry, may sumagi lang sa isip ko." sagot ko at ngumiti na naman syang muli.

Isa sa nagustuhan ko sa kanya ang kagandahan nya kapag ngumingiti. Hindi man ito nakikita ng karamihan, ngunit iyon lang ang tangi kong nakikita kaya lalo syang gumaganda sa paningin ko.

"I-Ikaw na ang bahala sa introduction.. ako na lang ang bahala sa ibang details." sagot ko sa kanya.

Hinimulan na nya ang pag-gawa ng introduction. Isinusulat nya ito sa notebook nya. Napapatawa pa ako dahil bigla nya itong gugurihan dahil siguro ay may panibagong pumapasok sa isip nya.

Ako naman, inilabas ko ang cellphone ko at doon nag search about sa topic na pinili namin. Ang napili naming topic about sa bullying ay ang Physical Bullying. Mabuti na lang at wala si Ma'am, makakapag search ako. Hahahaha!

-Meanwhile-

Nang matapos kami ay nagpaalam na agad sa akin si Abby na mauuna na daw agad sya. Gusto ko pa sana syang kausapin para masabi ko na ang nararamdaman ko sa kanya, ngunit parang iniiwasan nya ako.

Napabuntong-hininga naman ako at inayos na din ang gamit. Lumapit naman sakin si Mark at Alex.

"Ano, Josh? Nasabi mo na ba kay Abby?" tanong ni Alex at umakbay sakin.

"Hindi pa, eh."

"Ngek? Ano ba naman yan, Josh.. Aamin ka na nga't lahat, pinatatagal mo pa?"

"Tch! Eh anong magagawa ko? Hindi naman ako makakuha ng tyempo dahil busy sya sa ginagawa namin." may lungkot sa boses kong iyon. "Pati ako ay busy rin kaka-search."

"Bilis-bilisan mo ang kilos, Josh.. Baka maunahan ka pa ng iba dyan.." natatawang sabi ni Mark at saka sumulyap kay Zhackary na nasa likod ni Abby.

"Subukan nya. Hindi naman ako papayag ng basta maaagaw sakin yung taong gusto ko,"

"Kaya nga, Josh.. alam naman namin yon, eh. Ang amin lang, bilisan mo naman sa pagdiskarte." si Mark.

"Hindi ka pa nga nakaka-amin sa nararamdaman mo sa kanya, eh, kaya paano mo sya maliligawan nyan? Hahahahaha!" si Alex.

"Wag nyo nga akong madaliin? Palibhasa hindi naman kayo ang aamin, eh."

Tumawa silang dalawa kaya naasar naman ako.

"Malamang! Hindi naman kami ang may gusto kay Abby, eh. Ikaw!" si Mark.

"Pag mag gagawa na ulit kami ng report, saka ko aaminin sa kanya itong nararamdaman ko," sagot ko sa kanila, ngumiti naman sila.

"Goods yan. Gusto mo bang turuan ka namin?" nakangising tanong sa akin ni Alex.

"Tch! Wag na! Baka kung ano ano pang kalokohan ang ituro nyo sakin." naiiling na sagot ko at nagsimula ng maglakad.

"Hoyyy, Josh! Hindi langsa kalokohan magaling ito! Pag 'to nag seryoso, mahuhulog pati ang brief mo! Hahahhaahahah!" tawa nya pa at tumawa naman si Mark.

Hindi ko na sila pinansin pa at agad ng sumakay sa kotse ko.

~Zzztt Zzztt~ (phone vibrate yan, duh!)

Hinugot ko ang cellphone ko ng tumunog ito. Binasa ko naman iyon na mula kay Mommy.


From: Mommy

Anak? I'm sorry dahil napagbuhatan kita ng kamay. I'm so sorry, I didn't mean to do it. I'm really sorry.

Hope you'd come here in the house. Let's have a dinner.


Iyon ang nilalaman ng text ni Mommy. Huminga ako ng malalim saka pina-andar ang sasakyan papunta sa bahay.

Hindi naman ako nagalit kay Mommy dahil napagbuhatan nya ako ng kamay. Naiintindihan ko naman sya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit lagi nyang kinakampihan yung matandang hukluban na yon. Tch! Kahit yung nangyari two years ago, ay yun pa din ang kinampihan nya.

Kahit naman anong mangyari, Mommy ko pa din sya kaya hindi ako magtatanim ng galit sa kanya, dahil lang sa nasampal nya ako.

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon