Chapter 5

780 37 0
                                    


Abby's POV

Hi guys. Kung ano-ano na ang nangyari pero ngayon pa lang ako nagkaron ng pagkakataon na may POV. Pero hayaan nyo na, at least meron na. By the way, my name is Abby Perez. 16 y/o. Hindi po ako sikat gaya ng iba dyan. Pero.. sabihin na nating sikat ako, pero bilang nerd.

Hindi ako kagaya ng iba dyan na maganda, sexy, sikat, o kahit na ano pa na pwede nyong itawag sa mga matatas ang pamumuhay. Isa lang akong hamak na panget na nerd. Manang manamit, naka brace, nakatirintas ung mahabang buhok, at nakasuot ng makapal na salamin.

Hindi ako palaban. Pero kapag sobra na sila, ewan ko lang. Sikat ako bilang nerd. Ako lagi ang puntirya nila, ako lagi ang kinakawawa, sinasaktan, at kung ano ano pa na pweseng gwain sa isang nerd. Lalong lalo na si Trishamae. Lagi nya na lang akong sinasaktan, kagaya na lang nung kahapon.

Habang naglalakad ako, may narinig akong mga tilian ng mga babae. Tiningnan ko kung sino ung dumating. Ahhhhh. Si DG lang pala. Ang isa sa mga sikat dito sa school namin.

Hala, shit! Makakasalubong ko sya. Liliko na sana ako kaya lang, naitulak na ako ng mga babae sa likod ko. Kikiri naman nitong mga to. Kung artista pa sana itong mga 'to, okay lang sana na magtitili sila dyan. Kaso hindi, eh.

Naramdaman ko na lang na may nabunggo ako. Pagtingin ko, hala bay! Si DG! Tumayo sya at saka pinaspasan ang suot na pants nya.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinada--!" Iritang tanong nya saken.

Hala Bhe! Ba't sya napatigil nung nakita nya ako!? Masyado ba akong maganda para mapahinto sya?! Hehehe. Syempre joke yon!

"Ahhh--Sorry, DG. Hindi ko sinasadya.. k-kase a-ano na-naitulak kase nila ako kaya--"

"Hindi okay lang, hindi rin naman ako tumitingin sa dinadaanan ko.."

Putol nya sa pagsasalita ko. Himala ata at bumait sya saken? I mean, hindi naman sya ganito sa mga nerd na kagaya ko. Pero, bakit sya? Bigla syang bumait sa akin.

Kikiligin na sana ako kaya lang, na alala ko yung sinabi sakin ni Trishamae. Hinanap ko sya ng yingin dito sa paligid, pero wala sya. Hanggang sa napatingin ako dun sa likod ni DG. Hala! Nandun si Trishamae, nakatingin sa akin ng masama.

Lagot ako kay Trishamae nito! Papahiya na naman nya ako to the highest level. Kaya naman bago pa ako mabaon sa kinatatayuan ko dahil sa sama ng tingin sakin Trishamae, nagpaalam na agad ako kay DG na aalis na ako.

"Ah sige, DG. Alis na ako, may klase pa ako eh.." pagsisinungaling ko sa kanya, kahit wala pa naman talaga.

Pagka-alis ko don. Dumiretso na ako sa room, kaya lang pagdating ko don, sarado pa. Ang aga pa kasi, eh.

Kaya napagdesisyunan ko na lang na sa gym muna tumambay. Habang nakaupo ako nakita ko sa di kalayuan si Trishamae na ang sama sama sama sama sama ng tingin sa akin. Jusq naman! Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, matagal na akong patay dito!

"Ang kulit mo rin, no!? Diba sabi ko sayo wag kang lalapit kay Joshua!? Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ko sayo noon!? Oh, sadyang hindi ka marunong umintindi!?"

Hinigit ako ng mga kasama nya at ipinunta sa harap nya. Hindi naman ako lumapit kay DG. Aksidente lang naman yon. Kung wala lang yung mahaharot na babae kanina sa likod ko, edi sana hindi nila ako naitulak papalapit kay DG.

SLAP! SLAP!

Awwww! Namanhid yata ang pisngi ko dahil sa magkasunod na sampal ni Trishamae. Anong karapatan nyang sampalin ako??

"Hindi naman ako lumalapit sa kanya. Naitulak lang nila a--"

SLAP!

Sumusobra na sya! Oo, payag akong bully-hin nila ako. Pero yung sampalin ako ng wala syang karapatan!? Sino ba sya para ganituhin ako!

"Sasagot ka pa ha!? Hindi ako bulag! At wag mokong gawing tanga dahil kitang-kita ko ang lahat!" sigaw pa nya. Hindi pa rin ako nakakasagot. Nang hindi pa rin ako nakaksagot ay agad na naman nya akong sinampal ng magkakasunod. Hindi ko na napigilan ang mga luha kong pilit na lumalabas sa mata ko!

SLAP! SLAP! SLAP!

Nabitawan ako ng mga alipores nyang nakahawak sa akin. Hindi ko na napigilan na umiyak. Ang sakit na kaya! Ngayon ko lang naranasan na sampalin ng magkakasunod!

Hinawakan ni Trishamae ang buhok ko, dahilan para mapatingala ako.

POK!

Hinampas nya ako ng itlog sa noo ko! Napasinghap ang ibang estudyante sa ginawa nya saken. Yung iba naman tumatawa, enjoy na enjoy sa pinapanood nilang eksena namin! Hindi man lang nila ako tulungan!

'Sabagay, sino ba naman akonpara tulungan nila? Enjoy na enjoy nga sila sa napapanood nila, eh. Mga walang puso!'

Sinampal ulit ako ni Trishamae. Napatingin ako sa kanang direksyon ko at nakita ko ang isang pigura ng lalake na papunta dito.

Sasampalin na sana ako ulit ni Trishamae, pero nakita ko ang isang kamay ng lalake na pumigil sa kanya, at bigla nyang itinulak palayo sakin si Trishamae dahilan para mapaupo sya.







AUTHOR'S NOTE: Bukas po ulit. Sorry kung maikli lang. Gumagawa pa ako ng explosion box eh. Gusto mo?Punta ka dito sa Laguna!

I Fall InLove In the Nerdy Girl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon