Prologue

185 6 6
                                    

A/N

Hello po! it's my first time writing a story here on wattpad, sana po i support nyo po, well lalake ang main character ko sa kadahilanang hindi ako magaling sa babae XD, pero sana kahit na ganun parin ay suportahan nyo ang story na ito. Bye!
---------------------------------------------------------------------------------

Akala ko na isa lamang akong normal na binata,

Na nag aaral,

at nagsisikap na magkaroon ng magandang kinabukasan,

may mabait akong pamilya

at mapag-intindi na Girlfriend,

wala na akong mahihiling pa,

pero nagbago ang lahat ng iyon mula sa isang aksidente,

hinold-up ako,

at nanlaban naman ako,

pero di ko sila kinaya at ako ay nabugbog,

sasaksakin na dapat ako ng kutsilyo ng lalake

kaya ay nawalan na ako ng pag-asa,

madiin ko nalang syang tiningnan,

pero ng malapit na akong masaksak,

isang boltahe ng kuryente ang bumaba mula sa kalangitan.

at wala pang limang segundo ay naging abo ang lalaking nang hold-up saakin,

matapos iyon ay nawalan na ako ng malay.

------------------------------------

Sky's P.O.V

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking balat kaya ay napapahikab pa ako, tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa banyo dito sa aking kwarto para maligo,

Ako nga pala si Sky Joshua Ramirez, 15 years old at kasalukuyang nag-aaral sa Steins University, well boring na kung idedescribe ko pa ang sarili ko, pero all i can say is that i'm a NERD, yes, ganun nga ako and I'm proud of it, pero kahit na Nerd ako ay meron parin naman akong mapagmahal na pamilya. May kaya naman kami at meron din akong mapagmahal na girlfriend which is ang captain ng cheerleading squad dito sa steins, ang cool ko no? Nerd pero may magandang girlfriend. so sa mga may planong mang-agaw?! better back off.

Ayan, sa kakaexplain ko, di ko na napansin na tapos na pala akong maligo. Bumaba na ako para kumain ng agahan, at sakto naman na kakahain lang ni Yaya ang ulam, ako lang mag-isa sa bahay kasi nasa ibang bansa lagi sina mama at papa para asikasuhin yung company namin sa iba't-ibang bansa, at only child lang din ako kaya ayan, solo flight ako araw-araw,

Natapos na akong kumain at kinuha ko na ang mga gamit ko, sinuot ko ang glasses ko, di ko nga alam eh, porke't naka glasses lang ako eh sinasabihan na kaagad na nerd, okay naman ang mukha ko eh, pero except lang ata sa buhok ko na ala Jose Rizal ang style, siguro kaya ganun.

Enough na, hahaha! kaya naglakad na ako paputang SU, di naman kalayuan eh, sadyang di lang ako tamad at mga 10 minutes na lakad lang aabot ka na agad,

Di naman maiwasan ang bulungan sa paligid dahil nga sa hitsura ko, pero sanay na ako, araw-araw ganyan ang scenario na maabutan ko, kung di lang siguro ng dahil sa family namin eh kanina pa nila ako pinagtulungang kuyugin diyan. Maimpluwensya nga naman ang pamilya mo.

Sa kakalakad ko ay nakaabot na ako ng Steins at patuloy parin ang bulungan.

Ang pangit naman nyan

oo nga, ano kaya ang nagustuhan ni Sophie jan?

tsk! alam ko guys ginagamit lang yan ni Sophie

The Fourth ElementalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon