Part 1

103 3 4
                                    

A/N
Sky's picture below 😁

Sky's P.O.V
"Gumising ka na Sky, malelate ka na!" rinig kong sigaw ni Yaya mula sa baba na siyang dahilan upang magising ako.

"Eto na po!" sigaw ko naman pabalik at bumangon na ako, hays, panibagong araw bilang isang buhay estudyante,

dumiretso na ako sa banyo para maligo, napagod ako kagabi sa mga pinagagawa ko, nakakainis din kaya yung mapagbintangan ka sa mga bagay na di mo ginawa, Tch! kusa lang kayang lumutang yung putik na yun at diretsong bumulusok patungo sa ulo ni Eren, sapakin ko siya eh, pero siyempre hanggang sa isip lang ang kaya kong ipagyabang na sasapakin ko sya, Tsk!

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa baba para kumain, pagkaupo na pagkaupo ko ay nagsandok agad si Yaya ng kanin para saakin, gutom na ako eh.

Pagkatapos kong kumain ay diretso ko nang kinuha ang bag ko tsaka sinuot ang glasses ko at naglakad na papunta sa school, lintek lang eh no? ayan na naman yang mga bulungan na yan

Ay papasok ulit yung panget

Haha! oo nga!

Panget talaga!

Eww!

"Eww-in ko mukha nyo eh, akala nyo naman ubod kayo ng ganda, puro naman makakapal na kolorete ang nilalagay sa mukha nyo! Pasalamat kayo babae kayo!" sabi ko sakanila, siyempre sa isip ko lang, ayokong masampal ng wala sa oras Nuh!

Pagpasok ko sa school, ganun pa rin ang scenario, walang pagbabago, titig at bulungan ang naririnig sa paligid, wala namang problema sa hitsura ko eh! Tch!

Pumasok na ako sa room, pero ba't walang Sophie na sumalubong saakin? Pagpasok ko sa room, nakita ko siyang kangitian si Eren, na agad namang ikina-init ng dugo ko,

"Good morning Sophie" bati ko sakanya at halata namang nagulat pa ito dahil nandito na ako,

"G-good m-morning din Sky" bati niya saakin pabalik at yumuko na lamang, at tiningnan ko lang ng masama si Eren, eh anong gusto nyo? sipain ko sya sa mukha? Oo gusto ko sana kaso di ko kaya, siguro bago pa ako makasipa eh bulagta na ako sa sahig niyan,Tch!

Nagsimula na ang klase at nag lesson na rin si Ma'am, wag niyo nang pag-interesan kung ano ang lesson namin, kayo lang ang mabobored,

ako lang ba o sadyang mabilis lang na dumaan ang oras? Nag bell na, hudyat na recess na ng highschool department, lumabas na muna ako kasi bibili ako ng snacks ko, Nagugutom rin kaya ako! kaya ayun, bumili lang ako ng junkfoods, kakaiba no? canteen namin nagbebenta ng junk foods kahit ipinagbabawal, bumili ako ng dalawang Nova tsaka Piattos at dalawang orange drinks, don't get me wrong, kay Sophie ang iba,

naglakad na ako pabalik sa room, pero pagdating ko dun, wala namang siya eh, usually nandito lang sya kasama ang kanyang barkada, kaya tinanong ko sila,

"Excuse me, san si Sophie?" tanong ko sakanila, pero inirapan lamang ako ng mga ito, tch! ba't kaya ganito ang mga kaibigan niya, ibang-iba sakanya,

"U-uhm, nakita ko sya kanina sa likod ng CR ng boys" sabi ng isa sakanila atagad naman itong tiningnan ng masama ng kanyang mga kasama,

"Thanks!" ako sabay ngiti, for sure gutom na yun, pero bat siya nag punta sa likod ng CR ng boys? i just ignored the question at mabilis na naglakad papunta sa CR ng boys, nag ha-hum pa ako papunta duon,

saktong sakto naman na pagdating ko dun ay nabitawan ko ang mga pagkaing dala ko.

"S-sophie?", Tanong ko na nang nanginginig ang kamay kasi nakita ko siyang nakikipaghalikan kay Eren!

The Fourth ElementalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon