Part 8

48 4 0
                                    

A/N : Dedicated to thisisrosda salamat!! haha!

~
Sky's P.O.V
Umalis na si Kaizer kasi may gagawin pa siya at kasama niya si Venice, so ako nalang mag-isa ulit dito sa loob ng clinic, medy masakit parin yung mukha ko dahil sa sugat at dahil na rin dun sa sugat galing sa kutsilyo,

Wala naman akong magagawa dito eh, tsaka sabi nung nurse eh pwede na akong umalis anytime na gusto ko kapag okay na ang pakiramdam ko kaya naman ay umalis na ako.

Di na muna siguro ako papasok sa klase ko, excused na naman din daw ako sabi ni Kaizer kaya sulitin nalang, minsan lang ako lumiban sa klase ko no,

Nagpunta nalang ulit ako sa garden ng LA, dun nalang muna ulit ako tatambay. Naglalakad lang ako sa hallway hanggang sa Garden, pero parang nagugutom ako eh, di ko pa naman alam kung saan ang ang cafeteria dito eh, pero ayoko rin muna mag sight seeing baka mabugbog ulit ako, masakit pa yung mukha ko -_-

"Hays" napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad parin papunta sa Garden ng makarating na ako dun ay naisipan kong akyatin ang isang puno dun at ginawa ko naman, sorry under ni Utak lahat ng parte ko haha!

Umakyat na ako sa puno, nung una nahirapan ako dahil di ako sanay na umakyat ng kung ano-ano pero kinaya ko naman, ako pa!

dun ay nahiga ako sa isa sa mga malalaking sanga nito, may nakita naman ako na isang prutas, kulay violet ito na may pagkabilog na ewan, normal lang siguro na prutas ito eh, kaya pilit kong inabot ang isa, at naabot ko naman, kinagat ko agad yung prutas, Wow! ang tamis naman, kinain ko pa ng kinain yung prutas hanggang sa maubos ko ito, pero dahil may dragon sa tiyan ko ay di pa ako nakuntento duon, kumuha pa ako ng isa at kinain ko ulit.

Venice' P.O.V
"Nakita mo na ba siya?" tanong saakin ni Kaizer, lintek naman kasi yung si Sky eh! nawala nalang bigla sa Clinic!

"Hindi pa eh" sagot ko naman di ko siya nakita kahit saan ako nagpunta, baka nabugbgog na naman iyon ng mga Warriors,

"Iisang lugar nalang ang hindi natin napupuntahan" sabi saakin ni Kaizer, oo isang lugar nalang, sa Garden, kaya dali-dali kaming tumakbo papunta dun, para kaming hinahabol ng mga trolls nito eh, ang bilis ng takbo namin na para bang wala nang bukas, malapit na kami sa garden.

at nakaabot na nga kami sa Garden, agad-agad namin siyang nakita na nakabulagta sa lupa baba sa puno ng isang poison tree, nako naman baka kumain siya ng isa sa mga bunga nito,

Mabilis pa sa kidlang nung lumapit kami sakanya, niyuyugyug naman siya ni Kaizer,

"Huy! Langit! gumising ka nga!" sabi niya at sinampal sampal pa talaga si Sky kaya napailing nalang ako, brutal 'tong lalakeng to eh,

"Hmmm, bakit? pasok na ba Yaya?" tanong niya habang nakapikit parin ang mata, nakahinga naman ako ng maluwag akal ko kumain siya ng bunga nung poison tree, nakakamatay pa naman yun kapag hindi naagapan, pero natawa ako sa sinabi niya, Yaya niya daw si Kaizer? HAHA! ibang klase to si Sky, tinawag pang yaya ang tinaguriang Prince ng lahat,

"Sky, gumising ka na, uwian na ng mga estudyante" sabi ko sakanya at hinaplos ko naman ang pisngi nito,
humikab pa ito bago buksan ang mata, kita ko naman na babatukan sana si Kaizer si Sky kaya tiningnan ko ito ng masama, kaya di niya natuloy, aba saktan niya lang si Sky siya ang malilintikan kay King,

"V-venice? Uwian na pala, tara uwi na tayo gusto ko nang matulog" sabi niya saakin at napatawa na lang ako ng mahina dito, kahit kailan talaga isip bata. tumayo na siya at nag-unat. naglakad na siya para lumabas pero nagulat nalang kami nang maglabas ito ng isang prutas, ang prutas galing sa poison tree!

The Fourth ElementalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon