Part 5

56 3 4
                                    

Sky’s P.O.V
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong may dumidila sa mukha ko, Argh! Ang sarap pa ng tulog ko eh! Tsaka, kelan pa ako nagkatuta? Minulat ko ang aking mga mata at tumambad saaki ang isang tuta, kelan ba ako nagka-aso? Wala akong ganito sa bahay eh!

Teka nga, maalala nga kung paano ako nagkatuta, Nung nakipag break si Sophie saakin,

Nung nakipag laban ako,

Nung nadala ako sa Azgard..

Nanlaki agad ang mga mata ko sa aking naalala, Tama nga pala! Nandito ako sa Azgard ngayon at Hound Breed ko  ang dumidila saakin na binili ni Magnus na siyang laging kasama ni Kaizer na may cloning powers na siyang nakipaglaban saakin!

Dali-dali akong pumunta sa may pintuan ng bahay kong ito, dahan-dahan kong nilusot ang aking ulo, aba baka naman kinain lang talaga ako ng bahay kahapon at kapag nagmadali akong lumabas ay baga mabangga ako sa pinto, baka kasi kapag papasok ka lang ay diyan lang ang panahon na pwede mong ilusot ang katawan mo.

Nung nakalabas na ang aking ulo ay sinunod ko naman ang aking kaliwang paa, pina slowmotion pa yan, baka ma-trap ako dito sa gitna ng pinto pagnagkataon at TADA! Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao na napapadaan, may ilan pa na bumublong at nag-uusap eh.

Tingnan nyo yung bago oh,

Di pa ata siya nakakaget-over na magical ang bahay niya

Parang engot lang!

Haha! Oo nga! Kita mo naman yan eh! Ampanget!

bahala na, basta ba makalusot ako dito ng hindi natatrap sa gitna ng pinto ko panghabambuhay!

At saw akas ay nakalagpas narin ako sa pinto, totoo nga nasa azgard na ako. Sakto ko namang nakita sina Magnus at si Kaizer na papalapit saaking direksyon, may dala-dalang mga parang uniporme si Kaizer kahit na may suot na siya, extra uniform niya siguro yan.

O ano? Ready ka nang pumasok?” tanong ni Magnus saakin ng makalapit na silang pareho.

Ako papasok? Saan naman?

Saan ako papasok? Kakalabas ko pa lang sa bahay eh" tanong ko habang inaayos ang mga glasses ko, dumausdos kasi pababa eh. Nakita ko namang napa-facepalm nalang si Kaizer

Kahit kailan talaga” bulong nito na narinig ko naman,  eh san nga ako papsok eh? Sa Steins? Ayoko nga!

Di ako papasok sa Steins! Nakakapagod na dun!” saad ko na may finality sa tono.

Hays, hindi ka na nga papasok sa bulok mong paaralan sa mundo ng mga mortal, papasok ka na sa Light Academy! Hindi mo ba naaalala? Sinabihan ka na ni Magnus tungkol diyan kahapon!” sabi saakin ni Kaizer, ay oo nga pala, ngayon ako papasok sa Light Academy nila. Inabot naman ni Kaizer ang uniform na dala nito, para saakin pala yung dala nila, nagmadali naman akong pumsaok ng bahay para maligo na.

hihintayin ka namin dito” saad ni Magnus na siyang huli kong narinig bago ako pumasok sa bahay ko. Naligo na agad ako, dun nalang ako sa light kakain, total eh paaralan naman yun, may canteen na siguro dun.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang mga damit na binigay ni Kaizer saakin at binigyan nan g pagkain ang hound ko bago ako lumabas ulit na nagmamadali, paglabas na paglabas ko ay muntikan na akong madapa, pero kinaya naman ng katawan ko at hindi natuluyan. Nagsimula na kaming maglakad. marami akong natatanaw na mga imprastraktura sa paligid gaya ng mga bahay, may playground din duon, may mga bata naman na naglalaro pero ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang parang isang kastilyong nasa taas ng bundok, diyan siguro naka tira si King.

The Fourth ElementalistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon