Sky's P.O.V
Nagising ako sa isang kwarto na puro puti, at unang dumating sa isip ko ay nasa hospital ako, pinilit kong alalahanin kung ano ang mga nangyari dahil sa masakit talaga ang ulo ko.
Ay shi*! nakipaglaban pala ako sa tatlong lalake! Tapos.. tapos.. sasaksakin na dapat ako nung pangatlong lalake ng biglang
Flashback-
"Mamatay ka sana" sabi ko sakanya at ngumisi lamang ito, pero wala pa sa limang segundo ay tinamaan ito ng kidlat, kitang-kita ko ang pagliwanag ng katawan nito kasabay na rin ng pangingisay nito.
Flashback ends-
Ang swerte ko naman at buhay pa ako ngayon, tch! akala ko pa naman eh katapusan ko na ng mga panahon na iyon, buti nalang talaga at umulan at natamaan siya ng kidlat, don't get me wrong, ayoko ng may namamatay, pero ayoko rin ang mamatay, tayo naman lahat siguro diba? ayaw nating mamatay?
naalala ko rin yung mga nangyari sa skwelahan, kung paano ipamukha saakin ni Sophie na ginamit niya lamang ako, na niloloko na pala nila ako. Ramdam ko ang pag-init ng mata ko, ang sakit, ang sakit-sakit, bakit ba kasi yung mga taong tapat, yun pa ang nasasaktan, pero kung sino naman ang naglalaro lang yun pa ang nasisiyahan sa sakit na idinulot. Sana ipagpares nalang ang mga tapat at seryoso at hayaang maglokphan ang mga babaero at malalandi. Tch!
Sa kakaisip ko ay di ko namalayan na bumukas pala ang pinto ng kwartong ito, pumasok ang isang babaeng nasa mid 30's na nakalab coat, siya ata ang doctor dito,
"Good morning Mr. Ramirez" bati ng doctor saakin at tinanguan ko na lamang ito dahil medyo masakit parin ang ulo ko,
"Dalawang araw na kayong walang malay, buti nalang ay nadala ka agad dito sa Hospital dahil kung natagalan pa ang pagdala sayo rito ay maaaring mas malalang sugat ang naramdaman mo" mahabang paliwanag ng doctor saakin,
Gusto ko sanang tanungin kung sino ang nagdala saakin dito pero hindi kaya ng boses ko, tiningnan naman ako ng doctor na parang binabasa kung ano ang gusto kong sabihin.
"Kung gusto mong itanong Mr. Ramirez kung sino ang naghatid saiyo dito ay hindi rin namin alam, kusa nalamang siyang nagbayad ng mga hospital bills mo at agarang umalis, at madidischarge ka kapag nakapagpahinga kapa ng karagdagang isang araw" sabi ni Doctora na nabasa talaga ang iniisip ko,
matapos niyang sabihin iyon ay umalis na ito. Napatingin naman ako sa bintana at napansing may isang itim na ibon na parang nakatingin din saakin, tiningnan ko din ito pero umalis na rin agad,
Someone's P.O.V
"Meron ba talaga siya?"
"Hindi pa ako isang daang porsyentong sigurado pero nakita ko kung paano niya nagawang patayin ang isang mortal gamit ang kidlat"
"Kidlat? hinda ba't isa iyon sa limang kapangyarihan na nawawala parin hanggang ngayon?"
"Oo kaya kailangan natin siyang makuha bago tayo maunahan ng mga kalaban dahil darating na ang panahon na magkakabanggaan ang ating mga pwersa"
"siguraduhin muna natin kung meron ba talaga siyang kapangyarihan bago natin siya dalhin dito, mahirap na pag nalaman ng isang mortal ang ganitong lugar"
........
Sky's P.O.V
ngayon na ang araw na madidischarge ako sa hospital, tinawagan ko muna sina Yaya para sunduin ako dito at tama naman ang dating nila dahil gutom na rin ako,"Ya, drive-thru po tayo" sabi ko kay yaya,
"sige po sir" at ayun, nag order na kami,
BINABASA MO ANG
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.