Sky's P.O.V
Bagong ligo na ako, kanina pa kasi ako nagising, alangan naman na kahit tulog pa ako ay naligo ako? Ang weird naman nun,Pumunta na ako sa kusina para kumain, nakakalungkot talaga yung ikaw lang mag-isa sa isang napakalaking bahay pero sanay na ako dun! Hahaha! binigyan ko muna ng pagkain yung hound ko, Ay oo nga pala, bibigyan kita ng pangalan, ano bang maganda? yung dapat related din sa pangalan ng amo para like owner like pet! haha,
Ano bang mga words ang related sa sky?
Bird? - ampanget -_-
Wind? Ayoko, nagmumukhang mahangin eh,
bolt? Ayoko, walang originality sa isang movie eh
Cloud.. Pwede na, kyot naman ang tuta ko eh kaya pwede na,
eh kung.. Storm? Ayun! hahaha, maangas pakinggan!
So storm nalang ang pangalan mo,
"Storm, Storm na ang pangalan mo" sabi ko sakanya, at sa isang iglap, may puting liwanag ang bumalot sa Hound ko at ng mawala ang liwanag ay may tag na sa hound ko, tiningnan ko ito at nakita ko sa tag ang salitang "Storm" tapos may icon na parang isang bagyo sa likod nito, Nice! haha!
Sana ako meron ding ganyan, pero siyempre ayaw kong matawag na aso, ang gwapo ko namang aso kung ganun, humangin ata ako. Haha! nakarinig naman ako ng mga katok sa pinto ko,
"Langit na isip bata! Tara na! Malelate na tayo! Babatukan kita kapag di kapa lumabas diyan matapos kong magbilang sa lima!" sigaw nino pa ba? Edi siyempre kay Kaizer ulol,
"Isa!"
"Dalawa!"
Binilisan ko na ang pagkain ko at tumakbo agad ako papunta sa pinto,
"tatlo!" teka lang naman eh noh?
"Apat" Eto na eto na! Putek kang tanda ka!
"Li---" nakalabas agad ako, Putek ka! mamatay kang panget ka!
"Oh ayan na! Putek ka!" sabi ko tsaka sinuntok siya sa kanyang balikat,
"tagal makakain eh, akala mo naman na ang tagal dumaan ng oras" sabi niya tsaka naglakad na palayo, pero teka, kaninong hound yan? Malaki na oh!
"Hoy kaizer, kaninong Hound yan?" tanong ko sakanya, ang ganda nung hound eh, halatang alagang-alaga,
"Sakin, bilis sumakay ka na baka malate pa ako nito, putsa ka!" sabi niya at sumakay na siya sa hound niya, tiningnan ko naman ang hound niya pagkalapit ko dito, nakalagay sa dog tag nito ang salitang "Thunder" at may isang icon ng kidlat, Nice! hahaha, sumakay na ako sakanyang Hound at pinatakbo niya na ito, ang bagal naman tumakbo nito,
"Ang bagal tumakbo ng Hound mo Kaizer mas mabilis pa ata ang tuta ko dito eh" sabi ko sakanya na mapang-asar ang tono, ngumisi naman ito,
"Gusto mo pabilisin ko ang takbo? ayoko lang kasi magsuka ka, baka ako ang masukahan mo" sabi niya, talaga lang ah? tingnan natin,
"Sige, patakbuhin mo, yung pinakamabilis na takbo, siguradong mabagal pa rin yan" paghahamon ko sakanya, ngumisi nalamang ulit ito at may binulong sa hound niya, unti-unti ay may mga electrical sparks na pumapalibot sa kanyang hound, teka anong nangyayari? at sa isang iglap ay tumakbo ito ng pagkabilis-bilis na halos malaglag na ako mula sa pagkakaupo,
"ay putek ka Kaizer!! " sigaw ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo ang hound niya at ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Light Academy, putek, nasusuka ako,
BINABASA MO ANG
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.