Kaizer's P.O.V
Ako ang malilintikan nito eh, Putspa, kapag nalaman yun ni King siguradong ako ang mapaparusahan kahit na anak niya pa ako, Oo anak ko ni King, King talaga ang kanyang pangalan pero itinatrato siya bilang isang Hari, sa kadahilanang wais ito at isa sa pinakamalakas sa Azgard, ano kaya magiging reaksyon ni Sky kapag nalaman niyang anak ako ni King,
Pag dating kay king walang mas lamang, kapag isa kang estudyante sa Light Academy, ituturing ka niyang isang estudyante at hanggang duon lang yun, pero kapag nasa bahay naman kami ay pinapahalagahan niya ako ng sobra at masaya ako duon,
nilibot ko ang buong Academy at nakita ko si Venice na nakasandal sa isang puno habang nakapikit, kawawa naman yung mga damo at halaman sa kanyang paligid, nagyeyelo na, ganyan si Venice kapag badtrip, lahat ng madadaanan niyan ay naninigas sa lamig, siya ang tinuturing na Ice Princess ng Light Academy dahil sa galing nitong kumontrol ng kanyang kapangyarihan sa Lamig at Yelo, sa ganitong sitwasyon ay hindi ko siya malalapitan ng basta-basta, kaya gumawa ako ng isang clone ko para lumapit sakanya, nagtago muna ako sa likod ng isang pader at ipinalapit ang clone ko sakanya,
pero hindi pa ito nakakalapit ay isang patalim na gawa sa yelo ang bumulusok papunta sa clone ko at di na agad nito naiwasan kaya naman natamaan ito ng diretso sa tiyan, at naglaho nalamang ng parang bula ang clone ko.
putek, paano na to, hindi ako makakalapit kay Venice nito, kahit nga clone ko na parang totoong ako ay hindi magawang lapitan si Venice, naglalaho lamang ang mga clone ko kapag gugustuhin ko o kaya naman ay namamatay sila, Napabuntong hininga na lamang ako, hindi ko siya malalapitan sa ganitong sitwasyon, kaya naman ay napagdesisyunan ko nalang na balikan muna Sky sa clinic,
Habang naglalakad ako, tinitingnan ako sa karamihan ng mga estudyante, ang hirap pala maging gwapo, tsk! sanay na ako sa ganyan araw-araw, anak ka na ni King, gwapo ka pa.
Binuksan ko na ang pinto ng clinic at nakita ko naman si Sky na nakatulala lang, lumapit ako dito kaya naman ay nabalik siya sa realidad,
pagkalapit ko ay agad ko itong binatukan,
"Aray! Para san yon!?" tanong niya saakin,
"Wala, gusto ko lang, kasi naman di ka pa talaga nagsalita kanina eh no? ayan nagalit tuloy saakin si Venice!" sabi ko sa kanya, pero bigla naman itong tumawa ng malakas
"HAHAHA! under ka pala kay Venice! kawawa ka naman! HAHAHAHA!" sabi niya habang tumatawa parin, akmang babatukan ko ulit tong loko nato pero agad niya akong pinigilan,
"Tama na, haha! masakit pa ang ulo ko." sabi nito at kumalma na galing sa pagtawa,
"Bakit ka pala bumalik dito?" tanong niya.
"Eh sa pake mo? Di ako makalapit kay Venice at sinisigurado ko lang na ayos ka dahil baka pagalitan ako ni Ama," sabi ko sakanya na bored na, pero huli na ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko,
"Ama?" tanong niya na may malaking question mark sa mukha,
"Ah eh, wala na yun wag mo nang pansinin, kamusta na ba ang sugat mo?" tanong ko sakanya at pilit kong pag-iiba ng topic,
"Ok lang, pero sinong ama?" tanong niya saakin, Kulit nitong batang 'to eh noh?
"Wala nga kasi" sabi ko sakanya,
"Sino nga?" ulit niya,
"Wala nga" ulit ko din
"Sino?"
"wala"
"magtatanong nalang ako kay king" ano daw? kay King? na siyang ama ko mismo
BINABASA MO ANG
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.