Sky's P.O.V
Napagod na ako sa kakahiga dito sa may garden, pero badtrip pa rin ako, kung pag-aaral naman sana eh walang personalan.Kaya naman ay napagdesisyunan kong maglibot muna sa lugar na to para naman hindi na ako malito sa susunod, naglakad na ako sa hallway, wala namang mga estudyante ang nagkalat ngayon dito eh, nasa klase pa siguro,
Sa kakalakad ko sa hallway ay narating ko ang isang parang arena, Pamiliar ito, teka san ko ba ito nakita..
Sa laban pala nina Haiden at ni Red, yung ipinakita saakin ni Magnus nung una nila akong dinala dito, siguradong mamamangha ka kapag unang kita mo nito, ang laki talaga, kasya ang daan-daang libong katao dito.Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad ko at umabot na naman ako sa isang lugar na kung saan ay may mga targets at mga levers, sa pagkakahula ko, dito sila nagpapractice, di na ako nagtangkang lumapit pa sa mga levers na iyon, baka kung anong mangyari saakin pag nagkataon,
Ipinagpatuloy ko nalamang ang paglalakad, nadadaanan ko ang iba't-ibang rooms dito, hanggang sa tumunog na naman ang kampana na syang hudyat na labasan na, Patay! di ko pa naman alam ang daan pabalik sa Room ko! bigla nalang bumukas ang pinto sa tapat ko at iniluwa nun ang mga estudyante na maaangas tingnan,
"Hoy, ikaw panget! ba't ka nandito?" tanong nung isa saakin,
"A-ah, napadaan lang ako" sabi ko at lalayo na sana ako, pero unang hakbang pa lang ay muntik na akong tamaan ng isang kutsilyo sa mukha!
Putcha! Sinong nagbato saakin ng kutsilyo!? naramdaman ko naman na may mahapdi sa kanang pisngi ko at may tumulong likido, Dugo!
"Siguro nandito ka no kasi isa kang espiya galing sa mga kaaway!" sabi nung isa sakanila, ano?! Espiya?
"E-espiya? Anong espiya? Estudyante ako dito!" sabi ko sakanila, pero nginitian lang nila ako, ngiting pandemonyo, masama ang pakiramdam ko dito, takte,
"Talaga lang ah?" sabi pa nung isa at may naglabas na naman ng kutsilyo galing sa kaniyang likod,
"Huwag ka na kasing mag maang-maangan, hindi maganda yan panget, baka mapadali lang lalo ang buhay mo" sabi nung maangas kanina,
"Hindi nga! Naglilibot lang ako kasi pinalabas ako ng guro kanina sa kanyang klase dahil sa panget ako!" sabi ko sakanila, bigla nalang nagtawanan lahat,
"Hahahaha! Pinagtitripan ka lang namin, buti nga at pinalabas ka nila eh, baka mahawa sila sa kapangitan mo" saad nang isang babae saakin, insulto na naman ang inabot ko. aalis na sana ako pero agad rin akong napaupo sa lupa dahil sa isang suntok na inabot ko,
"Alam mo ba? Ang sarap mo palang suntukin no" sabi nung lalake na nagbato ng kutsilyo saakin kanina, putek! Ano na naman ba?!
"Gag* ano bang ginawa ko at nanununtok ka agad diyan?!"bulyaw ko sa lalake kanina, ngunit ngumisi lang ito,
"Alam mo panget, ang lakas din ng loob mong sigawan ako no?" sabi niya saakin at akmang susuntukin na naman niya ako, pero natigilan ang lahat ng may nagsalita,
"Ituloy mo ang pagsuntok sakanya at ako mismo ang puputol ng kamay mo" sabi ni Venice, teka, si Venice nandito,
"V-venice! Hindi ah, t-tutulungan ko lang siyang tumayo" banggit nung angas kay Venice na pinagpapawisan pa talaga ito ng makita niya si Venice, ngumisi naman si Venice,
"Talaga lang ah, kaya naman pala muntik ng lumapat ang kamao mo sa mukha niya, sa mukha mo ba siya hihilahin para makatayo?" sabi ni Venice habang papalapit siya sa lalake.
Pero nagulat nalang ako ng biglang lumuhod ang lalake kasama ang buong kaklase niya,
"Patawarin mo kami Venice! Pangako! Hindi na mauulit" sabi nung lalake at ng mga kaklase niya, pero bigla na lamang silang binalot ng Yelo, lahat sila ay binalot ang katawan ng yelo, hanggang sa naging estatwa na sila,
BINABASA MO ANG
The Fourth Elementalist
FantasyWeird, i feel weird from having all this sensations running across my body, but it's because they say, that I am an Elemental Prince.