CHAPTER 9 : THE DEMAND

8 2 0
                                    

Agatha's Pov




*Riiing!*




Okay, school day. I'm coming.




"Mam Agatha, wala po si Madam Denise ngayon. Pumunta po sa University nyo. Bilin nya po sakin wag nga daw po kayo papasukin." sabi agad sakin ni Yaya Tess.




"Yaya Tess, wala po bang sinabi si Mommy na pwede akong lumabas at sumama kay Danica?" tanong ko.




"Wala e. Basta sabi nya, wag ka daw lumabas at kung gusto mo daw, sumama ka daw kay Sir Tristan mamaya sa Trinoma. Nasa baba po ang almusal nyo, Mam." umalis na nga si Yaya Tess.




Binilisan ko agad na mag- hilamos at mag- palit ng damit. Bumaba na ko agad ng kwarto ko at nakita si Daddy na nag- babasa ng newspaper habang umiinom ng Coffee.




"Dad, tara na po. Sasama po ako sa inyo sa Trinoma ngayon. May bibilhin din po ako ngayon." sabi ko pagka- baba ng hagdan.




"Okay, sure. Tapusin mo muna yang pagkain mo at magbihis ka." sabi ni Daddy.





"Yaya Tess, ikaw na muna ang bahala sa Mansion ngayon ha. Babalik rin kami maya- maya."





"Yes po, Sir Tristan."





"Dad, tara na po."





At pumunta na nga kaming Trinoma.










Denise's Pov






"Kuya Roger, dito na lang. Ipark mo na lang dyan sa tapat. Pupunta lang ako saglit sa Principal's Office. Hintayin nyo ko dito." Then, I got out of the car.





"Good Morning po, Mam. May gusto po ba kayong malaman na info?"





"Ikaw, Guard ka. Papasukin mo ko. At kung hindi, idedemanda kita dito. Tandaan nyo, ako ang nag- papasok ng investments dito sa University na ito. Kaya, chupe. Papasok ako." pumasok na nga ako sa gate.





Naiinis ako!!! Naiinis ako sa nangyari kahapon. Bwiset! Agad akong pumasok sa Principal's Office at sinira ang pinto nila nang pagka- pasok ko.





"Umm... What's the matter, Mrs. Lopez? What's wrong? Do you need something?" agad na takot na sabi nung Principal.







"NAGKUKUNWARI KA PANG WALANG ALAM!!! ANO YUNG NANGYARI KAGABI?!! NAKULONG ANG ANAK KO DITO AT HINDI MAN LANG ALAM NG GUARD NA NANDITO PA SYA!!! ANONG KLASENG TRABAHO ANG GINAGAWA NYO DITO, SAMANTALANG PINAPASOK KO ANG LAHAT NG PERA KO DITO!!! PAG HINDI NYO INAYOS YANG TRABAHO NYO, IPAPAGIBA KO ITONG UNIVERSITY NA ITO!!! NAIINTINDIHAN NYO?!!"




Umalis na ko. Pagka- labas ko, start na pala ng Flag Ceremony ng mga students. Nakakahiya ang Principal nila dahil nasigawan.





"Tara na, Roger. Wag muna sa Mansion. Gusto kong mag- relax. Sa Trinoma please." Whew! I hope makapag- relax ako.







Sa wakas, nandito na rin.






"Good Morning, Mam. Welcome to Massage Care."






Umupo na ko. Minasahe ang likod ko. Hay, ang sarap. Nawala ang aking stress.







"Good Morning, Mam. Welcome to Jessa's Hair Salon."







Nagpa-rebond lang naman ako. Maya- maya, may pamiliar na boses akong narinig. Habang nag-babasa ako ng Magazine,







"Ganito na lang, Francis. Dito muna ako. Hintayin mo na lang ako sa labas. Kumain ka muna sa Resto." si Iris!!!






Tumabi sakin si Iris. Grabe. Yung nanay ni Vanessa. Yung nanay nung batang kinuha ko. Tinago ko ang mukha ko sa magazine.

















"Oh? Hi, Denise. Kamusta ka na? Long time no see. Ako yung classmate mo since 2nd year High School. Remember me? Iris Pendleton?"

























The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon