Agatha's Pov
Pumunta na kaming Trinoma. Mga 9:36 am na. Una naming pinuntahan ay ang Men's Wear. Para yun kay Dad. Kasi may pupuntahan kami sa bakasyon. Sa Italy.
Sunod kaming pumunta ay sa Phone Shop. Kakabago nga lang ng phone ko, bibili pa ng 3 bago.
Next destination is Bookstore. Kasalukuyan kaming nandito. Pumupili kami ni Dad ng books. Naghiwalay kami dahil si Dad ay sa Pocket Books Section habang ako ay nasa Novel Books Section.
Ano kayang mga magaganda? Harry Potter? Dennise Brown? Strangers?
Later on, napalabas ako sa Bookstore. Nabili ko na kasi yung Harry Potter. Ang tagal ni Dad. Ang bagal mamili.
Buti pa dito sa Fountain. Hinihintay ko ang text ni Dad kung asan sya.
"Anak, palabas na ko. Hintayin mo ko sa entrance ng Bookstore. Nasa counter na ko. Medyo madami pinamili ko."
Binabasa ko ang text message ni Dad papuntang Bookstore. Hawak ko ang phone ko habang naglalakad at sa kanang kamay ko ang plastic ng books na binili ko.
*Bumbed!!!*
"Ouch!!!" napatumba na lang ako sa sahig at pati na rin ang mga librong dala ko.
"Ay sorry, Iha." mga nasa mid- 35 yung age ng Man. Tinulungan ako nung lalaki na ibalik sa plastic yung mga libro kong binili.
Nang nakatayo na ako, in- offer nya yung kamay nya na parang gustong makipag- shake hands.
"Ako nga pala si Francis. Francis Pendleton. Ikaw? What's your name?"
"Ako po si Agatha Lopez. Anak nyo po ba si Cristina Pendleton?"
"Oo. Anak ko sya. Bakit? Nagka- kilala na ba kayo?"
"Actually po, classmate ko po sya."
"Kung classmate mo ang anak ko, bakit hindi ka pumasok ngayon? Kasi pumasok si Cristina ngayon eh."
"Kasi po, sabi ni Mommy, mag- dedemanda daw po sya sa Madrigal Univeraity dahil po sa nangyari kagabi."
"Mommy? Anong pangalan ng Mommy mo, Agatha?"
"Agatha, tara na. Sorry po pero kailangan na po naming umuwi ng anak ko."
Hinila na ko ni Daddy paalis kay Sir Francis.
Nag- wave na lang ako patalikod kay Sir Francis. Habang todo hila sakin si Dad palayo.
"Diba, I told you not to talk to strangers, Agatha? Who is he?" Grabe. High Blood agad si Dad.
"It's Sir Francis Pendleton. Dad po nung classmate kong si Cristina." sagot ko.
"Fine, just one person. Wag mong sabihin ito sa Mom mo. Magagalit na naman yun. O tara. Saan mo naman gustong pumunta?" Bipolar din itong si Dad ng mood.
"Dad, gusto ko pong magpa- rebond. Dun po tayo sa isang Salon."
"Ok. Tara na."
Off we go to the Salon.
"Good morning, Sir and Miss. Welcome to Jessa's Hair Salon."
Napaupo muna ako sa isang couch. Habang si Dad nasa isang counter. May katabi naman akong babaeng nagbabasa ng magazine at may katabing kausap.
Nang tapos nang silang mag- usap, parang may nahalata na akong mali.
"MOMMY!!!"
Hindi ako nagkamali. Si Mommy Denise nga yun.
"Agatha? What are you doing here? Sinong kasama mo? Mag- isa ka lang ba dito sa Trinoma?"
"Si Dad po. Kasama ko. Sino po yung kausap nyo? Hello po." sabay wave sa kausap ni Mommy na nakatingin din sakin.
"Oh? Hi. You must be Agatha Lopez. Nice meeting you. My name is Iris Pendleton."
"Kayo po ba ang nanay ni Cristina Pendleton? At asawa ni Francis Pendleton?" agad kong tanong.
"Oo. Paano mo naman nalaman?" tanong ni Mrs. Iris.
"Kasi po Classmate ko po si Cristina at kakakita ko lang po kanina si Sir Francis." naka ngiti kong sabi.
"How sweet of you, Iha. Ang bait mong bata. Diba, Denise. You told me na yung anak mo namatay na?" nagtaka ako sa sinabi ni Mrs. Iris.
"Ummm.... Oo. But that's 2 years ago. Let's not bring the past back." sagot ni Mommy.
"So, si Agatha ang second na anak mo?" tanong ulit ni Mrs. Iris.
"Umm... Oo. Tara uwi na tayo. Tristan, sa susunod na lang magpapa- rebond si Agatha. Tapos na rin ako eh. Tara na. Bye, Iris." sabi ni Mommy.
"Mommy? Bye po, Mrs. Iris."
Wala na rin akong nagawa kundi sundin at umuwi. Ayun ang sabi ni Mommy eh.
Totoo ba yung sinabi ni Mrs. Iris?
Namatayan ng anak si Mommy dati before me?
Ako ang second na anak ni Mommy?
Then, sino yung panganay?
Ang gulo talaga...
BINABASA MO ANG
The Lost Heir
RastgeleThis is a story of how a girl was kidnapped and was separated from her true parents. The girl did'nt even know that she was the lost Heir.