CHAPTER 12 : ESPIYA

7 1 0
                                    

Agatha's Pov



Friday na. Naalala ko na bukas ay may Mission kami. Kailangan samahan ng Section Virgo at Section Taurus ang Kindergarten, Grade 1, Grade 2 at Grade 3 bukas sa kanilang School Fair. Kami ang magiging bantay nung mga bata.





Pero,curious ako sa mga nakita ko kanina kay Cristina. Bakit nakipag kiss sya sa isang lalaki? May something ba sa kanila?





Bukas, ako ang aalam ng nangyayari. Kasama ko din naman si Cristina bukas.






Okay, kinabukasan na nga. Pumunta ako sa School Fair. Binantayan ko si Althea, ang talented sweetheart ng Kindergarten pagdating sa pagsasayaw.







"Ate Agatha, I want to go to the swing. Can you swing me please?" naka beautiful eyes pa ito.





"Sure. Let's go." sabi ko at nag swing sya.





Nakita ko si Cristina na kasama na naman yung lalaki kahapon at may binabantayan silang kambal.







Nilapitan ko ang dalawa. Patago tago ako na lumapit sa kanila. Eto na. Lalapit na ko sa kanila. Tatanungin ko na sya at...





"ALTHEA!!!" may narinig akong sigaw ng isang batang babae.






"Oh My!" lumapit ako kay Althea na nahulog sa swing. Tinayo ko sya.







"Sorry, sweetheart. How about, the slide. Let's go to the slide." suggest ko. At pumunta nga kaming slide.





Nakita ko na naman si Cristina. Talagang nagpa kulong sa Jail Booth itong dalawa. Nakaposas silang dalawa at naka holding hands. Nasa loob sila ng Jail Booth. Eh 17 minutes yun.





"Can you wait me here, baby? I'm going to buy Ice Cream. Okay?" tanong ko.





"Yehey! Ice Cream! Okay, Ate Agatha."







Umalis na nga ako. Nagtago ako sa isang ride. Lalapit sana ako sa patibong nang...







"Huy, Agatha!"







"Ay pwet ng Dragon!!!" shet nagulat ako sa kanya.







"Grabe ka naman sakin. By the way, sorry nga pala sa nangyari kahapon. Mukhang nasira ko yung..."





"Aha! You two were caught! Look at what you've been stepping at!!!" Potek talaga tong si Drake. Panira sa plano ko. Ayan sa ibang Jail Booth kami.





Sa Jail Booth 4 kami. Eh sila Cristina sa 2. Pushangina talaga itong mga ito. Nakakainis.







Nung matapos yung 17 minutes, agad akong tumakbo palayo. Hindi ko na tinignan si Drake. Binantayan ko si Althea inflattables.






"Huy, Agatha. Pansinin mo naman ako. Ano bang problema mo? Baka matulungan pa kita."






"Ang kulit mo talaga, Drake. Alam mo ba na nasira yung plano ko dahil dyan sa stupid mong kakulitan mo? Kung gusto mo kong tulungan, ang itulong mo sakin ay tumahimik." sabi ko kay Drake. Ang kulit naman kasi talaga.






Umalis nga sya. Hindi ako tinignan at hindi rin ako pinansin. At doon sya sa binabantayan nyang bata.






Mas lumapit ako kila Cristina. Parang landian sila ng landian. Ano bang nangyayari sa kanilang dalawang lalaki? Wait, tingnan ko lang yung mukha ng lalaki.






Tinitigan ko yung lalaki. Parang kilala ko yung lalaking yun. Si ano yan eh... Si... Si MARCO!!!






Si Marco Mendez. Yung pinakilala ni Danica sakin. Kasi...






Boyfriend ni Danica si Marco at ngayon nakikipag landian itong si Cristina kay Marco porket wala si Danica ngayon...






Nung nagulat ako, tumakbo ako. Tumatakbo ako habang tinatakpan yung mukha ko ng dalawa kong kamay. Habang natakbo ako, may naka bangga ako na naging sanhi ng pagka bagsak ng pwet ko sa sahig.






In- offer ng babae yung kamay nya, at napatayo ako. Nung nakatayo ako, parang pamilyar sakin yung mukha nya.






"Sorry, Iha. You look familliar to me. Have we met before?" tanong nung Misis. Aahhh. Naalala ko na. Si Mrs. Iris Pendleton.






"Ay, Tita Iris, ako po ito, si Agatha Lopez. Yung anak po ni Denise Lopez." sagot ko.






"Ay, oo, I remember. By the way, nakita mo na ba si Cristina? Kanina ko pa sya hinahanap eh." tanong nya.






"Ay, nasa ano po... nasa... teka, nasa... slide po." sabi ko.






"Ms. Agatha, tawag na po kayo ni Mam Denise. Umuwi na daw po tayo." bwiset ka Roger.






"Ummm... Tita Iris, see you next time po." sabi ko sa malayo.






"Thank you, Iha." sagot nya.






Habang hila ako ng Driver ko, nakita ko si Tita Iris. Teka? Sinampal at sinabunutan ni Tita Iris si Cristina? Paano kasi, nakita ni Tita Iris si Cristina na nakikipag landian kay Marco.






Ano kayang mangyayari?




The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon