CHAPTER 8 : FREE

6 2 0
                                    

Agatha's Pov




"Agatha, wag kang matakot. Andito lang ako. Buti nga, nakalimutan nilang patayin yung Aircon. Malamig tuloy dito sa Dance Room." lumapit si Drake sa kinauupuan ko.





Inalis ko ang tingin kay Drake. "Si Mom kasi, magagalit yun sakin kasi hindi ako nakauwi. Look, it's 6:24 pm."





Niyuko ko ang ulo ko sa dalawa kong tuhod. Katabi ko ang bag ko. Hindi ko naramdaman na may tumulo na luha sa pisngi ko.





"Ano ka ba? Wag kang umiyak. I'm here. Don't worry about it. Kung may conatact number lang ako nung Janitor dito, makakalabas tayo dito."





Tinaas ko ang ulo ko. Contact number? Pinunasan ko yung pisngi ko at tumayo ng sobrang saya.





"Right! My Cellphone! Naalala ko na may load yung phone ko dahil school day at para sa emergency yun!" I exclaimed.





Kinuha ko agad yung phone ko sa bag. Sakto na at 37% pa. Hinanap ko ang contacts. Si... MOMMY!!!





Tinawagan ko sya. Lumayo muna ako kay Drake nang nakatayo. Still ringing.





"Hello, Mom?"





{Agatha, ikaw ba yan?! Asan ka?! Bakit gabing- gabi na hindi ka pa nauwi?! Asan ka pupuntahan ka namin ng Dad mo?! May nagyari bang masama sayo?!}





"Mom, ako nga po. Si Agatha. Nandito pa po ako sa School. Kukuhanin ko na po kasi yung bag ko, pero na stuck po kami dito sa Dance Room. Wala na pong tao dito. Kasama ko lang po ang kaibigan ko, si Drake po."





{Pupuntahan ka namin dyan ha. Siguraduhin mo na walang gagawing masama sayo yang lalaking yan ha. Sige, pupuntahan ka namin dyan ng Dad mo.}





"At Mom meron pang..."





Binaba agad ni Mom yung phone. Lumapit ako kay Drake.





"Papunta na dito si Mom mamaya. Makakalabas na ko dito. I mean tayo."





Agad kong hinanda yung bag ko. Yung lungkot, naging saya. Hinintay ko parin si Mom. Naka sandal sa pader.





6:57 pm na. Bakit ang tagal?





"AGATHA!!!"





Napayakap ako agad kay Mom at Dad nung nakita kong binuksan nila yung Dance Room Door.





"Mom!"





"Umm... Salamat po. Dahil nakalabas na rin po kami ni Agatha dito. Akala po namin hanggang bukas po kami nandito."





"Tara na, Agatha. We're going home, sweetheart. Pagod ka na. Sige na. Drake? Salamat sa pag- damay kay Agatha na makulong dito."





"Mom, wag na kayong magalit kay Drake. Tara na po." at umuwi na nga kami.






Nakapag- wash na nga ako. Finally, nakahiga na ko sa kama ko.





Tumabi pala sakin si Mommy habang nagbabasa ako ng Novel.





"Sweetheart, ayoko nang maulit ulit yung nangyari kanina. Kung hindi, ipapa- homeschooled uli kita at hindi ka na muling makakalabas. Understood?"





"Opo, Mom. Hindi na po ulit mauulit yung nagyari kanina. Promise."





"Tommorrow hindi ka makakapasok. Sa Friday na. Mag dedemanda ako bukas tungkol sa nangyari kanina. Good night, sweetheart."





Magdedemanda si Mommy bukas sa school?





Hindi ako papasok bukas?!






Sa Film Showing pa ko papasok?!





This is terrible!



The Lost HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon