Savanah Aria
Nakarating na kami sa ampunan.
Pagbaba 'ko ng sasakyan, sinalubong agad kami ng isang babae.
"Mam, payong po" Aabutin 'ko na sana ang payong pero kinuha ni Dempster 'yun.
"Mam kami na po magdadala ng gamit niyo" sabi naman ng mga lalaki na lumapit sa amin.
"Halika na, sila na bahala dyan" sabi niya at hinila ako palapit sa kanya.
Bale parang nakayakap siya sa akin.
O____O
"Magalmusal muna kayo Dempster" sabi ng isang matanda dito.
Umupo siya sa harap namin.
"Maraming salamat dahil hindi kayo nagsasawang tumulong sa amin"
"Mary Magdalene Academy are suppporting this orphanage for the past ten years, kaya po hindi kami magsasawa na tulungan ang ampunan na ito"
Nakangiti siya kay Dempster at napatingin siya sa akin.
"Ngayon 'ko lang siya nakita, nobya mo siya? Ang ganda niya, magaling ka talaga pumili" saka siya tumawa ng malakas.
"A-ah h-hindi ho ako girlfriend ni Dempster" Napatingin siya sa akin.
Tumingin naman ako kay Dempster. Tumawa siya.
"Siya po ang anak ng may ari ng Mary Magdalene Academy"
"Savanah iha?" Sabi niya at tumitig maigi sa muka 'ko.
"Bakit nagbago ang muka mo? Mas tumapang ka tingnan iha"
"Pero maganda ka pa rin,ang tagal mo ng hindi bumalik dito" tuloy tuloy niyang sabi.
"Maraming salamat Dempster sa pagsama mo kay Savanah"
And now I remember this place! Dito kami lagi napunta ni Daddy, sabi niya mahalin 'ko daw ito at pag ako na ang humawak ng business namin ay ako na rin ang magtutuloy sa pagtulong dito.
"Sorry po, nagfocus na po kasi ako sa pagaaral that time" I lied.
Natawa naman si Dempster sa sinabi 'ko. Kaya sinipa 'ko siya sa ilalim.
"Hmp!" Muntik ng mapabuga ni Dempster ang kinakain niya.
"May problema ba iho?" Tanong ni Lola Adora habang nilalagyan ng tubig ang baso niya.
"May nakaalala lang ho siguro dyan" nakangiti 'kong sabi.
"Hi kids!" Bati ni Dempster.
"Hello kuya dempster" the all said.
I smiled. Tumingin naman sila sa akin.
"Hi, ako si Ate Aria" bati 'ko naman sa kanila.
"Hello po!" Say naman nila na ganang gana.
Sa tingin 'ko 5-12years old sila.
"Ate Aria, laro tayo" hila ako ng isang babae.
"Pero ang lakas ng ulan" sabi 'ko naman.
"Kasi may bagyo at signal number 1 ang lugar namin" sabi naman ng batang lalaki na may salamin. Sa tingin 'ko siya ang pinakamatanda dito.
Natawa naman si Dempster. Lumapit siya sa batang mukang genius at pinantayan niya.
"Ikaw talaga Robert, pati ba naman 'yun alam mo? Maglaro ka rin naman minsan"
"No, i like reading than playing under the sun" sabi niya. Ang galing naman niya magenglish.
YOU ARE READING
Eternal Love:Savanah Aria
Teen Fiction"Everyone says that Love is unexpected but for me it is also full of mysteries. Hindi natin alam kung anong mangyayari. Hindi natin alam kung pag gising ba natin ng umaga tayo pa rin ang mahal ng taong mahal natin. Lahat sumusugal ng dahil sa pagibi...