Savanah Aria
"Ang lakas ng ulan baka hindi kayo makauwi bukas" Pailing iling na sabi ni Lola Adora.
"Oo nga po eh pero okay lang din naman po nageenjoy naman po ako kasama ang mga bata"
Nakatitig lang siya sa akin.
"Savanah, bakit nagbago ka?"
"Po?" Takang tanong 'ko.
"Dahil ba sa lalaking nanakit sa'yo? O dahil sa pagkawala ng daddy mo?" Kumirot ang dibdib 'ko.
"Parehas po lola" malungkot 'kong sabi.
"Nasabi sa akin ni Dempster kanina na wala daw may gusto sa'yo sa school dahil hindi daw maganda ang ugali mo" Napatingin ako sa kanya.
"Kailangan 'ko pong protektahan ang sarili 'ko para 'di na nila ako ulit masaktan"
"Alam mo iha, bakit hindi mo sila bigyan ng pagkakataon na makilala ka pa, alisin mo ang galit sa puso mo"
"Pero lola"
"Ang sabi lang ng Daddy mo protektahan mo ang sarili mo. Hindi niya sinabing huwag kang magpatawad, tama ba ako?"
Napatango ako.
"Tingnan mo si Dempster, sa paraan ng pagtitig niya sa iyo sa tingin 'ko ay gusto ka niya"
Natawa ako.
"Lola that will never happen before i help him. He really hates me"
Napangiti siya.
"Dahil nang mga panahong 'yon ay kagaya pa siya ng mga tao sa eskwelahan niyo na hinuhusgahan ka"
"Kaya nga sinasabi 'ko sa'yo bigyan mo sila ng pagkakataon. Tingnan mo ang lalaking kasama mo ngayon sa maiksing panahon na kasama mo siya, nakilala na niya ang tunay na ikaw" Ngumiti ulit siya at lumapit sa akin.
"Gusto ka niya, hindi man niya sabihin pero naipapaliwanag na ng bawat tingin niya ang nararamdaman niya"
"Lola siya po ang lalaking nanakit sa akin" Nakatungo 'kong sabi.
Umupo muli siya sa harap 'ko.
"Handa ka na bang magpatawad?"
"H-hindi 'ko po alam"
"Masarap sa pakiramdam ang magpatawad at magbigay ulit ng pagkakataon"
"Ako, sa tinagal tagal 'ko sa mundong ito. Ilang ulit akong sinaktan. Ilang ulit rin akong nagpatawad"
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Savanah iha, hindi ako nagsawang magbigay pa ng isang pagkakataon sa mga taong nanakit sa akin"
"Should I give him another chance?"
"Ano ba ang sinasabi nito?" Hinawakan niya ang parte ng katawan 'ko kung nasaan ang puso 'ko.
"Magiging plastic po ako kung sasabihin 'kong wala akong nararamdaman para sa kanya"
Nangiti siya.
"Dahil ang galit ay nahihilom ng panahon kapag nawala na ang galit dito handa ka na ulit magpatawad,masaktan at magbigay ng chance"
"Matagal bago maalis ang galit na nararamdaman mo, hindi ba?" I nod. Wala na ba talagang galit?
Oo wala na dahil sakit na lang ang meron pero mas nararamdaman 'ko ngayon ang pag kagusto dahil ba malapit nanaman ako sa kanya?
"Kung may sakit ka pang nararamdaman normal 'yan pero kapag nagbigay ka ulit ng pagkakataon. Mababaon na lahat ng sakit"
YOU ARE READING
Eternal Love:Savanah Aria
Teen Fiction"Everyone says that Love is unexpected but for me it is also full of mysteries. Hindi natin alam kung anong mangyayari. Hindi natin alam kung pag gising ba natin ng umaga tayo pa rin ang mahal ng taong mahal natin. Lahat sumusugal ng dahil sa pagibi...