Chapter Twenty One

25 0 0
                                    

Savanah Aria

"Uuwi ka na ba?" Ang kulit kulit nitong si Minho.

"Kapag hindi ka pa umuwi. Papakasalan na talaga kita" tiningnan 'ko siya ng masama.

"Bakit ba ako ang inaatat mo umuwi ha?" Naglalakad lakad kami. Siya na ang naging kaibigan 'ko dito.

"Eh kasi nagsasayang ka ng oras maayos ang lahat!" Wala na siyang ginawa kung hindi pagsabihan ako ng pagsabihan.

"Wala na na kasing aayusin! Hindi mo ba naiintindihan? May anak na siya. Ikakasal na siya"

"Paano ang mga kaibigan mo? At saka malay mo naman 'di ba may lusot pa pala?" naisip 'ko sina Mia. Kamusta na kaya sila? Isang linggo na simula ng iwan 'ko sila. Lusot? Anong lusot? Na hindi kanyang anak 'yun? Set up lang lahat? Parang teleserye lang?

Hinawakan niya ang kamay 'ko.

"Nice ring eh?" Tinapik 'ko siya.

"Minho, ano ba?" Naiinis na talaga ako. Ngumiti lang siya at nagkibit balikat.

Nagulat ako ng may yumakap sa aking bata.

"B-blue?" Ngumiti ako sa kasama niyang babae.

"How are you po Ate Savs? I miss you. Miss ka na rin ni Kuya 'ko" Pinantayan 'ko siya.

"Una na muna ako Savanah" nakangiting umalis si Minho.

"Miss na rin kita Blue, bakit nandito ka?" I hugged him.

"Iniwan natin si Kuya" Naiyak siya.

"Mommy, she is kuya's girlfriend" Mommy?

"Annyeong Mam. I'm Savanah Aria" I bowed.

Tumawa siya.

"Hindi ako koreana iha, maganda ka nga. Tama pala ang mga anak 'ko" Ngumiti lang ako sa kanya.

"Pwede ba tayong magusap kahit saglit lang?" I nod. Hinatid niya muna si Blue sa school at saka pumunta sa bahay nila.

"Alam 'ko ang nangyayari sa inyo ng anak 'ko, Ako na nag humihingi ng tawad sa ginawa niya" Hinawakan niya ang kamay 'ko.

Pinipigilan 'kong tumulo ang luha 'ko.

"Halos itakwil siya ng ama niya dahil malaki ang expectation namin sa kanya at akala nga namin ikaw ang babaeng tinutukoy niya pero hindi pala. Kaya dobleng disappointment ang ibinigay niya sa amin"

"Kilala niyo na po ako?" Ngumiti siya.

"Oo dahil kapag magakausap kami halos ikaw na ang bukang bibig niya. Hindi lang si Dempster ang ganun ha, pati na rin si Blue"

"Yesterday nakausap namin siya, umiiyak siya dahil minadali daw ang kasal niya, gaganapin na 'yon nextweek" Parang dinurog lalo ang puso 'ko sa mga naririnig 'ko ngayon.

Pinilit 'kong ngumiti.

"Unti unti 'ko naman po sigurong matatanggap ang sakit" hanggang sa masanay na ako na wala na siya sa tabi 'ko.

Napatingin siya sa kamay 'ko.

"I own this ring" Hinubad 'ko ang singsing at inabot sa kanya 'yun.

"Hindi po para sa akin ang singsing na 'to, para po ito sa daughter-in-law niyo"

"No, you deserve that ring. My son gave you that because he wants to be with you until eternity"

"Hindi na po kami mabibigyan ng pagasa, huli na po ang lahat. Masyado na rin pong masakit"

She hugged me.

"Sana may magandang mangyari pa para sa inyo" Nagpaalam na ako.

Bubuksan 'ko pa lang ang pinto ng may nagbukas na dito.

Eternal Love:Savanah AriaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz