Savanah Aria
Hindi na ako nagpasundo ay Dempster. Dumiretso ako sa bahay nila Mia.
Sinalubong niya agad ako ng yakap. Pinipigilan 'kong tumulo ang luha 'ko.
"Ano ka ba? Hindi naman gagawin sa akin 'yun ni Dempster" Napailing siya. Lumabas si Krizzy at yinakap din niya ako.
"I'm sorry sa ginagawa ng pinsan 'ko sa'yo. I can't imagine him doing that becayuse he hate to see girls crying"
"Ha? Wala namang ginagawa ang pinsan mo sa akin" Sige amgbulag bulagan ka pa Aria.
"Si Dempster ng mga panahong hinahanap mo siya, 'yun ang panahong na-engaged sila ni Maggie" Parang nadurog ang puso 'ko sa sinabi ni Krizzy.
Ngumiti na lang ako sa kanila.
"CR muna ako, huwag kayong magalala. Okay lang ako" Pagpasok 'ko sa CR ay doon 'ko ibinuhos ang lahat sakit na nararamdaman 'ko.
Kinakatok na ako nila Krizzy.
Lumabas ako at malungkot silang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ng pilit.
"Aalis na ba tayo?"
"Stop pretending" Inis na sabi ni Mia.
"Nasa labas na si Dempster" Inayos 'ko muna ang muka 'ko bago siya harapin.
"Umiyak ka ba?" Hinawakan niya ang muka 'ko.
"Nanuod kasi kami ng Miracle in cell no.7" Tiningnan ako nila Mia at Krizzy.
Tumango lang siya at kinuha ang gamit 'ko. Magkatabi kami sa upuan, nilalaro niya ang kamay 'ko.
Napatingin ako sa kaliwang kamay niya. Wala ang katerno ng singsing na ibinigay niya sa akin. Sumandal ako sa kanya at natulog na lang.
Naalimpungatan ako ng gumalaw siya. Nakita 'ko na nagtetext siya kaya nagpretend pa rin akong tulog.
I'm with Savanah for three days, huwag ka munang magtext o kaya ay tumawag.
Tumulo ang luha 'ko. Hindi niya ito napansin dahil busy siya pagtetext.
"Savanah 'ko, gising na. Nandito na tayo" Bumungad sa akin ang nakangiti niyang muka.
Ang galing niya magpretend.
Pagkaayos ng gamit namin ay nagsi liguan naman agad sila Mia.
"Savanah 'ko, hindi ba tayo maliligo?" Sinubuan niya ako ng pakwan.
"Gusto mo ba?" Ngumiti ako sa kanya.
"No, may magandang place dito. Doon tayo pupunta"
Nung makita nila Rayven na lumalakad kami palayo sa kanila ay sumigaw siya.
"Dempster! Saan kayo pupunta?"
"Sa lugar na malayo sa'yo!" Sagot naman ni Dempster. Nagtawanan naman sila.
Hawak hawak niya ang kamay 'ko.
"Paakyat 'to kaya mag ingat ka ha?" Inalalayan niya ao sa pagakyat.
Manghang mangha ako ng makaakyat kami. May isang puno dito at isang malawak na bangin siya. Kitang kita mo ang bundok at ang dagat.
"Aantayin natin ang sunset dito" Nakaupo kami at kumakain.
Nagsisimula na ang sunset.
Hinila niya ako sa harap ng puno.
"See this?" Tinuro niya ang mga pangalang nakaukit sa puno.
"This is my great grandfather"
"My granfather"
"And last one is my father"
"They write their names here with the name of the girl they want to live forever"
"Parehas ng ginawa nila, sunset rin kita dinala dito dahil pangalan mo ang gusto 'ko iukit"
Kumuha siya ng isang matulis na bagay at inukit ang pangalan niya at pangalan 'ko.
Paano kta makakasama habang buhay kung engaged ka na pala?
Pinapaasa niya ako.
"I love you Savanah Aria Fuentes" Hinalikan niya ako sa noo at naramdaman 'ko na may tumulong luha mula sa mata niya.
"Something wrong huh Dempster 'ko?" Umiling siya at niyakap lang ako ng mahigpit.
Bumaba na kami pagkatapos ng sunset medyo madilim na. Naabutan namin sila na nagiihaw.
Lumapit naman si Dempster kay na Rayven ako ay lumapit kay na Mia.
"Sinabi na niya ba sa'yo?" Tanong ni Mia.
Umiling ako.
"Ikaw na dapat ang magsabi!" Sigaw niya.
"Ssh! Huwag kang maingay baka marinig ka niya!"
"Ano bang ginagawa mo Aria?" Napailing si Mia.
Napatungo na lang ako.
Gabi na ng mapagdesisyunan ng mga boys na maginuman at magkwentuhan.
"Ikaw Dempster, ang swerte mo kay Aria dahil destiny talaga kayo, ano?" Medyo lasing na si Rayven kaya kung ano ano na ang sinasabi niya.
"Ha? What do you mean?" Nakita 'ko namang nagkatinginan sila Mia at Krizzy
Pero hindi na nakasagot si Rayven dahil nakatulog na siya.
Naiwan kami ni Dempster sa labas. Nakahiga siya sa lap 'ko.
"Ang saya 'ko ngayon kasi nasa piling mo nanaman ako" hinawakan niya ang kamay 'ko.
Hindi ako nagrereact dahil nagiisip ako kung sasabihin 'ko na ba ang nalalaman 'ko.
"Uhh Dempster" tumingin siya sa akin.
"May problema ba Savanah?" Bumangon siya at humarap sa akin.
"W-wala! Inaantok na kasi ako" Hinila niya ako at inihatid sa kwarto namin nila Krizzy.
Nakahiga na ako nang may kumatok sa kwarto namin at sumilip si Dempster.
Lumapit siya sa akin at inabot ang gatas.
"Baka manibago ka sa bahay eh, ito gatas para mas madali kang makatulog" ngumiti ako sa kanya.
Hinalikan niya ako sa noo.
"Goodnight my Savanah, i love you so much"
Gulong gulo na ako sa nangyayari. Mahal niya ba talaga ako? Oo mahal niya ako! Kaya hindi 'ko siya iniiwan.
YOU ARE READING
Eternal Love:Savanah Aria
Teen Fiction"Everyone says that Love is unexpected but for me it is also full of mysteries. Hindi natin alam kung anong mangyayari. Hindi natin alam kung pag gising ba natin ng umaga tayo pa rin ang mahal ng taong mahal natin. Lahat sumusugal ng dahil sa pagibi...