“You really love him, don't you?"
A psychological question,no name was mentioned but suddenly,someone came into your mind.
Natutulala ako sa tuwing mababasa ko ang tanong na ito. Marahil sa iba ay effective itong itanong para makarating sa punto ng realization kung sino ba talaga ang nilalaman ng mga puso nila.
Sa akin?
Isa lang itong lipon ng mga salita na binubuo ng dalawang pangungusap. Mayroong sense, ngunit kahit halughugin ang kasuluksulukan ng isip ay hindi rin maiintindihan. Isa lang itong malaking tandang-pananong na lumilitaw sa utak ko matapos ang mahabang brain blackout na para bang puso na tumigil sa pagtibok. Parang naririnig ko pa nga ang matinis na tunog ng makinang nag-momonitor ng buhay ng tao,
Mahaba at tila ba walang hanggan…
A psychological question,
no name was mentioned and sadly,
no one came into my mind.
Blangko.
By: mikaayre
Ang mga karakter, organisasyon, at mga kaganapan sa
Kuwentong ito ay produkto ng imahinasyon ng may-akda lamang.
Pamamahagi ng nasabing gawa ng may-akda nang walang pahintulot ay ipinagbabawal.
BINABASA MO ANG
Blangko
RomanceKailan darating ang panahon na ako naman ang makakaramdam? Paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan ko kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nangyari na nga. Matutuwa ba ako? Maiinis? Matatakot? Iiyak din ba ako na parang batang inagawan ng paborito...