01 : Clown Fish

381 16 2
                                    

1

Sa tuwing makikipag –sabunutan o suntukan tayo sa mga nang-aapi sa atin, laging nandyan ang mga nakatatanda para awatin tayo. “Masama ang makipag-away.”, lagi nilang sabi noong mga bata pa tayo, at maging sa pagtanda natin ay lagi itong pinapa alala.

May punto nga naman. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay masamang makipag-away, lalo na kung may ipinaglalaban naman. Pero nang dumating ang oras na kinailangan kong ilabas lahat ng pagtutol at hinanakit ko, wala akong nagawa. 

Paano ko ba papaliwanagan ang taong sarado ang isipan? Kung ang susi ay bumara na sa tiyan imbes na manatili sa ulo? Ang hirap, hindi ba? Lalo na kung isa kang dilis na naligaw sa malawak na dagat— tulad ko…

Sa fish bowl pa nga lang nangangatog na ako, sa mas malaking aquarium pa kaya?

Para akong nasa isang malaking ocean aquarium. Ibang-iba sa pakiradam. Mainit. Nakakapaso. Nakakasakal. Sanay ako sa tabang, kahit tubig-gripo ay pwede, pero di kaya ng dibdib ko ang tubig-alat. Masyadong malawak. Nakakatakot. Sa isang kurap lang ay pwede kong matagpuan ang sarili kong nakasabit sa pangil ng mas malaking isda.

Tulad na lang ng lalaki na palagi kong kasabay sa bus tuwing papasok ng eskwela at maging sa pag-uwi. Noong una ko siyang makita, ikinumpara ko siya sa isang clown fish. At hindi nga ako nagkamali.

Cute siya,

 … pero mapanlinlang.

Nasa bandang gitna ako ng bus noon. Nag-iisa. Walang katabi. Walang kausap. Kahit na may nakapasak na earphones sa tainga ko ay ramdam kong papalapit siya. Hininaan ko ang tugtog at tahimik na huminga nang malalim.

“Hi, bago ka dito?”narinig kong sabi niya. Sandali ko siyang nilingon at tumango nang hindi sinasalubong ang mga tingin niya. Isa pang tanong, isa pang tango.

Naalala ko pa ang pakiramdam bago ako bumaba ng bus… DUG DUG. DUG DUG. DUG DUG.

Ito yun… yung pakiramdam na matagal ko nang pilit iniiwasan.

BlangkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon