05 : Love & Hate

205 6 11
                                    

 5

Madalas nating naririnig na  “There is a fine line between love and hate.” Kaya nga patok na patok ang mga love stories kung saan enemies turned lovers and tema. Mas interesting nga naman kasing subaybayan ang kwento kung saan halos magsaksakan na sa inis ang dalawang bida. Mas nakatatanggal ng stress na hatid ng tunay na buhay kumbaga.

Kung ang iba, hands down sa mga ganitong istorya, ako naman ay body down. Planking pa sa gitna ng rumaragsang traffic sa EDSA.

Maituturing kong swerte ang sarili ko. Ang iba kasi, hindi nila alam na nagpigtal na pala ang tali. Na nasa kabilang kampo na pala sila namamalagi. Samantalang ako, kitang-kita ko ang harang. Mas maliwanag pa sa kislap ng kidlat at ng mga bituin sa gitna ng maaliwalas na langit ang katotohanan na isang malaking biro kung mahuhulog ang loob ko sa isang lalaking walang alam kundi pagtawanan ako.

Seryosong tanong— sino bang apo ni Sisa ang nagpa-uso ng ganitong kwento ng pag-ibig?

Naka-aaliw mang basahin ang mga ganitong klase ng istorya, para sa akin ay dapat na lang silang manatili sa loob ng telebisyon at sa mga pahina ng libro.

Hindi ba’t parang imposible na magising ka isang araw at marealize mo na para bang nag-iiba na ang tingin mo sa taong walang ginawa kundi maghatid ng negative energy sa araw mo?

Hindi ba’t mayayamot ka nang todo sa sarili mo sa kaiisip kung paanong bigla na lang naging okay sa iyo ang mga bagay na dati ay ikinagagalit mo?

Hindi ba’t nakakaiyak na umabot sa ganoong punto ang damdamin mo dahil alam na alam ng puso mo na hindi niya kayang ibigay ang hihingin mo?

Ang ma-in love sa kaaway, kapalit ay self-hatred. Self-loathing. Ipinahiya ka niya. Pinagtawanan. Ayaw mo mang magpa-apekto, minsan ay may mga salita siyang ibinabato na sumusugat at tumatagos sa kaluluwa mo. Pinasasama niya ang kalooban mo. Kung mahal mo pa ang sarili mo, hindi mo na daragdagan pa ang pasakit sa dibdib mo. Remember, rapid heartbeat? Bawal yan. Lalo na kung wala ka nang positibo na nararamdaman. Kung hindi sakit sa puso ang aabutin mo, malamang sa depression ang bagsak mo.

Sa pagtatapos ko sa eskwelahang ito, wala akong ni katiting na self-hatred na nararamdaman. Kung may hatred man, para sa nag-iisang clown fish lang. Pagkatapos ng araw na ito, hindi na kami magkikita. Ni isang letra ay wala akong maririnig mula sa kaniya. Maghihiwalay na kami ng landas. Tuluyan na siyang mawawala sa buhay ko.

Pero ang masakit?

(Nanghihinayang ako…)

Joke. Akala niyo ba iyon ang sasabihin ko?

Ipagpaumanhin po ninyo. Manghihinayang lang ako kung manalo ako ng isang bilyon sa lotto at pagkatapos ay tangayin ito ng magnanakaw mula sa mga kamay ko. Sabihin na natin na ang nararamdaman ko ngayon, parang hindi lang lotto ang napanalunan ko. May kasama pang house and lot at kotse ang premyo ko.

Simula ngayon, sa ibang aquarium na ang lalanguyin ko. At makikita ng lahat ang mga ngiti sa labi ko.

BlangkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon