Prologue

562 19 9
                                    

Prologue

Matalino raw akong bata. Magaling sa science, laging perfect sa math, mataas sa oral recitation sa English, at higit sa lahat kabisado ang mapa ng Pilipinas. Malayo raw ang mararating ko basta ipagpatuloy ko lang ang ginagawa ko.

Pero ano nga ba ang tunay na sukatan ng katalinuhan? Kapag ba mababa ang marka sa eskwela ibig sabihin ba ay wala nang mararating? Wala na bang kahihinatnan ang buhay? Edukasyon nga lang ba ang sukatan kung gaano kalayo ang mararating ng isang tao?

Hindi naman sa pagmamayabang pero maaga kong nahanap ang sagot sa mga tanong na iyan.

Dahil doon, lumaki akong hindi na iniisip kung makaka-perfect ba ako sa test o kaya naman ay kung mataas ba ang makukuha kong grades sa project. Nag-iba na ang tingin ko sa salitang 'matalino' dahil may nakita akong mga bagay na mas nangangailangan ng higit na atensyon.

Matalino raw ako, di ba? Kaya naman bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng salitang crush. Si Ginny na laging bukang bibig si Nick— crush yun. Si Sebastian na malakas ang loob na itukso  ang sarili niya sa akin, yun—crush ang tawag doon. Alam kong masaya pero alam ko ring masakit. Alam kong iniisip ng iba na panghabangbuhay na pero alam kong may hangganan din.

Sa edad na walo?            

 Oo, matalino ako. Hindi dahil alam ko ang mga kilos, mga ngiti, at mga sulyap na ani mo’y may pinagsasaluhang sikretong pilit na itinatago. Hindi rin dahil alam ko ang bawat bulong, bawat sigaw, at bawat himig sa likod ng mga salitang binabanggit. Ngunit dahil sa kabila ng kakulangan ko sa karanasan, alam ko pa rin ang totoo sa nagpapanggap lang.

Kumabaga sa pamimili ng telang sutla, hahawakan mo muna. Sasalatin. Pakikiramdaman kung tunay nga o isang lang ito sa mga telang itinulad sa totoo. Rip off. Fake. Ako iyong tipong dadaanin lang sa tingin at gagamitin ang isip kung talaga nga bang tela ng sutla ang nasa harapan ko. Ako iyong tipong magmamasid lang at pagkatapos ay may baon na naman akong bagong leksyon na dadalhin ko hanggang pagtanda.

Kailan darating ang panahon na ako naman ang makakaramdam?

Paminsan-minsan ay sumasagi sa isipan ko kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nangyari na nga. Matutuwa ba ako? Maiinis? Matatakot? Iiyak din ba ako na parang batang inagawan ng paborito niyang laruan? Ang oras, panahon— may Pilosopo Tasyo ba sa panahong ito na makakapagsasabi kung kailan? Bukas ba? Sa makalawa? O baka naman pag-gising ko nitong umaga,

May paraan ba para malaman kung nagsisimula na?

BlangkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon