Prologue

96 60 21
                                    

Sa buhay hindi maiiwasan ang sakit.

Sakit na dulot ng pagmamahal.

"PAG-IBIG"

Isang salita lang.

Pero ito ang dahilan kung bakit nabuo ang tao.

Kung bakit tayo pinanganak sa mundo.

Isang salitang walang perpektong kahulugan.

Ang malinaw lang..

Itong salitang ito,

Walang sino mang makakaligtas dito.

Walang exemption..

Darating at darating ang araw na guguluhin ka ng salitang to.

Papasayahin..

Papakiligin..

Pagkatapos,

Papaiyakin..

Sasaktan..

Wawasakin..

Ano nga bang mangyayari sa pusong,

Sinaktan..

At..

Pinaglaruan ?

Mawawala ba ang sakit ?

Maghihilom ba ang sugat ?

Pagpapatawad ba ang sagot ?


Pagtakbo at paglayo ba ang paraan ?


O tuluyang paglimot kung paanong magmahal ?

Hanggang saan ba kayang baguhin ng salitang "PAG-IBIG",

Ang buhay ng isang tao ?

Hanggang saan nito dadalhin,

Ang pusong nasaktan ?

Hanggang saan nito babaguhin,

Ang pusong napaglaruan ?

***********

Si Nica ay isang inosenteng probinsiyana na lumuwas ng Maynila para mag-aral ng College. Pero ang hindi alam ng lolo't lola niya, ang isang dahilan ng pag-alis ni Nica ay para hanapin ang kanyang Ama.

Hindi niya alam ang mukha nito, ni ang pangalan man lang. Dahil galit ang lolo at lola niya dito kaya't bawal siyang magtanong ng kahit na ano tungkol sa kanyang Ama.

Sa pagdating niya sa Maynila, makikilala niya si Kyle at JC-- ang dalawang chickboy na manggugulo sa inosente niyang puso. Ang dalawa ay magkakompetensiya sa halos lahat ng bagay. At sa kamalas-malasan, this time siya ang pag-aagawang premyo ng dalawa.

Mapaglaro ang pana ni Kupido. Matakasan kaya ito ni Nica?

Ano naman kaya ang mangyayari sa oras na mahanap na niya ang kanyang Ama? Makakaya niya kayang harapin ang mabubunyag na lihim ng nakaraan?

Paano kung ang mismong tadhana na ang mag simulang maglaro?

Malalabanan kaya nila ang masakit na ibabato sa kanila,

ng tadhana?

"Played and Wounded Hearts"

By: Ms. Blue

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon