Chapter 13

4 0 0
                                    

Nica's POV


"Um, excuse me po. San ko po pwedeng makuha itong libro po na to?" tanong ko don sa nagbabantay. Nasa library nga pala ako para kunin yung libro na pinapakuha sakin nung--

Sino nga ba yon?

Ah basta yung babae na kaklase ko.

"May I see?" ibinigay ko yung maliit na card kung saan nakasulat yung title ng libro.

"Oh para sa buong class niyo to. Wala ka bang kasama para magbuhat? Boys dapat yung inutusa kumuha neto."

"Po?"

"45 all in all to. Ito halika dito."

Sumunod lang ako hanggang sa mapunta kami sa mga librong magkakapatong.

"Gusto mo magtawag ka muna ng kaklase mo na magbubuhat."

Nakatali naman siya kaya madali lang naman sigurong buhatin. Isa pa di naman ganon kakapal yung libro.

"Hindi po. Ako na lang po magbubuhat. Kaya ko naman po," sagot ko at ngumiti.

.

.

.

.

.

.

.

.

Asan na nga ba yung room namin?

Napatigil muna ako sandali. Kanina pa ako naglalakad pabalik sa room pero mukhang naliligaw nanaman ata ako. Inilapag ko yung dalawang tali ng mga libro at saka inunat yung dalawang braso ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko buhatin ulit yung libro. Naglakad na ulit ako pero nakakailang hakbang pa lang ako ng biglang maputol yung tali.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pinulot ko yung ibang libro na nagkalat. Wala akong ibang nagawa kundi ipatong na lang siya sa isa pang nakataling mga libro. Kaya ang nangyari, buhat buhat ko sila sa harap ko na halos natakpan na din yung mukha ko. Itinagilid ko na lang yung ulo ko para makita yung dinadaanan ko.

Lakad-lakad-lakad

"Dahan dahan lang Nica," pagkausap ko sa sarili ko.

Buti wala masyadong estudyante. Wala naman siguro akong mababangga--

"Eh?"

Napatigil ako sa paglalakad ng biglang parang may humarang sa daanan ko. Hindi ako makaabante. Sinubukan kong silipin kung ano. Baka pader o poste pero braso yung nakita ko. Hindi ko makita yung mukha kasi nakaharang yung kapal ng libro. Sinubukan kong tumingin sa harap ko sa itaas pero buhok lang yung nakita ko.

Ipinatong niya yung kamay niya sa pinakaibabaw na libro at kinuha iyon.

"Ah--t-teka-anong--"

Kinuha niya yung pangalawa. Yung pangatlo.

Hanggang sa unti-unti ko ng nakita yung noo niya,

Kilay..

Mata..

Ilong..

Kinuha niya isa isa yung libro hanggang sa makita ko na yung buong mukha niya.

J..

C?

Ngumiti siya. Ako naman, napakurap lang ng marahan.

"I bet naliligaw ka nanaman."

"Ah, um.."

"Pfft! Akina nga yan," pagkuha niya sa halos sobra sa kalahati ng dala ko.

"Naku h-hindi wag--"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon