Chapter 12

6 0 0
                                    

Jack's POV


"Haaaaay!"--Pareng Kyle


"Haaaaaaaaaaaay!"--Me


"Tss."-- Jep-slash-Jeff Bugnutin-slash-Jeff Babe



Pare-parehas kaming tatlo na nakapangalumbaba ngayon sa ibabaw ng mesa. Except pala kay Jep na isang kamay lang ang gamit. Masyado daw kasing pa cute pag dalawa.


Nasa bahay kami ngayon nila Pareng Kyle. Tambay lang dahil walang pasok.

"Isang linggo na akong di pinapansin ni Faye."


"Hindi din ako pinapansin ni Manika."



"May pumansin saking babae. Tss."



"OHH?!"

Sabay kaming napalingon ni Pareng Kyle. Parehas kaming nagulat. Kasi naman, pansinin si Jeff Babe ko, oo, pero walang nagtatangkang pumansin sa kanya.



Teka medyo ang gulo nung sinabi ko.



Basta! Walang pumapansin sa kanya, kasi nga sabi nila, nakakatakot daw siyang i-approach.


"Teka balik sa pwesto niyo kanina."


Napalingon kami kay Tita na may dalang tray. Nagluto kasi siya ng makakakain namin.



"Hmm, I think mas okay kung both hands din yung gagamitin mo Jeff."


Kinukuhanan kami ni Tita ng picture. Buti naisip ni Tita yun. Naisip ko din yun kanina eh. Hehe



"Sige na Jeff. Actually may picture niyo na ako kanina. Nung pare-parehas kayong may iniisip. Kaso napansin ko naiiba ka."


"Nga po Tita eh. Pagpasensyahan niyo na po kung masyadong maarte tong kambal ko ha? Babe dali na. Isa lang."


Inilagay ko yung isa niya pang kamay sa pisngi niya. Masunurin ang Babe ko dahil di niya tinanggal yon ^__^ Pero alam kong labag sa kalooban niya yon haha!



"Okaaay 1-2-3 smiiile!"


*click


"Serious look naman. 1-2-3--"


*click



Matapos ang picture taking, kumain na kami kasabay si Tita. Nagchikahan ng kung anu-ano, nag-asaran, nagkulitan, nagbugbugan, nagtadyakan, nagpata-- oops!


Nagpatantero kasiii.






Oo PATANTERO. May sarili kasi akong version.


^____^ Hehe.


Nakalimutan na din namin tanungin kung sino yung sinasabi ni Jep na pumansin sa kanya na babae na hindi niya din naman sasabihin pag tinanong namin na kung sino yung babae na ---



"Wait Jack huminga ka." saway ko sa sarili ko


"Jeff kambal mo nababaliw na. Nagsasalita mag-isa oh."

Napalingon ako kay Pareng Kyle.

"Tss."


"Tss!" panggagaya ko sa kanya.

Hindi ko na lang sila pinansin dahil napabalik ako sa pag-iisip kung bakit hindi ako pinapansin ni Faye at kung anong gagawin ko para magbati na kami.

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon