Chapter 7

23 14 0
                                    


Nica's POV

"Teka! Wag mong sabihin saking,




Ikaw yung humalik sa pinsan ko?!"

"Eh?" --ako

"Huh?" --fate

"Haaa?"-- yung lalaki

"Hindi k--"

Kinuha ni Aira yung tinidor niya at idinuro dun sa lalaki.

"Umamin ka kundi isasaksak--" papalapit ng papalapit yung tinidor. Halos nakatayo na si Aira mula sa pagkakaupo.

"Air--"

"Ano ba?!" pipigilan ko sana si Aira ng tinapik ni fate yung kamay niya kaya nalaglag yung tinidor. Hinarang ni Fate yung braso niya dun sa lalaki.

Tumingin si Aira dun sa nahulog na tinidor. Tapos dahan dahang inilipat ang tingin kay Fate. Ano bang nangyayari? T__T

"What's your problem with Jack? Bakit ka ba galit na galit? Pwede mo naman siyang tanungin ng maayos ah!"

Napasingkit ng mata si Aira.

"You don't have the right na sigawan at duru-duruin siya. Sabihin mo nga nagpapapansin ka ba kay Jack ha?!"

"Ha! Una, hindi ako nagpapansin sa bwesit na yan! Pangalawa! May karapatan akong sigawan siya! Eh ikaw anong karapatan mong mangialam kung sigawan ko siya? Sino ka ba? Girlfriend ka ba niya?"

Natahimik si Fate. Yung ibang kumakain sa canteen kanina pang nakatingin samin.

"Uulitin ko hindi ako nagpapapansin! Kung girlfriend ka niya siguro dapat sa kanya mo itanong yun at hindi sakin. Kasi SIYA ang papansin hindi ako!" madiin na sabi ni Aira bago siya umalis.

Tumayo ako para sana sundan siya pero naunahan ako nung lalaki. Sumunod din si Fate at hinabol yung lalaki. Napaupo ako at napabuntong hininga.

Nakatulala lang ako at iniisip yung nangyari ng makarinig ako ng mga nagbubulungan.

"Siya yung hinalikan ni JC."

"Anong pumasok sa utak ni JC at hinalikan niya yan?"

"Mukhang inosente pero ang totoo malandi."

"Well pati nga si Kyle nilalandi niya eh."

Lahat sila nakatingin ng masama sakin. Tumayo ako para umalis na ng may humila sa braso ko. Isang babae na medyo mas matangkad sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino ka at ang lakas ng loob mong landiin si JC at Kyle?"

Sino daw? J-? Ano daw?

"Matatanggap pa namin kung isa lang. Pero iba ka! Silang dalawa pa talaga!"

Hinigpitan niya pa lalo yung pagkakahawak sa braso ko.

"Ahh-"

"Ano? Feeling mo mas maganda ka samin dahil hinalikan ka ni JC?"

"Ohh! Look at her hand. May pangalan pa ni Kyle!"

Binitawan niya yung braso ko at kinuha yung kamay ko.

"K Y L E ?"

Tumawa siya

"Ilusyanada ka rin no? Oh ito para magising ka."

*slap

Sinampal niya sakin yung kamay kong hawak niya.

Nagtawanan naman yung mga nanunuod. Sinampal sampal niya ulet sakin yun. Pagkatapos tiningnan niya yung nakasulat sa kamay ko. Madiin niyang kinuskos yung hinlalaki niya dun pero natigil siya ng may biglang sumigaw.

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon