Chapter 4

49 50 6
                                    

(Dedicating this chapter to BananaZurc and johniumbi) ^___^

~~~

Kyle's POV

Uwian na din sa wakas. Haaay ! Mag isa lang akong uuwi ngayon. Di ko kasabay yung dalawang kambal dahil si Jack may gagawin daw. Si Jeff bugnutin naman ayun, nauna ng umuwi. Malamang nainis nanaman yun dahil ang tagal naming lumabas ni Jack.

Bwisit na Jack kasi ! Ayaw ba naman akong tantanan tungkol dun kay err, don sa babae. Pinaliwanag ko na nga sa kanya kanina kung bakit ako sinusubuan ni--

aissh! Ewan! Buti na nga lang di niya natandaan na siya yung babae sa bus.

Dahil pa sa kakulitan ni Jack, tuloy di ko nanaman natanong pangalan ni--

pangalan niya! Ang hirap naman ng ganito! Hindi ko alam kung ano itatawag ko sa kanya >.<

Ano kaya talaga pangalan niya ?

"OMG! Bakit parang lalong gumwapo si JC?"

"Oo nga. Nakakasilaw naman!"

"Di hamak naman na mas gwapo si Kyle diyan noh."

Narinig kong nagbubulungan yung mga babae. Nakita ko si JC na naglalakad papunta sa gawi ko. Naglalakad din ako kaya magkakasalubong kami.

"Ayan nanaman sila."

"Wag naman sana silang magsuntukan tulad nung nakaraan!"

Tumigil siya ng mapansin niya ako. As usual, nakasalpak nanaman sa tenga niya yung earphone niya. Naiintindihan ko naman, masakit kasing marinig na mas pinag-uusapan ako ng mga chix kesa sa kanya.

Ngumiti ako. Tinanggal niya yung earphone sa tenga niya.

"Kumusta? Sabi ko naman sayo lumipat ka na ng school. Hindi ka bagay dito. Kung ako sayo--"

"Sabihin mo lang kung masyado kang natatakot na nandito ako." ngumiti siya

Mas ngumiti ako.

"Buti alam mong nakakatakot yung mukha mo? Pwedeng pang horror."

"Kumpara naman sa mukha mong nakakatawa. Pang comedy."

Tumawa yung mga babae. Dumadami na yung nanunuod samin. Nagiging intense na din yung tinginan naming dalawa. Susugurin ko na sana siya ng--

May tumamang ballpen sa mukha ko.

+__+

«»

Nica's POV

"By the way pano ka uuwi Nica ? May kasabay ka ba ?" Tanong sakin nung babae na nakaupo sa harap ko. Naglabasan na ng room yung iba naming kaklase. Uwian na kasi.

"Ah oo yung pinsan ko. Dadaanan niya ko dito."

"Okay so kung ganun, una na ako sayo ah ?"

"Sigi." Sagot ko. Nagligpit na ng bag si-- ahh--

"Teka, ahh ano nga ulet pangalan mo ? Nakalimutan ko kasi eh."

"Hahaha Faye. Faye is my name."

tumango tango na lang ako. So Faye ang pangalan niya. Tinitigan ko lang siya habang nagliligpit ng gamit. Gusto ko lang tandaan yung mukha niya.

"Hindi ka ba susunduin ng manliligaw mo ?" Tanong sa kanya nung lalaki na seatmate niya. Alam ko siya yung lalaking madaldal.

"Hindi eh. May pupuntahan daw siya."

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon