Characters

75 52 31
                                    

Hello Readers! Let me introduce to you our characters.

---> Meet Nica, "The Innocent yet charming Promdi) ^___^

Well, pano ba? Okay simulan natin sa buong pangalan niya. Introducing, ang ating bida--

Monica Reyes

Isang babaeng lumaki sa probinsya kasama ang kanyang lolo't lola. Dahil lumaki siya sa probinsiya, isa lang naman siyang dalagang Pilipina. Walang alam sa mundo. Walang alam sa pag-ibig. Never been in love. Never had a boyfriend. Siya yung tipo na two-goody shoes. Kuntento na siya sa simple, tahimik at booooring na buhay niya. But not until lumuwas siya ng Maynila para doon mag-aral ng College at para hanapin ang kanyang Ama. Makaka-survive kaya siya sa bagong buhay na nag-aabang sa kanya? Dito niya na kaya makikilala ang "The One" niya? O mararanasan niya lang,

ang mapaglaruan? At saktan?

---> Meet Kyle, the "Certified Chickboy"

Complete Name: Kyle Angelo Stevenson

Talent: Drawing and 'Flirting' xD

Height: 5'8

Hair color: Black

Gwapo, matangkad, hindi ganon kaputi pero hindi din ganon kaitim, matangos ang ilong, lahat na ata nasa kanya. Except that, childish siya kung minsan. -__-

Ang motto niya sa buhay?

"Isang ngiti ko lang, akin ka na."

Yes. Dahil kapag ngumiti siya, para bang 'under his spell' ka na. Maraming nagkakagusto sa kanya dahil sa gwapo naman talaga siya (walang duda) at dahil din sa ngiti niyang pamatay. Yun nga lang, hindi lang kasi siya ang biniyayaan. Pwedeng nasa kanya na lahat, pero hindi ibig sabihin siya na ang pinaka. Dahil sa mundo, kailangan mong isipin na meron at merong 'mas' sa atin. O kung hindi man, katapat natin. Ang tanong, magagawa kaya ni Kyle na lamangan yung katapat niyang yon? Forever na lang ba siyang makikipag-kompetensiya? Sino ang mananalo? At sino ang matatalo?

---> JC, "Certified Chickboy #2)

Complete Name: Jake Christopher Sandoval

Talent: Singing

Height: 5'8

Hair color: Brown

Ang pinaka-iinisan ni Kyle sa lahat.

Gwapo, maputi, matangkad, matangos ang ilong, sikat siya for having such a great voice that every girl would fall for. Gentleman at mabait. Yup! Naaakit sa kanya ang mga girls not just because of his physical appearance (well kasama na yun syempre) but also because of his kindness and gentleness. "Boyfriend Material" na kung tutuusin. But hep hep hep! Dahil gaya ni Kyle, flirting lang din siya magaling. Wala sa isip niya ang serious relationship. Just for fun lang kumbaga. Hmmm, mapanindigan niya nga kaya yun hanggang dulo? O lulunukin niya din ang mga salita niya sa huli?

---> Micaira Reyes "Fearless at Certified Manhater" na pinsan ni Nica)

Nicknames: Cai, Micai, Aira

Matapang at palaban, unlike other girls kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya. Hindi siya umaasa sa 'Knight in Shining Armor'. Masungit at mataray siya pagdating sa boys. Mailap at mabigat ang loob niya sa lahaaaaaat ng lalaki. Pero kahit na ganon, may mga nagtatangka pa din na ligawan siya. Maganda naman kasi siya, maputi na hanggang balikat ang buhok, yun nga lang hindi ganon katangkaran. Maliit talaga siya dahil sa height niya na 5'1. Well, small but terrible sabi nga nila.

---> Meet Faye Calli

Ideal girl ng halos lahat ng lalaki. Matalino, mabait, friendly, hindi mayabang kahit mayaman, at syempre maganda na maputi at mahaba ang buhok. Wala kang mapipintas sa kanya. Totoo siya sa lahat at sobra kung magpahalaga sa friendship. Para sa kanya, "LOVE is the only thing that makes this world beautiful. Mawala na lahat ng bagay, lumipas man ang panahon at maging luma ang mga pansamantalang magagandang materyal na bagay dito sa lupa, love remains. Love is magical. It's meaning is beyond words." Lumaki sa isang buo at masayang pamilya kaya siguro ganoon siya ka-positive tumingin sa salitang LOVE. Well, let's see kung hanggang saan yung paniniwala niyang yan.

Magbabago kaya ang pagtingin niya sa salitang Love sa oras na saktan siya nito?

---> Shara Fuentes

Maganda at cute na mala-anghel ang mukha. Sa maamo niyang mukha, walang hindi maa-attract sa kaniya. Cheerful at makulit. Close niya lahat, babae man o lalaki. Maingay at malakas kung tumawa. Walang kaartehan sa katawan. Ni hindi mahahalatang model siya kung hindi lang siya maganda. Yup! She's into modelling. Acting and dancing as well. Overflowing with talent but lacks one thing. Sa dami ng manliligaw niya, hirap siyang idetermine kung sino ang seryoso sa hindi.

Mapili niya kaya yung tama? O mahuhulog din siya sa maling tao, gaya ng karamihang babae?

---> Harry Flores

Lalaki pero madaldal, mahilig mag-aral, weirdo. Mabait kaso may sakit. Sakit ng katorpehan. He lacks confidence. Kung pwede lang i-convert ang katalinuhan, ginawa niya na. Simple lang siya. Siya yung tipo na hindi pansinin dahil nga tahimik at puro pagbabasa lang ang alam. Pero once na kinausap mo siya, dun mo lang malalaman na napaka-daldal niya. Oh by the way tropa nga pala niya ang gwapong gwapo na si JC.

---> Jeff Elton Xee, ang kakambal ni Jack Evan Xee

Masungit. Tahimik. Hindi pala salita. Mainitin ang ulo. Sumpungin. Kabaliktaran ng kakambal niya. At higit sa lahat. Allergic. Oo! Allergic. Allergic sa babae.

Sino kaya ang magbibigay ng gamot sa allergy niya? Sino ang maswerteng babae na mamahalin ng masungit na si Jeff? At sino nga kaya ang babaeng makakapag-pabago sa kanya?

---> Jack Evan Xee, ang kakambal ni Jeff Elton Xee

Isip bata, masayahin, makulit at sweet. Hmm, gaya nga ng nabanggit, kakambal niya si Jack. Magkamukha talaga sila. Magkaiba lang sila pagdating sa ugali at personality. Mahahalata agad kung sino si Jack sa kanila dahil nga si Jack ay laging nakangiti at parang bata kung umasta, while his twin is laging poker face lang.

Wala na kong masabi kaya tara't buksan na natin ang first chapter! ^___^

Played And Wounded HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon